Chapter 6: After the Accident

494 32 8
                                    

Unti-unti kong pinilit na buksan ang mga mata ko. Nakatulog ba ako? Medyo nagbu-blur pa ang paligid at wala akong masyadong makita. Napangiwi ako ng makaramdam ng kirot mula sa ulo ko. Fudge! Sobrang sakit niya. Ano bang nangyari sa akin?

"Thank God, you're awake!" rinig kong sabi ng isang boses na na nasa tabi ko. Nasaan ba ako?

Nang umayos na ang paningin ko ay nakita ko si Callix sa tabi ko. Sa kanya ang boses na iyon.

"A-anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako nang may pag-aalala at hindi sumagot.

"Hoy, Callix! Anong nangyari?" pag-uulit ko sa tanong ko kung hindi man niya narinig.

"Zie? Anong nangyari sayo?" May pag-aalala pa rin sa mukha niya.

Ano bang klaseng tanong yan?

"Callix, ako ang nagtatanong kaya wag mong ibalik sa akin ang tanong ko. Sagutin mo kaya ako. Anong nangyari sa akin?" tanong ko sa pangatlong pagkakataon at naiinis na ako.

Mas lalo pang nag-alala ang mukha niya. Ano bang problema nito? Maya-maya ay kinausap niya ang sarili niya.

"Naalala naman niya ang pangalan ko, pero bakit wala siyang maalala sa nangyari?" Bumaling siya sa akin. "Zie sabihin mo nga sa akin, nagka-amnesia ka ba? Sige nga, anong pangalan mo?"

Baliw na ata si Callix. Ako? Nagka-amnesia? No way. Sinagot ko na lang ang tanong niya. "Anastasia Kenzie Monterene."

Tumango naman ito.

"Eh anong pangalan ng kapatid mo?"

Pasagot na sana ako nang biglang may naisip akong isang ideya. Napangiti ako sa isip ko. Let's start the show.

Nagkunwaring nag-isip ako. Syempre kailangan medyo matagal. Tumingin din ako sa itaas na para bang naghahanap ng sagot sa tanong niya. Pagkatapos ay tiningnan ko si Callix na nakaupo sa gilid ng kama ko.

Kumunot naman ang noo nito at halatang hinihintay ang sagot ko. Nang hindi ako makasagot agad ay mas napuno pa ng pag-aalala ang mukha niya.

"Zie?"

"Um..."

"Ayos ka lang ba?"

"M-may kapatid ba ako?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Meron kang isang kapatid!" mabilisan niyang sagot.

Kung hindi lang ako nag-aacting kanina pa ako tumawa ng malakas dahil sa itsura ng mukha niya.

"T-talaga?"

Tumango-tango siya.

"Wait... Um... Siya ba si... Um... A-alezandra?"

"Tama! Pero naaalala mo ba siya?"

"Um... Medyo."

"H-ha? Bakit medyo lang?"

Nagkibit-balikat lang ako at pinalibot ang tingin sa paligid. Nakakita ako ng mga prutas sa lamesa at napangiti na naman ako sa isip ko.

"Callix, pwede bang balatan mo yung orange na yun, nagugutom na kasi ako."

Tumayo siya at binalatan ang orange na itinuro ko. Pagkatapos ay bumalik siya sa pagkaka-upo at ibinigay ang orange sa akin.

"Zie, kilala mo ba ako?"

Tumango ako habang kinakain ang orange na binalatan niya. "Ikaw si Callix Roswell."

Ngumiti siya. Pero maya-maya ay may pag-aalala na naman sa mukha niya.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now