Chapter 2: The Tour

983 41 19
                                    

Nagulat ako nang may bigla akong narinig na kalabog sa loob ng kwarto ko. Mabilis akong bumangon at hinanap kung saan galing ito. Akala ko nung una ay sa pinto iyon nanggagaling pero hindi pala, galing iyon sa isang parte ng pader ng kwarto ko, ang secret door. Nilock ko yun kaya hindi talaga makakapasok kung sino man ang nasa loob ng secret passage. Akala mo sa una ay disenyo lang ito ng bulaklak na gawa sa glass na nakakabit sa pader pero ito ang lock. Kapag lumalabas ako gamit ang secret door, hindi ko yun nilolock para makapasok ako pabalik sa kwarto.

Pero sino kaya ang kumakatok ngayon? Tinakbo ko ang direksyon papunta sa secret door at lumuhod sa harap. Inikot ko ang glass na bulaklak, 180 degrees to the right at tsaka yun bumukas. Bumungad ang mukha ng kapatid ko na naiinis.

"Bakit ang tagal mo mabuksan?" tanong nito.

"Eh, ginising mo ako eh. Kakabangon ko lang kaya sa higaan."

"Tsk," sabi nito at inirapan pa ako.

"Hoy ikaw ha. Tumataray ka nanaman. Bakit ka ba kasi diyan dumaan?"

Umalis siya sa loob ng secret passage at umupo sa kama ko.

"Eh kasi nakalock ang pinto mo."

"Huh? Hindi naman ah," sabi ko at pumunta sa pinto ng kwarto ko at pinihit ang door knob.

"See?" sabi ko sa kanya pero nagulat ako ng hindi ko mabuksan ang pinto.

Binigyan naman niya ako ng mapang-asar na ngiti. "See?" sabi niya.

Nainis naman ako at pabagsak na umupo sa kama ko.

"Grounded nga pala ako ng isang araw," malungkot kong sabi.

"Ano ba kasing nagawa mo?" tanong niya.

Kwinento ko naman sa kanya ang nangyaring usapan namin ni mama kagabi.

Nang matapos ako ay tinanong ko siya. "Zandra sabihin mo nga sa akin kung matatawag na love ang pagpipilit sa akin na magpakasal kahit ayaw ko?"

"She has her own reasons kung bakit niya sinabi iyon. Baka may sarili siyang meaning ng love sa vocabulary niya. O di kaya iniisip niya na kapag nagpakasal ka, hindi na maghihirap ang lungsod kasama na tayo. Syempre kapag naghirap ang Cepheus kasama na ang palasyo."

"Tsk. Ayoko ngang magpakasal. Bata pa ako."

"Bata pa ba ang eighteen? Ang bata pa sixteen years old, at ako yun. Kaya bata pa ako."

"Hindi ka na bata, teen ka na!" pangongontra ko sa kanya.

"So hindi ka na rin bata," sabi niya.

"Teka lang, sang-ayon ka ba na magpakasal na ako? Parang-sumasangayon ka kasi nakikipag-away ka sa akin na hindi na ako bata."

"Nope, kung ano yung magiging desisyon mo, dun din ako."

Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit mas bata pa si Zandra sa akin, minsan mas mature pa siyang mag-isip kaysa sa akin. At alam ko rin na mas matalino siya kaysa sa akin. Kaya nga sa kanya ako humihingi ng advice kapag may problema ako, magaling siyang magbigay dahil malawak ang pang-unawa niya. Ang kinaiinisan ko nga lang sa kanya ay minsan mataray siya.

Maya-maya ay nakarinig kami ng nagbubukas ng lock ng pinto galing sa labas. Agad naman na tumakbo si Zandra sa secret door at isinara iyon.

Alam ko kung bakit siya tumakbo. Magtataka kung sino man ang nasa labas kung bakit siya nandito. Wala naman siyang susi para makapasok at hindi pinapayagan ng reyna na may basta basta na lang pumasok sa kwarto namin kapag grounded kami, kahit pa kapatid niya ako o kapatid ko siya. Kailangan munang humingi ng permiso sa reyna para makapasok sa kwarto kung sino man ang grounded sa amin. Matalino rin naman ako at madaling makaintindi, mas matalino nga lang si Zandra kahit mas bata siya sa akin. Kumbaga ako yung may normal na IQ level. At siya naman ay +3 ang taas sa IQ level ko.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now