Chapter 31: Getting to Know Each Other

94 11 0
                                    

Kumuha ako ng tatlong baso para ilagay sa ibabaw ng tray na may nakalagay rin na fresh orange juice. Ako na ang nag-insist na magprepare ng makakain para sa aming tatlo nina Vania at Lucind. Bumisita kasi si Vania dito and since nandito na rin siya, at wala naman kaming gagawin, wala naman sigurong masama kung kilalanin namin ang isa't isa. Actually, I have an appointment with Lucind about the disscussion of my case but that can wait. Masaya naman ako kasi nandito siya, minsan lang 'to eh.

Inilapag ko sa lamesa ang hinanda ko. As usual, nakadikit na naman si Vania kay Lucind. Tiningnan niya ang pagkaing dinala ko.

Inirapan niya ako kaya nagdikit ang mga kilay ko. "Bakit puro fruits ang nakikita ko. Seriously? Buti na lang di nagugutom dito si Lucind, hindi pa naman mabigat yan sa tiyan. You know, mabilis rin namang maggutom."

"Excuse me," pagmamataray ko sa kanya. "Healthy living kami dito kaya wag ka nang magreklamo, yan ang snack namin eh, bakit ba?" Inirapan ko pa siya pagkatapos. Hindi niya alam yung inaalala niya, hindi naman siya kilala. Tsk. Tsk. Pasalamat nga siya pinapagalitan ko si Lucind sa behaviour niya kay Vania.

"Fine, Your Highness," pagmamataray niya.

Aba't inaasar talaga ako nito ah.

Umupo na ako sa single sofa malapit sa kanila. Nagmumukha tuloy ako ngayong third wheel.

"So, anong ginagawa mo dito sa bahay ni boss?"

I looked at Vania who's now looking at Lucind. Siya siguro ang tinatanong nito kaya ibinalik ko na lang rin ang tingin ko sa tv. Nanonood kasi kami ng Sherlock Holmes ngayon, si Lucind naman ang pumili kaya wala na rin akong magagawa at makikinood na lang.

Nagtaka ako ng walang sumagot kaya napatingin ulit ako sa kanila.

Bumuntong hininga ako nang makita kong wala talagang balak sagutin ni Lucind si Vania. Hayst, ako na nga lang.

"Eh kasi, dapat sa apartment talaga kami tutuloy. Tapos nasundan kami ng—"

"Shh. Wag nga kayong maingay. I'm trying to focus on the movie."

Sinamaan ko naman ng tingin si Lucind na nagsalita kanina. He just shrugged at me habang nakikita ko si Vania na nakapout.

Wala naman kami ngayon sa trabaho ah pero bakit ganyan pa rin kung umasta ang lalaking ito? Nakakapikon na ah. Hindi man lang niya ini-entertain si Vania. At isa pa naman 'tong si Vania, alam nang ayaw siyang kausapin, hindi ba pwedeng manahimik na lang siya?

Kumuha ako ng apple at sinubo ito habang pinag-aaralan ko si Lucind. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang lalaking ito.

"Vania, pagpasensyahan mo na si Lucind ah," wika ko sa kanya. Naaawa na kasi talaga ako sa kanya. Nagmumukha na siyang desperada sa mga attempt niya na kunin ang atensyon ni Lucind.

She gave me a sad smile. "Okay lang. Hindi pa ba ako masasanay. Matagal na kaya siyang ganyan sa akin."

Sabagay. Simula pa noon ganyan talaga ang pagtrato niya kay Vania. Napakacold. Kaya bilib rin ako minsan sa kanya kahit mataray siya eh. Hindi siya sumusuko.

"How old are you?" I asked her.

"I'm 18."

Weh? Mas matanda pa pala ako sa kanya.

"I'm one year older than you, 19. Eh ikaw Lucind?" Tanong ko naman.

Sinamaan naman ako nito ng tingin. Hala, suplado. "Why do you even wan't to know my age. It doesn't matter."

Buti na lang, wala akong planong sabayan ang pagkamasungit ni Lucind ngayon. Kung hindi papatulan ko talaga siya.

"Sus, baka 40 ka na kaya ayaw mong sabihin eh. Matanda ka na noh?" Pagjojoke ko sa kanya.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon