Chapter 7: Queen of Disguise

417 26 6
                                    

Nakaupo ako sa kama ko, nakatingin sa kawalan. Nagtatanong sa sarili kung bakit hindi kaya ako pinapansin ni Callix?

Nakita ko siya kagabi sa hallway ng palasyo pagkatapos kong kumuha ng tubig sa kusina. Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin, ni hindi man lang ako hinarap. Tapos hindi pa niya ako dinadalaw ngayon. Kapag may sakit naman ako, lagi niya akong dinadalaw. Pero ngayon, kahit anino niya, hindi ko makita.

"Ano kayang nangyari sa kanya? Busy ba siya? Bakit hindi niya ako pinapansin?" sunod-sunod ko na tanong sa sarili ko. Bumuntong hininga ako. Mababaliw ako kaiisip.

Mabilis akong tumayo sa kama at lumabas ng kwarto. Pupuntahan ko si Zandra sa kabilang kwarto.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto niya ay kumatok ako. Hinintay kong may magbukas pero hindi niya iyon binuksan. Kumatok ulit ako pero kagaya ng kanina ay walang nagbukas. Wala ba siya sa kwarto niya? Gising na kaya siya?

Hayys. Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito.

"Bukas?" bulong ko sa sarili ko.

Itinulak ko ang pinto at tuluyang pumasok sa kwarto niya. Sky blue at white ang color ng kwarto niya. Mahilig siya sa painting kaya maraming painting dito sa loob, kahit nga kisame niya may painting ng galaxy. Ako naman ay mahilig sa mga unique designs kaya kung ano-ano ang nasa loob ng kwarto ko. Pero mostly, mahilig akong magbasa kaya may bookshelf ako dun. Dahil nga mahilig siya sa painting at mahilig naman ako sa unique designs, ang secret door namin ay nakabase doon. Isa sa mga paintings dito ay ang secret door, actually ito ang portrait naming dalawa na nakalagay di kalayuan sa kamang hinihigaan niya.

Nang mapadako ang tingin ko sa kama. Nandun si Zandra at mukhang hindi pa ito nagigising.

Naglakad ako papunta sa kanya pero makailang hakbang pa lang ako ay napatigil agad ako. Nagsasalita siya habang tulog. Is she having a dream?

Nang matauhan ay tumabi ako sa kanya at tiningnan ang mukha niya. Nakakunot ang nuo niya at maraming sinasabi. Inilapit ko ang tenga ko sa bibig niya dahil hindi ko marinig ang mga sinasabi niya. I froze when I heard her calling my name. Napapanaginipan niya ba ako? Bakit parang nag-aalala siya. Inilayo ko ang tenga ko sa kanya at inobserbahan siyang mabuti. Gigisingin ko ba siya? Ayoko namang makaistorbo sa tulog niya, baka mamaya sigawan niya pa ako dahil ginising ko siya. Mataray pa naman ito. Or gisingin ko na lang kaya? Pero... Masama mang-istorbo. Nagdadalawang isip pa ako nang may biglang tumulong luha sa mata niya. What's wrong with her?

Maya-maya ay bumulong siya. Mahina ito pero sapat na iyon para marinig ko kung ano ang sinasabi niya. Naalarma ako dahil narinig ko siyang tinatawag si papa. Mas lalo pang dumarami ang pagtulo ng mga luha galing sa mata niya. And this time parang may sariling utak ang katawan ko at ginising siya. I was shocked so I don't know what to do. Bakit niya tinawag si papa?

Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ito at nakayakap sa dalawang tuhod habang nakapatong ang ulo sa mga ito. I can hear her sobs. And it breaks my heart. Ayokong nakikita siyang umiiyak.

Agad ko naman siyang niyakap at tinanong.

"What is it?"

Hinintay ko siyang sumagot pero hindi man lang ito nagsalita.

"Zandra it's okay. I'm here. Hindi kita iiwan," sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang likod niya.

Yumakap siya sa akin at hinayaan ko lang siya, binigyan ko rin siya ng mahigpit na yakap. Minsan lang yan maging ganyan kaya pagbibigyan ko naman. Lagi kasi siyang mataray eh. Maya-maya ay unti-unti na siyang tumitigil sa pag-iyak niya. At nang nawala na ito ay kumawala siya sa pagkakayakap sa akin. Hindi siya makatingin sa akin.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now