Chapter 21: Dilemmas

176 14 0
                                    

Bumuntong hininga ako habang naglalakad papunta sa training room. Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang birthday ko simula ng magsimula kaming magsanay ni Callix tuwing umaga.

Nung isang araw itinuro niya sa akin ang iba't ibang klase ng kutsilyo at ginamit rin namin yun sa isa't isa. Pero syempre iniiwasan naming magkasakitan.

Kahapon naman ay sinubukan niyang ituro sa akin ang mga klase ng baril pero tumanggi ako. Feeling ko kasi, hindi pa ako handa para matuto kung paano bumaril. Kaya sabi niya next time nalang daw niya siguro ako matuturuan pero kailangan nang madaliin.

Nang makarating ako sa pinto ng training room, chineck ko kung naka-lock ang pinto, baka kasi nandun na sa loob si Callix at siguro tama nga ako.

I frowned. Lagi na lang nauuna sa akin yung lalaking yun.

Akala ko pagbukas ko, madadatnan ko si Callix na nakaharap sa mga kutsilyo habang nililinisan ang hawak niyang kutsilyo kagaya ng ginawa niya sa akin kahapon.

Bigla naman akong nairita nang maalala ko kung ano ang ginawa niya kahapon.

Matapos niyang malinis ang kutsilyo, walang pasabing ibinato niya yun sa akin.

Isinumpa ko si Callix sa isip ko dahil hindi agad ako nakapagsalita habang mabilis na umiwas. Mabuti na lang ay mabilis ang reflexes ko kaya hindi agad ako natamaan. Buti na lang talaga mabilis akong nakaiwas. Agad naman akong kinilabutan nang maramdaman ko kung gaano kalakas ang pwersa na ginamit niya para maibato ang kutsilyo. Ramdam ko ang malakas na hangin na dumaan sa gilid ng tenga ko kasabay ng kutsilyo.

Masamang tingin ang iginawad ko sa kanya bago ako lumapit sa kanya at piningot siya sa tenga dahil sa ginawa niya.

Pero ngayon walang kutsilyo o kahit Callix man lang ang sumalubong sa akin. Napadako ang tingin ko sa isa pang pinto sa loob ng kwarto. Baka nandun siya.

Tinungo ko ang pinto at binuksan iyon. At doon ko na nakita si Callix na naka-upo sa couch. Nakadekwatro siya at nakasandal ang ulo niya sa couch. His eyes were close. Parang pagod na pagod siya.

Hindi agad ako nagsalita at tahimik na isinara ang pinto. Dumiretso ako sa isang corner kung nasaan ang malaking corkboard na nakadikit sa pader.

Ako ang gumawa no'n at sinabi ko kay Callix na wag na lang pansinin iyon.

May mga naka-pin dun na pictures. Pero ang mas pinagtutuunan ko ng pansin ay ang picture ni Raphael na connected sa dalawang picture gamit ang yarn. The one on the first picture is Rez Hontrov. Ang sniper na bumaril kay Raphael noong time na dumiretso dito sa palasyo si Raphael at dito na rin nagpagamot. I wonder what his intentions are? Alam kong may itinatago sa akin si Raphael dahil nalaman ko nga galing kay Callix dati na hindi siya naambush kagaya ng sinabi niya sa akin. Siya talaga ang target pero iba ang sinabi niya sa akin. I know there's something that he wants to hide. Something deeper. This is not the common incident na nangyayari sa mga katulad ko, sa mga royalties.

Ang isang yarn ay connected sa isang bulto ng tao na nasa picture. May question mark sa mukha nito at kulay black lang ang kulay nito. Si boss.

I somewhat consider the fact that he and Raphael are the same. I can see that in many aspects. Halos parehas sila ng ugali, both childish. They have the same heights. Ang timbang nila ay hindi nagkakalayo. Pero ang timbang ay pwedeng madaya. Lalong lalo na ang impormasyon na nakukuha ni Callix galing sa mga resources niya.

My suspicions became stronger when I discovered that boss has a gunshot wound too. At sa tagiliran pa. At kapag tama ang hinala ko, mas magiging maayos ang rason kung bakit parehas nilang ayaw sabihin sa akin ang dahilan kung saan nila nakuha iyon. Raphael, being my boss can have many enemies, lalong lalo na yung mga kalaban niyang masasamang tao.

The Princess In Disguise (Under Editing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora