Chapter 26: Saved?

87 11 1
                                    

Kanina ko pa hinahalungkat ang purse ko para hanapin ang invitation pero sa kasamaang palad, wala ata dito dahil hindi ko makita. Napasandal ako sa kinauupuan ko at isinara ang purse ko. Magkadikit ang kilay na ibinaling ko ang tingin ko sa driver nitong bridal car.

"Malapit na ba tayo?" Naiinip kong tanong. Hindi naman sa nagbago na ang isip ko at gusto ko nang ikasal pero kanina pa kasi ako nakaupo dito. Mga isang oras na rin ata. Hindi ko pa tantyado ang oras dahil wala akong cellphone na dala. Nakakainis kasi! Bakit ba kasi kinuha nung babaeng yun yung phone ko.

Medyo nagtataka na rin ako sa driver nito dahil hindi siya sumasagot. Hello! Prinsesa pa rin ako. Marami pa ring banta sa buhay ko kagaya ng mga napapanood ko. Baka nga hindi ito ang totoong driver nitong sinasakyan ko. Pero kung ganon na nga, marunong naman ako magself-defense at idagdag pa yung training namin ni Callix, kaya sigurado makakatakas ako.

Ngayon ko lang naobserbahan ang driver, sa tulong na rin ng rearview mirror. Sa tingin ko, mas matanda lang siya sa akin ng isa o dalawang taon. Maputi at may matangos na ilong. Maganda ang mga mata niya–teka sa gwapo niyang yan, bakit isa lang siyang driver? I mean di ko naman hinihusgahan ang mga driver pero...Aish bakit ba ako nangigialam? Kung yun pala ang gusto niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang dumako ang mga mata ko sa isang itim na bagay. Yan ang ayaw na ayaw ko. Baril!

The fudge. Ibig sabihin...

Mabilis akong pumunta sa likod ng driver at sinakal siya gamit ang braso ko. Agad naman siyang nagreact at tinatanggal ang braso ko gamit ang kamay niya habang ang isa ay nasa manibela pa rin.

Ang gusto ko lang ay makatakas kesa naman makidnap ako nitong lokong 'to. Nataranta ako nang ilipat niya ang kamay niya malapit sa baril para kunin ito. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sa kanya at mabilis na inabot ang baril.

"B-bitaw" Rinig kong sabi niya sa nangnginig na boses. Mawawalan na rin ito ng hininga maya-maya lang. Pero hello, hindi ako tanga para pakawalan siya.

"S-shit"

At nagagawa niya pang magmura sa lagay na yan. Tsk.

Nang malapit na dapat siyang mawalan ng hininga, nakarinig ako ng parang dalawang lata na nagtama dahil sa malakas na impact.

Nabitawan ko ang lalaki at nauntog sa gilid nang bigla siyang lumiko pakaliwa na parang nasa karera.

"Anong—"

"Fuck!"

Lumiko na naman pakanan ang kotse kaya napatapon ako sa kaliwa. Kasunod non ang pagkarinig ko nung tunog na narinig ko kanina.

Magkadikit ang kilay na tumingin ako sa lalaki na ngayon ay naghahabol ng hininga at niluluwagan ang suot na necktie. Gulo gulo na rin ang buhok niya na parang bagong gising at mahigpit ang hawak ng isang kamay niya sa manibela.

Sunod sunod naman ang pagkarinig ko ng tunog na iyon kaya napayuko ako at tinakapan ang dalawang tenga ko.

"Anong nangyayari?!" Pasigaw na tanong ko sa driver.

"This is all your fault."

"What?!" Naguguluhang tanong ko.

"Fuck!" Inikot na naman niya ang manibela pakanan at mas binilisan niya ang pagmamaneho.

"The sound that you're hearing is a bunch of bullets targeting this bulletproof car."

Nanlaki ang mga mata ko at bahagya pang bumukas ang bibig nang marinig ko ang  sinabi niya. What...the actual fudge!

Nakita kong inabot niya ang baril at kinasa.

"Can you help me turn down those cars," tanong niya sa akin.

The Princess In Disguise (Under Editing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat