Chapter 56: Unexpected Scenario

41 1 0
                                    

Kanina ko pa tinitingnan ang screen ng cellphone ko. Hindi rin ako mapakali sa kinau-upuan ko dito sa couch sa living room dahil siguro excited ako. Excited sa pagdating nina Ace dito sa Cepheus.

Kulang na lang ay tumili ako.

“Ate, anong meron? Para kang kiti-kiti dyan ah,” rinig kong sambit ni Zandra na umupo sa katapat kong couch habang kumakain ng chips.

“My special friends are coming today!” I exclaimed. Nai-imagine ko pa ang mata ko na kumikintab.

Binigyan naman niya ako ng nagtagakang tingin. “Special friends? Why?”

Sinandal ako ang siko ko sa arm rest ng couch at nakapangalumbabang nagsalita. “Gusto lang daw nilang bumisita, and at the same time, hihingi ako ng tulong sa kanila.”

“Tungkol saan? Bakit 'di ka sa akin humingi ng tulong?” Mas nagdikit pa ang kilay niya. I can smell that she is really curious.

Tungkol sa plano ko na iligtas si papa sa lalong madaling panahon. Pero hindi ka maaaring madamay dito.

Umiling ako. “Basta. Kaya ko naman na ‘to eh, relax ka lang diyan.”

Dahil sa sinabi ko ay naramdaman kong nagtampo si Zandra. Medyo matagal niya akong tiningnan pero pagkatapos ay tumayo rin siya dala ang chips niya.

“Fine. Sayang naman, sasabihin ko rin sana na may parating din akong mga kaibigan. Tsk.”

Napanganga ako at lumingon sa likod para sundan siya ng tingin. “Zandra, meron ka bang tinatago sa akin?”

Ang tinutukoy ko sa tanong ko ay ang pagiging involve niya sa Pangaea. Kahit na anong sabihin ko sa sarili ko na hindi si Zandra si Alex ay may konting parte pa rin na nagtutulak sa akin para tanungin nang diretso si Zandra. Para matahimik na ang buong kaluluwa ko.

She stopped on her tracks but she didn't look back. “Nothing,” she replied coldly after seconds of being quiet.

Pagkatapos no’n ay tuluyan na siyang umakyat sa taas, siguro ay pupunta siya sa kwarto niya.

Kahit na narinig ko ang katagang “nothing” mula sa bibig niya ay hindi pa rin ako makahingang maluwag. Dahil kasi sa ayaw kong sabihin ang balak kong gawin kay Zandra ay nagtampo siya sa akin. Aish. Ayaw ko lang naman na mapahamak siya.

Hinablot ko ang cellphone ko na nasa katabi ko at tumayo. Aakyat na rin ako. Do’n ko na lang sila hihintayin.

“Oh hi, my pretty pamangkin.”

I almost jumped when I heard someone's voice. Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin ng “pretty pamangkin.”

“Boss?!” I exclaimed.

Oh yeah, wala naman pala akong ibang tito rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay.

He chuckled. “Wala tayo sa trabaho kaya pwede mo naman akong tawaging tito.”

I slowly nodded. “Tito? Nga pala, wala ka po bang trabaho na ibibigay sa akin?”

He looked at me with amusement in his eyes. “Nag-po ka? Awesome!” Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya habang inaayos ang niya ang kanyang neck tie.

“Pero wala. Chill ka lang diyan. Sabi ng nanay mo, ‘wag muna daw kitang pahirapan,” sabi niya pagkatapos ay ang butones naman ng suit niya ang inaayos niya.

“May pupuntahan ka po ba?” Tanong ko, napansin ko kasing ang dami niyang inaayos sa damit niya.

Natigil naman siya at tiningnan ako. “Mang-liligaw.”

The Princess In Disguise (Under Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang