Chapter 24: Surrender

112 11 8
                                    

Mahirap talaga kung alam mong may tinatago sa'yo ang isang tao. Hindi ko alam kung bakit nila iyon ginagawa o anong tinatago nila. For some instances, I will just keep my mouth shut. But in this one, I will find a way to know what's his secret.

Hindi ko alam kung bakit curious na curious ako sa tinatago sa akin ni Raphael. Basta ang alam ko lang, papunta na ako sa Tyran.

Yes, pupunta ako ngayon sa Tyran kahit bawal. Gusto kong makita ang loob ng kastilyo nila Raphael, kung ano yung tinatago niya at nagawa niya akong sigawan. But of course, naka-disguise ako bilang pulubi. Hindi ko nga alam kung paano ako papapasukin doon, maybe I'll just sneak in. I think that will do. Tiwala naman ako sa sarili ko na hindi ako mahuhuli. Syempre, may plano ako, hindi naman ako basta basta susugod na lang nang wala man lang plano.

Natigil ako sa paglalakad at nagkadikit ang kilay nang may mapansin akong kumpol ng tao sa Central City. Nasa gitna na ako ng Cepheus.

"What are they doing?" I whispered while looking at them.

Habang papalapit ako tsaka ko lamang narealize kung ano ang ginagawa nila. They are having a rally. At mukhang papunta na naman sila sa Monterene's Palace... papunta sa palasyo namin.

Mas nagmadali pa ako sa paglalakad kahit alam kong makakasalubong ko sila. Although, hindi pa rin sila kumikilos dahil naghihintay pa ata sila ng mga kasama nila. Hindi naman siguro ako makikilala dahil nakadisguise naman ako.

Pero bakit pa nila kailangan maghintay kung sobrang dami na nila? Gano'n na ba karami ang naapektuhan ng problema ng Cepheus. Gano'n ba kahirap na solusyonan ang problema na 'to? Ang dami na sigurong ordinaryong tao na naiipit at ngayon ay kasama sila dyan sa rally.

Siguro nga gano'n na kahirap iyon at kahit si mama ay wala nang ibang magawa kundi ang ipakasal na lang ako sa prinsepe ng Tyran. Hayst.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko nung makita ko na nagsimula na silang maglakad. I think half of the population in Cepheus joined the rally. Ayokong maipit sa mga tao.

Nagi-guilty tuloy ako dahil ayaw ko magpakasal kay Raphael. I know what may happen after we exchanged vows to each other. I know it can save these people. Pero mas pinili kong maghanap ng paraan para itigil ang kasal. Bakit ba ngayon ko naisip na magpaka-selfish...

But why am I thinking that anyway? Andito na ako. One week na lang rin bago maganap ang kasalan. Bakit ko pa ba naiisip yun kung ayaw ko naman talagang magpakasal kay Raphael? Kailangan ko nang magmadali. There's nothing wrong thinking of myself first before the others. At kapag nasolusyonan ko na ang problema ko, ako naman ang maghahanap ng solusyon para dito sa Cepheus.

Buti na lang walang pumipigil sa akin na pumunta sa Tyran. Kung alam lang 'to ni Callix, sure akong pipigilan niya ako. He will say that it's forbidden. Of course it is. Then he will say that it's in the rules, tapos kokonsensyahin niya ako gamit 'yon. Aish. Buti na lang talaga hindi ako nagpaalam. I can handle myself anyway. Inaamin ko na, isa talaga akong certified rule breaker, yun ata ang major ko, and of course sa pag-disguise and pag-acting din.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagkakagulo ang mga tao habang nagrarally. Some of them were pushing each other, meron ding nagsisigawan at maraming mga bata ang naiipit. Omaygash.

Ilang metro na lang rin ang layo nila mula sa akin. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang pamilyar na bulto ng isang tao.

Holy fudge! What is she doing here? Matanda na siya kaya hindi na dapat siya sumasali sa mga ganyan. Mapapahamak lang si Lola Emilia at maiipit. Bakit ngayon pa ba kasi nila naisipan magrally kung kailan papunta ako sa Tyran? At makakasalubong ko pa sila!

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now