Chapter 28: New Life

97 11 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa couch while thinking what might happen in the next days. Anong mangyayari sa akin? Well, hindi naman ako mabobored kasi may trabaho naman pero kasi...Ang totoo ay nag-aalala ako. Not for me, but for my family, lalong lalo na si Zandra. Kung totoo man na may humahabol sa akin, pwede nilang idamay sila Zandra. Sino na lang magbabantay sa kanila? Should I check on them at siguraduhing ligtas sila? I can use my skills. But, it's too dangerous. Lalo na kapag nabuking ako sa disguise ko at makita ni mama.

I shifted my position at inayos ko ang upo ko. I continued thinking about things, making me feel uneasy. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito ginagawa imbis na magrelax. I just can't dahil alam ko ang posibleng mangyari.

Nagulat ako nang may magsalita.

"A penny for your thoughts? There's something bothering you. You can tell me. Maybe I can help."

Umupos siya sa tabi ko.

"Here's a chocolate, it may lessen your stress," usal ng isang lalaking may inaabot na chocolate na hindi ko inaasahan na magsasabi niyan. I ignored him and rolled my eyes.

Tumayo ako at lumakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig sa fridge. My eyes narrowed when I opened the fridge and saw what's inside. Full of chocolates! What the fudge!

Kaya nga hindi ko kinuha yung chocolate na ibinibigay sa akin ni Lucind dahil kakakain ko pa lang ng chocolate na inabot sa akin ni boss tapos eto pa ang makikita ko. Hindi ba nagkakadiabetes si boss? Nasobrahan ata siya sa chocolates ah.

Sinara ko yung fridge at naghanap pa ng pwedeng makuhaan ng tubig. I saw another fridge that is smaller than the one with chocolates. At nung binuksan ko ito, bingo! Salamat naman at may tubig na dito. May supply rin ng fruits at ibang healthy foods sa loob. Buti naman at hindi puro chocolates ang nasa loob ng bahay ni boss. Ang weird lang niya dahil mas malaki yung ref na may mga chocolates kesa dun sa ref na may mga healthy foods. Hmph.

Bumalik na ako sa living room at naabutan ko si Lucind na nanood ng tv. Siguro nahimasmasan ako pagkainom ko ng malamig na tubig kaya ngayon ko lang naisipan na mali pala yung ginawa ko.

I cleared my throat before speaking. "Uhm, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sungitan ka kanina. It's just...parang hindi kasi ata maganda ang una nating pagkikita kaya ganon. Sorry."

Nakahinga ako ng maluwag ng ngumiti siya sa akin. "It's fine. Sorry din kasi nasungitan kita kanina. Pagpasensyahan mo na ako dahil iba talaga ang ugali ko kapag nasa trabaho at wala."

My eyes widened. "Kaya ba ang cold at ang sungit mo kapag nasa trabaho lalo na kay Tenebris?"

Totoo naman eh.

"Yes. Hindi naman talaga ganon ang ugali ko. Nagpapakita lang ako ng professionalism kapag nasa trabaho ako because I'm the leader. Tsaka medyo masungit na rin." Kumamot siya sa batok niya. "Hindi ko nga rin alam kung bakit eh."

Natawa ako. "Kaya pala. But why are you changing your eye color? I mean kasi bakit ka ba nagsusuot mg contact lens? Your eyes are beautiful dapat dyan hindi tinatago."

Tumawa naman siya. "It's part of my work. Di'ba para hindi tayo magkakila-kilala, we need to wear mask. But my case is different. It's for my safety also dahil rare lang naman dito sa Cepheus ang green eyes di'ba? You know what I mean. Nakakatamad mag-explain."

I think dahil do'n may naalala ako. "I encountered a green-eyed man twice before. Yung una ay hindi ko na matandaan but the last one...hindi ko siya makalimutan."

Tiningnan ko si Lucind habang nagkwekwento ako. To confirm something. Pero parang hindi naman siya naaapektuhan kaya...wag na lang siguro.

"Nevermind. Ang point ko lang is tama yung sinasabi mo dahil hindi nga mabilis makalimutan ang mga taong may unique na katangian."

The Princess In Disguise (Under Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang