Chapter 15: Abducted

202 19 4
                                    

Nagising ako dahil may nararamdaman akong parang nakatingin sa akin.

Iminulat ko ang isang mata ko kasabay ng isang...flash ng ilaw?!

Napa-upo agad ako dahil sa gulat pero hindi pa man ako nakaka-upong tuluyan ay napauntog ako.

"Awwww."

"Araayyyy."

Sabay kaming napasigaw ni Zandra... Teka, sinabi ko bang ZANDRA?! Habang sapo-sapo ang noo, dali-dali akong umupo. Paano ba naman kasi, kanina nung napauntog ako, tumalsik ako at bumalik ulit sa pagkakahiga sa kama.

Nang maka-ayos na ako ng upo ay nakita ko si Zandra na naka-indian sit habang ang kanang kamay niya ay hawak ang noo niya at ang kabila ay hawak ang cellphone niya. At ngayon ay nakangisi pa siyang parang baliw.

Maya-maya ay nagsalita siya. "A sleeping photo of Your Highness was added to my collection."

Sabi na nga ba eh! Nakakainis! Ang dami na niyang epic, stolen at sleeping pictures ko sa gallery niya. Tapos ako wala man lang ni-isang picture na pangblack-mail sa kanya. Buti na lang hindi niya ako bina-black mail gamit yung mga pictures, sabi niya kasi 'for her eyes only' lang daw yung mga ganun.

Tiningnan ko na lang siya ng masama pero hindi siya nadala doon dahil mapang-asar pa rin siyang nakangiti sa akin.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

Nakita kong nag-pout siya at pina-ikot ko naman ang mga mata ko. Probably, may hihingiin siyang favor.

"Ate, can I ask you a favor?" nagpapa-cute niyang tanong.

Told yah!

Pero dahil cute siya..."Spill it."

"Can you come with me?"

"Where?" magkadikit ang kilay na tanong ko.

"To the mall. Please."

Hindi agad ako nakapag-salita at nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya ulit magsalita.

"You're not coming, right?"

Tumango ako. "Unfortunately, may pupuntahan ako ngayon kaya hindi kita masasamahan. Okay lang ba? Promise , next time sasamahan talaga kita. Kailangan ko lang talagang puntahan 'to. I hope you understand. Sorry. Babawi ako."

Ngumiti lang siya sa akin. "Okay. Promise mo next time ha?"

I nodded. "Yup."

"Okay! I'm going, bye!"

Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya. Ngayon ko lang pala napansin na naka-ayos na siya. Ako na lang ang hinihintay niya. Haysst.

Tumayo na ako at nag-ayos para sa pupuntahan ko ngayong araw. Pagkatapos ay tinext ko si Callix na mag-ayos na rin dahil isasama ko siya.

☆☆☆

"Callix!" tawag ko sa kanya habang kumakatok.

"Callix! Callix!" Nakakailang katok na ako pero hindi pa rin siya sumasagot.

Tumigil na muna ako ng sandali. Bakit ba sobrang bagal nun? Nagtext naman ako sa kanya na mag-ayos na siya para pagdating ko ay aalis na kami.

"Bilisan mo naman!" sigaw ko sa kabilang side ng kwarto.

Kakatok pa lang sana ako ulit nang biglang bumukas ang pinto.

"Saan ba tayo pupun--"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil hinila ko siya agad. Habang tumatakbo kami ay hawak-hawak ko ang braso niya. Pano ba naman kasi, sobrang bagal.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon