Chapter 30: The Queen

105 11 0
                                    

"Hey! Where are you going?" Narinig ko si Lucind habang pababa ako sa hagdan.

Hindi ko siya binigyan ng tingin bagkus ay ipinagpatuloy ko ang pagbaba. "Somewhere."

"Samahan na kita," pagpupumilit niya.

Umiling ako at nang malapit na ako sa pinto ng bahay ay tsaka ko siya hinarap. "Hindi na kailangan. I can manage."

May alinlangan niya akong tiningnan. "Are you sure, you're okay? After what happened?"

I rolled my eyes. "Tapos na yon. Dalawang araw na ang lumipas. Okay na ako. Ikaw, okay ka ba?"

Nagtaka siya sa tinanong ko. "What do you mean?"

"Para ka kasing baliw. Tsk. Tsk. Iba yung ugali pag nasa trabaho tapos kapag nandito sa bahay. Hindi pa pinapansin si Vania," inirapan ko siya ulit.

"Who is she?"

Tumaas ang kilay ko. "Tenebris. Tsk. Dyan ka na nga."

Tumakbo na ako palabas at hindi ko na siya hinintay na pigilan pa ako. Ayaw ko naman talaga na sumama siya dahil pupunta ako sa palasyo. Inaway ko lang siya para maihilis ko siya sa topic tungkol sa pag-alis ko. Tsaka kunyari lang naman na galit ako sa kanya...konti lang. Tinarayan ko lang naman siya para hindi na niya ako isipin habulin pa at makaalis na rin. Pero kahit na, hindi pa rin niya kilala si Vania psh.

"Hey! Bawal ka pa lumabas! It's dangerous outside!" Sumigaw pa siya pero lumabas na ako ng gate.

I smiled when I saw a familiar car outside.

"Bilis," sabi sa akin ni Callix. Agad akong pumasok sa loob ng kotse niya. Sinarado ko nang mabilis ang pinto dahil nakikita ko si Lucind na naghahabol pa.

"Hey, bastard! Anong ginagawa niyo?!" Bulyaw ni Lucind habang tumatakbo.

"Bye, bro!" Callix replied making me chuckle. Pinaharurot niya ang kotse papunta sa palace.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse pero maya-maya ay binasag niya ang katahimikan.

"You okay?" He asked.

Napalingon naman ako sa kanya. Medyo matagal ko siyang tiningnan dahilan para mailang siya at itigil ang kotse.

Pinipigilan ko na lang ang sarili kong maiyak kaya ngumiti na lang ako. Pagkatapos ay mahigpit ko siyang niyakap.

"I miss you!"

Naramdaman ko naman na medyo nanigas siya pero after that, niyakap niya ako pabalik at natawa siya.

"Ilang araw pa lang naman ang nakakalipas, miss mo na agad ako?—owww—wait—ouch—Zie, masakit, masyadong mahigpit."

Hindi ko mapigilan na matawa. Binitawan ko na siya at bumalik na sa pagkaka-upo. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

"What happened?" Tanong ni Callix habang nagpatuloy siya sa pagda-drive. "Alam kong may problema ka."

I just smiled and looked at him for a couple of seconds. Maya-maya rin ay umiling na ako. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari sa akin. Ayoko siyang madamay. Siguro mas mabuti kung sasarilihin ko na lang muna ang mga balak ko. Hihingi na lang ako ng tulong kapag kailangan na talaga, pero hindi sa kanya. Siguro sa mga kagroupmates ko na lang dahil sila ang mas may alam. Tsaka ayoko rin namang mapahamak si Callix.

"Anong nangyari sa palasyo pagkatapos kong hindi sumipot sa kasal?" Tanong ko sa kanya. I'm just curious kung anong mga ganap sa loob ng Monterene's palace.

He threw a sideward glance at me before answering. "Well, halos lahat nagkakagulo. Your mom is angry. Galit siya sa'yo dahil tumakas ka."

Ofcourse, I expect that. Lagi naman siyang galit sa akin eh, basta hindi niya gusto ang ginagawa ko.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now