Chapter 4: Secret Organization

750 29 6
                                    

Isinuot ko ang black jeans ko at ang puting v-neck T-shirt na susuotin ko para sa araw na ito. Hindi naman ako mamasyal sa kung saan kaya hindi na ako nagdress. Pupunta ako ngayon sa headquarters.

After I finished putting my rubber shoes, I immediately run towards the door. Excited na akong magkamisyon ulit. Isang buwan din ang leave ko kaya hindi ako nakatanggap ng misyon. Sa isang buwan na yun, ang tanging ginagawa ko lang ay mag-disguise bilang kung sino-sino para maiwasan ang mga guards na pakalat-kalat sa lungsod. I hate those guards!

Maya-maya ay nakasalubong ko si Zandra.

"Where are you going? And why are you dressed like that?" she asked, raising an eyebrow.

"Work," maikling sagot ko sa kanya.

Alam niya na nagtatrabaho ko. Pero syempre iba yung sinabi kong ginagawa doon, in short nagsinungaling ako. I felt so guilty for lying pero para naman sa safety niya 'to. Pero half lie lang naman yun, kasi totoo namang nagtatrabaho ako, hindi nga lang niya alam kung ano, dahil hindi ko sinasabi sa kanya kung anong klase at saan ako nagtatrabaho. Hindi ko nga alam kung nacucurious siya o hindi kasi hindi naman siya nagtatanong tungkol dun.

Hindi talaga niya alam ang dahilan kung bakit ako nagtatrabaho o kung bakit ko ginagawa ito. It's very simple. Justice.

May rason naman ako kung bakit ako nagsisinungaling. At yun ay ayaw ko siyang ma-involve sa mga pinaggagagawa ko. Alam kong delikado ang ginagawa ko dahil sa mga misyon at ayaw kong malagay siya sa kapahamakan. Kapag nalaman niya ang ginagawa ko at ang dahilan kung bakit ko ginagawa iyon, magpupumilit siyang tumulong at maging involve, at yun ang pinakaunang ayaw kong mangyari.

"Pinayagan ka ba ni mommy?"

"Yeah."

"Pero nagsinungaling ka?"

"Yeah."

"Anong sinabi mo?" Tiningnan muna niya ako bago may ibinulong sa sarili na rinig na rinig ko naman. "Hindi mo naman na kailangang magtrabaho, prinsesa ka naman na."

Pagkatapos nun ay humarap ulit siya sa akin. Tiningnan ko na muna siya sa mata bago nagsalita.

"Bakit ang dami mong tanong?" balik na tanong ko sa kanya.

Inirapan niya naman ako. "Fine. I won't ask. Pero kapag nakita ka ni mommy na ganyan ang suot mo malilintikan ka. Diba hindi dapat nagsusuot ng pantalon at T-shirt ang prinsesa? It's for commoners, remember?"

"Yeah, pero dito ako komportable. Tsaka isa pa. Pupunta ako sa trabaho, ganito talaga ang laging suot ko. Alangan namang magdress ako dun, duhhh, saan ka nakakita ng nagtatrabaho na naka-dress, sige nga? At kapag nahuli ako na ganito ang suot, hindi ko na kasalanan yun. Kasalanan mo yun kasi kanina pa dapat ako nakaalis kung hindi mo ako kinakausap ngayon."

Naningkit naman ang mga mata niya.

"Kasalanan ko pa? Kasalanan ko bang hindi ka dumaan sa secret door, eh ginawa nga yun ni papa para hindi tayo makita sa palasyo kapag gusto nating lumabas pero bawal."

"Correction. Ginawa yun ni papa for emergency purposes. Tsaka hindi naman 'to emergency ha. At kapag narinig tayo ni mama na pinag-uusapan natin si papa, malalagot tayo."

"Kaya lumayas ka na at dun ka dumaan sa secret door. Nakalimutan mo na bang may guards sa main door? Ano ka invisible para hindi ka nila makita. Dapat nga nagti-thank you ka pa sa akin dahil pinigilan kita na dumaan don. Hindi yung ako yung sinisisi mo."

"Edi thank you," I replied sarcastically.

She rolled her eyes and motioned her hand moving back and forth, meaning, pinapaalis niya na ako.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now