Chapter 13: Paying Debt

230 22 6
                                    

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay Callix habang binubuksan niya ang lock ng pinto.

"Magbabayad na ako ng utang," sagot niya nang hindi man lang ako tinitingnan.

"What?! Magbabayad ka ng utang? Tapos dito lang? Ayaw mo sa central city?"

Tumango siya. "Yes. Tsaka ako naman ang magbabayad kaya ako ang bahala mag-decide."

Binuksan niya ang pinto at iginiya ako papasok sa loob. Hinintay niya muna akong makapasok bago siya sumunod.

Ngayon na lang ulit ako nakabisita sa lugar na 'to. Kahit part ito ng palasyo, hindi na namin ito napupuntahan ni Zandra.

Ang kwartong ito ay nasa dulo ng hallway sa second floor. Medyo malayo-layo siya sa mga guestrooms dahil iba naman ang direksyon ng daanan papunta dito at papunta sa mga guestrooms.

Nasilaw ako nang biglang buksan ni Callix ang maliit na chandelier na nakasabit sa mataas na kisame ng kwarto. Nag-aadjust pa kasi ang mata ko.

Nang maaninag ko na ang lahat, ipinalibot ko ang tingin ko sa buong kwarto.

"It's still the same." Pansin ko sa disenyo ng kwarto na walang nagbago.

Ang chandelier lang ang nagbibigay ng liwanag dito at ang pader ay gawa sa mga magagaspang na bato. Pero kahit na ganon, halatang pinaganda naman ang pagkakagawa nito dahil elegante pa rin ang dating kapag tiningnan ang buong kwarto kahit wala itong laman.

This room used to be a playroom when... I smiled... When I thought that things are perfect for me and my family. A happy and complete family.

Ang sarap sigurong balikan yung mga panahon na alagang-alaga ka ng magulang mo at gagawin nila ang lahat para mapasaya lang kayo. In short, yung mga panahon na buhay pa si papa at hindi pa iba ang treatment sa akin ni mama.

Aishh. Kaya nga pala nawala ang mga laruan dito dahil pinatapon ni mama lahat nung namatay si papa. Kaya nga maraming nagbago nung mga panahon na iyon.

Inilipat ko ang tingin ko kay Callix na kanina pa pala ako pinagmamasdan.

"What?" tanong ko sa kanya.

"Nothing," sabi niya at umiling pa.

Lumapit ako sa kanya. "Bakit mo nga pala ako dinala dito? Wala naman tayo ditong magagawa."

Nakangiti siya at tiningnan ako sa mata. "Hintayin mo ako dito, may kukunin lang ako sa labas."

Umupo ako sa sahig dahil wala naman ditong upuan, habang naghihintay sa kanya. Akala ko ba magbabayad siya ng utang? Eh parang hindi naman. Ang boring naman. Tsaka ang inaasahan kong pagbabayad ng utang ay mamasyal kami sa labas, hindi dito sa walang lamang kwarto. Ano namang gagawin namin dito?

"Huwag kang mag-alala darating na ang mga gamit."

Nagulat ako nung biglang nagsalita si Callix. Nakabalik na pala siya, hindi ko man lang namalayan. Pero anong sabi niya? Gamit?

"Anong gamit?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Eh wala naman kasi talaga akong alam sa mga gagawin niya kaya normal lang na magtanong.

"Basta. Marami kang matutunan galing sa akin," sabi niya sabay kindat.

Nagdikit naman ang mga kilay ko no'ng makita ko yung ginawa niya. Sabi na ngang ayaw ko nang kinikindatan ako eh. Kaya naman lumingon lingon ako sa paligid para sana maghanap ng pinakamalapit na bagay na pwedeng ipambato sa kanya pero naalala ko bigla na wala pa lang gamit dito kaya tumayo na lang ako.

Pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at akmang susuntukin ko siya sa balikat pero naka-ilag siya. At syempre sinundan ko naman ng isa pang suntok iyon pero naiwasan pa rin niya. This time ginamit ko naman ang paa ko. I slide my foot sideward so that he will stumble but I failed. Nakatalon siya. Aishh. Hindi ko siya matatalo dahil alam niya ang mga moves ko. Siya kasi ang nagturo sa akin ng mga yun.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon