Chapter 14: Contradiction

213 19 0
                                    

At dahil nga nagwalk-out ako kanina, napagpasyahan ko na munang maglakad sa buong palasyo. Kanina pa ako lakad ng lakad dito at parang hindi man lang ako napapagod dahil nalibot ko na rin ang buong second floor. Papunta na ako ngayon sa last destination ko, ang garden ng palasyo at balak kong tumambay doon para naman makalanghap ako ng sariwang hangin.

Sandali akong natigil sa paglalakad nang mapansin ko ang malaking family picture malapit sa pinto ng office ni mama. Actually, hindi naman talaga siya family dahil wala si papa sa picture, si mama, ako, si Zandra at si lola lang ang nandun. Pinatanggal na rin ni mama ang lahat ng picture ni papa kahit na ang nasa mga album. Pansin ko rin ang pag-iiba ng awra ni mama. Yung dating nakangiti sa luma naming family picture ay napalitan ng blankong ekspresyon ng mukha na hindi mo kakikitaan ng kahit kaunting saya kapag tiningnan ng mabuti.

Huminga ako ng malalim.

"Hindi ko na rin pala nadadalaw si lola," bulong ko sa sarili ko. I mean si lola na hindi ko kaano-ano. Yung nakatira sa Central City. Ang tagal na kasi simula nang huli ko siyang dalawin. Siguro sa mga susunod ko na lang na araw dadalawin si lola, may gagawin rin kasi ako bukas. Magre-report pa ako kay boss tungkol sa misyon ko.

Syempre priority ko pa rin ang misyon ko. Nagtataka nga ako kung bakit ko naging misyon si Raphael. Tsk. Ewan ko ba kay boss.

Nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa paglalakad nang bigla akong may maalala. Patay! Anong irereport ko kay boss? Nakalimutan ko kaninang kunin yung mga infos kay Callix! Aish.

Natampal ko muna ang noo ko bago umikot pabalik at hanapin si Callix.

Pero nagulat ako nang makasalubong ko si..."Raphael!" gulat na sigaw ko sa pangalan niya.

"Miss me?" pang-aasar na tanong niya. Tsk. Asa.

Aish. Kakausapin ko pa lang sana si Callix tungkol sa kanya tapos nandito na siya. Ano yun? Kapag naiisip ko siya bigla na lang susulpot? Tsk.

At bakit ba yan nandito? Tiningnan ko kung saan siya galing dahil wala siya kanina dito sa hallway at nakunot ang noo ko nang malaman ko kung saang kwarto siya lumabas...sa office ni mama.

So, totoo nga ang sinabi sa akin ni Callix na laging pumupunta dito si Raphael. At hindi niya ako pinupuntahan. Diyan lang pala siya pumupunta sa office ni mama!

"Miss mo na agad ako?" pag-uulit niya sa tanong niya kanina.

Sige umasa ka lang diyan ng umasa.

Hindi ko siya pinansin at tumalikod na ako paaalis. Dapat papunta na ako kay Callix eh, nakasalubong ko lang 'tong nakakainis na 'to. Aish! Mamaya ko na lang nga kakausapin si Callix. Sure naman ako na nandito lang yun sa palasyo eh, kailangan ko lang hagilapin.

"Hey, where are you going?!"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Naririnig ko ang mga yapak niya na nagsasabi na sinusundan niya ako.

Geez, kaya nga umaalis at hindi pinapansin ng isang tao ang isang tao dahil ayaw niya itong maka-usap tapos hahabulin pa rin niya. Hindi ba alam yun ni Raphael?

Nakarating na lang ako sa garden ay hindi pa rin tumitigil si Raphael sa kakasigaw. Tsk. Ang ingay ingay talaga niya! Ang sarap batukan.

Naghanap ako ng puwesto kung saan pwedeng umupo at napangiti ako nang may maisip ako.

Binilisan ko ang lakad ko at pumunta sa parte ng garden na medyo mataas ang damo. Hindi iyon binabawasan dahil maganda tingnan ang mga iyon lalo na at kasama rin ang mga bulaklak na dilaw na nakatanim do'n.

Maya-maya lang ay naririnig ko na ang pagrereklamo ni Raphael tungkol sa mga damo.

Napangiti na lang ako. Sabi na nga ba eh. Magrereklamo siya. Alam ko naman na maarte siya at hindi niya iyon maitatago.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now