Chapter 22: Finding an Escape

123 11 0
                                    

"Fuck! I already hacked all the databases that I know but I can't find anything! Pati na rin ang national id system ng Tyran. Pare-parehas lang ang lumalabas!" Reklamo ni Callix pagkatapos ay napasandal siya sa sandalan ng upuan niya at napahilamos ng mukha gamit ang kamay.

Humugot ako ng malalim na hininga. "You should rest," suhestiyon ko. "Mas lalo tayong walang mahahanap na impormasyon kapag nagkasakit ka. I know you've been searching all night kahit nasa kwarto ko lang ako. Halatang pagod na pagod ka, nakikita ko sa mukha mo."

"Parang nakatulog ka naman nang maayos kagabi," balik na wika niya sa akin. I chuckled. Kilalang-kilala niya talaga ako.

Lumapit ako sa kanya. At tiningnan ang laptop niya na nakabukas. I sighed. Nakita ko na 'to eh.

Raphael Voltair
24 years old
Heir of the throne of the King of Tyran, Maximo Ares Voltair
Already completed the master degree of art in criminology and master of science in psychology
Height: 6.5
Weight: 59
Excellent weapon used: Gun

At marami pa akong nalaman tungkol sa kanya. I also knew that he is an only child and her mother died because of an accident. Nando'n din ang mga achievements as a prince of Tyran. Mga sasakyan na nakapangalan sa kanya. Mga companies na pinamamahalaan niya. Even his bank accounts, nakita ko na rin. Nakita ko rin ang iba't ibang bansang napuntahan niya ngayong week. Such a busy prince.

Sa huli ay nakita ko ang organization na sinasalihan niya. The one and only Dream Empowerment Organization. Isang organisasyon na tumutulong sa mga mamamayan ng Tyran sa kahit anong problema. Not like AV Organization, which is more on prioritizing the safety of its people and helping the Defense Army of Cepheus, DEO implements projects for the improvement of its city. At isa pa, hindi secret organization ang DE, hindi katulad ng AV.

Kumunot ang noo ko. Parang ang babaw ng information na nandito. I'm sure nakita na 'to ni boss. Bakit pa ba kasi kailangan na ako ang gumawa ng misyon? Tsaka bakit niya ba ibibigay na misyon sa akin si Raphael? Eto tuloy ako, umaasa na sana sa paghahanap ko ng information tungkol sa kanya, may mabangga kami na pwedeng makapagpatigil ng kasal. Pero sa tingin ko ay wala talaga.

Ano ba talagang gustong ipahiwatig sa akin ni boss nung binigay niya sa akin ang misyon na 'yan? I can't understand him.

Bumuntong hininga ako. I already sent an email to boss with the information that Callix got. Halos tatlong araw na kaming naghahanap pero ito lang ang nakuha namin. My time is ticking. Tatlong araw na ang nasayang. Next next week na ang kasal namin.

"Ano ba kasing balak niyang boss mo?" Biglaang tanong ni Callix.

I shrugged my shoulders. "I don't know. Sumusunod lang ako sa mga sinasabi niya."

"Imposible naman na hindi niya nakita 'yang mga impormasyon na nandyan. He's the boss of your organization, and as a boss, he has many resources. Sa tingin ko rin, his more skilfull than me. Kaya bakit ikaw?" Tanong niya.

"That's what I'm thinking. Pero hindi ko siya maintindihan," sagot ko sa kanya.

Bigla naman kaming natahimik at sa tingin ko ay parehas rin kaming napapaisip.

"Maybe he wants you to do the task," he said.

Nagkadikit naman ang kilay ko sa sinabi niya. "I'm already doing the task."

Umiling siya na naging dahilan para mas lalo pang magkadikit ang kilay ko. "He wants you to do your mission PERSONALLY."

I looked at him, confused. "Go straight to the point."

"Ikaw mismo ang kukuha ng impormasyon galing sa kanya," diretsong sagot niya sa akin.

Napakagat naman ako ng labi. "I already considered that. Siguro nga yun ang gusto ni boss."

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now