Chapter 3: Beginning

771 32 14
                                    

"Ate may nakukuha ka ba, kapag namamalimos ka?" tanong sa akin ni Zandra habang nakadapa sa kama ko.

Nandito na naman siya sa kwarto ko at nang-iistorbo. Naka-pajama pa rin siya kaya alam kong wala pa siyang ibang pinupuntahan maliban sa kwarto ko.

"Wala," sagot ko habang nagpapalit ng damit na butas butas. Balak ko na namang maging pulubi ngayon dahil gusto kong makita si lola. Kahapon kase ay umalis din ako kaagad dahil naghihintay sa akin si Raphael sa labas. Pasalamat nga siya dahil hindi ko na siya pinahirapan matapos kong maibigay ang mga pinamili ko kay lola. Yun lang muna sa ngayon at kapag hindi pa siya tumigil sa pangugulit na pakasalan ko siya ay mas lalala pa ang pagpapahirap ko sa kanya. Pagkatapos non ay itinour ko na siya sa buong lungsod, kumain kami kung saan niya gusto at nung pauwi na ay tinawagan niya ang bodyguard niya para sunduin kami.

And since grounded ako ngayon ay naisipan kong bisitahin si lola para makipagkwentuhan sa kanya. Ang alam lang ni mama ay nasa kwarto ako at nagmumukmok. Pero hindi. Ayokong magkulong sa kwarto.

"Oh ganun naman pala, bakit ka pa nagpapanggap na pulubi," tanong niya sa akin.

"Dahil yun lang ang paraan ko para makalabas ng walang bantay. Alam kong kapag may lumalabas sa ating dalawa, may guards ng palasyo na pakalat-kalat sa paligid kahit hinilingin natin kay mama na ayaw natin ng bantay. Nakakairita kaya ang laging may bantay, tapos irereport yung mga ginawa mo kay mama sa labas ng palasyo. Alam mo rin ba yun?"

Tumango siya. "Oo naman."

Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ang sagot niya.

"Bakit wala kang ginagawa? Diba nga ayaw mo ng guards? Tsaka pinaalis mo nga yung butler mo."

"Wala naman na tayong magagawa sa guards. Okay lang naman sa akin, basta malayo sila. Ayokong may sumusunod sa akin. Tsaka yung butler ko? Dinahilan ko lang kay mommy na naiirita ako kapag may laging sumusunod sa akin. Pero ang totoo, ayoko sa kanya. Naiinis ako. Lalo na sa ugali niya. I don't like him. Tsaka do you expect me to disguise as a beggar like you just to rid those guards away from me? No way. Hindi ko nga makayanan ang amoy mo, paano pa kaya kung nasa katawan ko yun," sabi niya habang hinahawakan ang mga props na gagamitin ko. Kinuha niya ang isang lalagyan at inamoy ito kasabay ng paglukot ng mukha niya. Tinapon niya ang lalagyan sa sulok. "Yucck. Ambaho naman nun. Kadiri. Ewww," reklamo niya.

Natatawa naman ako sa itsura niya ngayon. "Sino ba kasing nagsabing amuyin mo yun?"

"Tsk. I hate those things," sabi niya habang itinuturo ang mga props na gagamitin ko para maging pulubi na nakalatag sa paanan ng kama ko. "Mas gusto ko pa ito." At may kinuha naman siya sa bulsa ng pajama niya at iwinagayway sa harapan ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko at tumakbo papunta sa kanya.

"That's my phone. How did you-- When?"

"Kanina lang nung nagpahatid ako kay Merda ng almusal. Diba siya ang humahawak sa phone natin kapag grounded tayo. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun para sayo. Tsk."

Si Merda ang isa sa maids namin sa palasyo. Kagaya ng sinabi niya, sa kanya ibinibigay ni mama ang phone namin kapag grounded kami.

Nagulat ako ng biglang itinapon sa akin ni Zandra ang phone ko, kung hindi lang ako naging mabilis ay malamang bumagsak na ito sa sahig.

"Fudge, Zandra!"

Natawa siya at humiga sa kama ko.

"Lagot ka kapag napansin ni Merda na wala yung phone ko sa bulsa niya, makakarating yun kay mama at kapag nalaman niya na ikaw ang kumuha-"

"Isusumbong mo ba ako?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Hindi," mabilisan kong sagot.

"Yun naman pala eh. Edi hindi niya malalaman. Makakalimutin si Merda, gagawa na lang ako ng kwento," sabi niya habang tinataas baba ang kilay. "I'm a good actress."

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now