Chapter 5: First Mission

513 29 6
                                    

Nagmamadali akong naglakad palabas ng headquarters. Bumukas ang malaking pinto at nagpakita sa akin ang isang hagdan pataas. Dali-dali akong pumunta doon.

Pinindot ko ang earpiece ko para tawagan si Callix. Nang sumagot siya ay nagsalita agad ako.

"Callix, sunduin mo ako dito, palabas na ako."

Pinatay ko agad ang tawag at hindi na hinintay ang sagot niya. Nang paakyat na ako ay naalala ko pala na suot ko pa rin ang jacket at face mask ko. Kaya naman pumunta ako sa locker ko. Nilagay ko ulit ang kamay ko sa hand scanner at kagaya ng ginawa ko kanina, walang pag-aalinlangang nagsalita ako.

"Agent shut up."

Tinanggal ko agad ang face mask ko at jacket at pasalampak na inilagay sa loob. Hindi ko na naisipang ilagay pa yun sa hanger o di kaya ay tiklupin ng maayos. Next time ko na lang aayusin yan. Wala ako sa mood.

Tumakbo ako paakyat ng hagdan at papunta sa gate ng bahay. Nang makalabas ako ay nakita ko agad si Callix na nakasandal sa hood ng kotse at naghihintay sa akin. Nang mapansin niya ako ay humarap siya sa akin. Nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagdikit ng mga kilay. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa driver's seat ng kotse. Nang akmang isasara ko na ang pinto ay pinigilan niya ako.

"Anong gagawin mo?" tanong niya habang magkadikit pa rin ang mga kilay.

"Magda-drive."

"Saan ako uupo?"

"Malamang sa shotgun seat. Alangan naman kumalong ka sa akin habang nagda-drive ako."

Napasimangot naman siya.

"Zie wag mo akong pilosopohin. Hindi ka pwedeng mag-drive, tingnan mo ang itsura mo. Baka mabangga tayo."

"Callix, inuutusan kita na dun ka na umupo sa shotgun seat. O kung ayaw mo, maiwan ka na lang at maglakad pauwi. Diba butler naman kita? Kaya sundin mo ako."

Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi niya. At kapag gumaganyan siya, ibig sabihin, talo siya.

"Fine!"

Lumipat naman siya sa kabila at pinaandar ko na ang kotse. Sa una ay relax pa akong mag-drive, pero habang tumatagal ay naaalala ko ang nangyari sa akin sa loob ng base kaya hindi ko maiwasan ang pag-init ng ulo ko.

"So your mission is just simple. Kailangan mo lang naman kunin ang loob ng taong papakasalan mo. Si Raphael Voltair. At kapag nakuha mo na ang loob niya, maari ka nang makakuha ng paunti-unting impormasyon sa kanya."

Pagpapaliwanag niya at nagbigay pa ng picture ni Raphael. Pero, no way.

"What?! At bakit ko naman gagawin iyon? Tsaka bakit ako lang?" tanong ko sa hindi makapaniwalang boses.

"That's your mission. Kaya mo na iyon mag-isa at hindi mo na kailangan ng tulong ng iba."

"Boss, alam mo ba ang sinasabi mo?"

"Yes lux, alam ko ang sinasabi at pinaggagagawa ko," sabi niya habang ginagalaw ang swivel chair pero nakatalikod pa rin siya sa akin.

"Pwede namang si tenebris na lang ang gumawa niyan, o di kaya si umbra. Bakit ako?"

"Dahil ikaw ang pinakamalapit sa kanya."

"Pero ayaw ko."

"Yun nga ang point ko. Ayaw mo, kaya tinawag kong misyon. Misyon na kailangan mong kumpletuhin. Sa ayaw mo at sa gusto."

"Hindi pwede. Ayaw ko nga siyang makasama tapos kukunin ko ang loob niya? No way. Hindi nga ako pumayag na magpakasal sa kanya. At tsaka kapag naisip niya na okay lang na ikasal ako sa kanya, baka hilingin niya kay mama na mas paa-gahin ang kasal. Sunod-sunuran pa naman si mama kay Raphael. At yun ang pinakaunang ayaw kong mangyari. Gusto ko sumuko na siya. Hindi ba pwedeng ibang misyon na lang ang kunin ko?"

The Princess In Disguise (Under Editing)Место, где живут истории. Откройте их для себя