Chapter 32: Pranking Callix

77 11 0
                                    

Habang ibinabalik ko ang kutsilyong dinala ko sa task kanina, hindi ko mapigilan ang pag-ngiti. Katatapos lang naming gawin ang task na ibinigay sa amin ni boss, at ngayon ay nasa weapon room ako habang ang mga kagrupo ko ay nasa lounge ata o nasa office ni boss.

Unti-unti na akong nasasanay sa bagong routine ng buhay ko. Halos araw-araw rin akong gumigising nang maaga para gawin ang mga task na ini-assign sa akin, sa amin. Hindi ko maipagkakaila na masaya siya. Masaya siya kaysa sa dati no'ng prinsesa pa ako. Pero mas masaya kung andito si Zandra at Callix kaso hindi pwede. Hayst. Pero sana nandito ang kahit isa man lang sa kanila.

Mabilis kong kinuha ang kutsilyo at umikot patalikod pagkatapos ay ibinato ito sa kung sino mang pumasok. My instincts told me to do it kaya sinunod ko na lang.

Nakita kong inilagan lang ito ni Luk at umiling. Luk ang tawag ko sa kanya kasi habang ng Lucind. Wala naman siyang pake kung anong itatawag ko sa kanya, siya na rin ang nagsabi.

Naka-smirk na lumapit siya sa akin kaya tumaas ang kilay ko. "What?"

Tiningnan niya ang kutsilyong nakatarak sa pader malapit sa pinto pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "Who taught you that?"

"At bakit mo naitanong?" Pagtataray ko sa kanya.

He chuckled. "He taught you well."

Lalo tuloy ako naging proud kay Callix dahil sa sinabi niya. "I know. His my butler after all."

"Oh. So your butler taught you? Si Callix di'ba?"

Bigla akong napalingon sa kanya. "You know him?"

He nodded. "Your butler."

Inirapan ko siya at nauna nang naglakad.

"Tapos si Vania, 'di mo matandaan ang pangalan," bulong ko.

"Who's Vania again?"

"Tsk."

Iniwan ko siya at mabilis na naglakad papunta sa locker. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Vania.

"Hi, Vania!" Masiglang bati ko sa kanya.

Napailing ako nang irapan niya ako at walang siglang bumati. "Hm."

Yes, for me, greetings niya yun sa akin. Suplada kasi ito. Buti na lang talaga hindi ko naiisipang sabayan ang pagiging mataray niya. Pero kapag kay Luk... Hmph, wag na nga! Para tuloy akong nagseselos.

I opened my locker and put my jacket inside. Sinarado ko na rin yun pagkatapos.

"Saan—"

Kakausapin ko sana si Vania kaso 'pag tingin ko, wala na siya sa dati niyang pwesto. Sa'n yun napunta?

Nakarinig ako ng mahinang sigaw at tinatawag niya ang pangalan ni Luk. Aba, nakasunod na naman siya do'n sa lalaking iyon. Itatanong ko pa lang sana kung saan na siya pupunta pagkatapos kaso mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko.

Napailing na lang ako at naglakad palabas ng headquarters. Hindi man lang nila ako hinintay!

Nga pala, ngayon rin ibibigay sa akin ni Luk yung nakuha niyang details about do'n sa mark na nakita ko nung operation.

Dali-dali akong lumabas at hinabol sina Luk. Hindi talaga ako hinintay ng mga iyon! Hmp.

Tinulak ko ang front door para makapasok.

Hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon ang taong nakadekwatro sa couch sa living room.

Luminga-linga ako. Pero bakit hindi ko makita sila Luk at Vania? Asan kaya ang dalawang iyon? Bahala nga sila.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now