Special Chapter 4

18.4K 337 25
                                    

Mesaiyah's Point Of View

Iminulat ko ang aking mga mata. Gumuhit sa aking labi ang ngiti. Kanina parang naging manhid ako dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari pero nararamdaman ko na ngayon ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko. Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang kahapon lang.

Nakikita ko ang eiffel tower. Ang bintana ay natatabunan ng hamog na dulot ng malamig na paligid. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin. Naku! Gising ang lalaki na ito.

"Nagugutom na ako. Gumising kana." Sabi ko. Minulat niya ang kanyang mata. Ngumiti siya sakin.

"I love you. Forever and always." He said.

"I love you. Forever and always." I repeat and he kissed my forehead.

Pagkatapos naming kumain. Napagdesisyunan naming libutin ang buong Paris. Isinuot niya sa akin ang makapal na leather jacket na kinuha niya sa cabinet. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya, bumabalik lahat ng ala-ala ko. Nung araw na una kaming nagkakilala at nagkita. Nung araw na pumunta ang pamilya niya sa bahay namin dahil binili niya ako sa mga magulang ko. Nung araw na sobra ko siyang kinamumuhian. Nung araw na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya at nung araw na sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko inamin ang tunay kong nararamdaman sa kanya at ngayon. Haaay! Parang nananaginip lang ako.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan." Basag niya sa iniisip ko. Ngumiti ako sa kanya at ako naman ang nag ayos ng jacket niya. Parehas kaming nakabonnet na black.

"Hindi talaga ako makapaniwala na magkasama na tayo. Akala ko hindi tayo ang magkakatuluyan." Sabi ko. Lumapat ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong pisngi.

"Magkasama na tayo. Hindi na ako makapapayag na mawala ka pa. Hindi ka madaling kalimutan kaya ako bumalik. Nung mga araw na sinasaktan mo ako. Hindi ko nga alam kung bakit nagtitiis pa rin ako. Siguro, ganun kita kamahal." Huminga ako ng malalim.

"Gusto ko ng magkababy." Natawa siya sa sagot ko.

"Okay. Gusto mo 50 na bata?"

"Grabe ka naman. Gusto ko, isa o dalawa lang."

"Okay. Mamayang gabi. Ready na ulit tayo." Natawa lang ako at hinampas ng kaunti ang balikat niya. Lumabas na kami ng bahay na magkahawak ang kamay. Bumili muna kami ng kape para mainitan ang katawan namin. Sobra kasing lamig. At habang nagkakape, kami ay namamasyal.

"Paano kung nasundan tayo ng mga tauhan ni mama?" Tanong ko sa kanya. Umupo kami sa bench at halos sumiksik na ako sa tagiliran nya.

"Tatakasan natin ulit sila kung masundan nila tayo. Pagod na akong lumaban, gusto ko na munang magpakaduwag."

"Paano kung kunin nila ako sa'yo?" Tanong ko ulit.

"Lalaban na ako syempre. Ikaw ang usapan eh. At hinding-hindi kita ibibigay sa kanila."sagot niya at natawa lang ako. Tumayo na ako at hinila siya papunta sa nagtitinda ng mga scarf.

"I remember na iniwan ko ang scarf ko sa bahay ni Denstah kaya gusto ko ibili mo ako niyan. Please?" Sabi ko at

"Hindi mo na kailangang magplease." Sabi niya at kinuha ang black scarf at ipinulupot sa leeg ko. Kiniss niya ako sa noo. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Sarap lang papakin e.

Naglakad lang kami ng naglakad at sa paglalakad namin may masasalubong kaming limang lalaki. Naka black silang lahat. Sht. I know them.

"A-anhiro. Tauhan sila ni mama." Nanginginig na sabi ko sabay hinawakan ang kamay niya, hinawakan naman nya ito ng mahigpit.

"Wag kang matakot. Keep your head down para hindi tayo makilala."

"Okay." Bulong kong sagot. Nakatungo kaming naglalakad at matagumpay namin itong nalampasan subalit pagtingin namin sa likod. Hinahabol na nila kami kaya nagtatakbo na kami. Pinaputukan nila kami na ikinagulo ng mga taong nasa restaurant na dinaanan namin.

Sumusunod lang ako sa pagtakbo sa kanya at nang makita naming walang ng sumusunod, tumigil na kami sa pagtatakbo.

"Paano kung gusto ka nilang patayin? Anhiro. Hindi ako papayag. Ayoko ng mawala ka pa sakin." Tumulo ang luha sa aking mga mata. Lumapit siya sakin at pinahid ng kanyang kamay ang aking luha.

"Kakausapin ko si mama. Bumalik na tayo sa Pilipinas. Ayokong mawala ka sakin Anhiro." Niyakap niya ako.

"We can fix this Mesaiyah. Anthea will talk to your mother. Magiging ayos din ang lahat. Umuwi na tayo." Sabi niya.

On the way na kami pauwi nang biglang may bumaril. Buti nakapagtago agad kami kaya walang natamaan sa aming dalawa. Naalis sa pagkapulupot ang scarf na nasa leeg ko dahil sa pagtakbo namin. Nakarating na kami sa bahay. Agad na nilock ang pinto at nagdiretso sa aming kwarto.

"Marunong ka humawak ng baril?" Tanong niya sakin at tumango ako. Tinuruan ako ng tauhan ni mama na makipaglaban. Tinuruan din ako nitong humawak ng baril at paghawak ng katana. Hinanap niya ang baril na dala niya na nasa drawer. Ibinigay niya sa akin ang isa.

"Let's just stay here. Humanda nalang tayo sa kung anong mangyari." Sabi niya. Umupo ako sa kama at natataranta ako. Tinitingnan ko ang ulap mula sa bukas na bintana at parang may naririnig akong papalapit na helicopter.

"Better we go out. I think we're not safe here." Sabi ko at lumabas na nga kami ng hotel. Sumakay na kami sa kotse at sa langit pa rin ako nakatingin, at may helicopter nga. Pinasabog ang hotel na inalisan namin. Talagang gusto ni mama na patayin kami. But she can't. Our love is stronger that what she think. Napatingin nalang kami sa isa't-isa.

* *

Naghanap muli kami ng five star hotel na matutuluyan. I think safe na kami dito. Nakaupo ako sa kama at hindi pa rin kumakalma ang kalooban ko. Natatakot pa rin ako. Tinuruan akong makipaglaban pero ang pagiging matapang at matibay ang hindi ko matutunan.

"You're tired. Get some rest Mesaiyah. You'll be safe here." Nakaupo siya sa harap ko na kapantay ng aking tuhod. Hawak niya ang kamay ko.

"Alam ko kung paano pakalmahin ang puso mo." Nakatitig siya sa mga mata ko.

"Hindi ka natatakot na mamaya baka itong hotel na ito ang sunod na pasabugin?" Sabi ko at umiling siya. Grabe ito ah.

"If ever mamatay tayong dalawa ngayong gabi. Tayo pa rin bang dalawa sa langit?" Tanong ko at tumango siya. Umupo siya sa tabi ko na hindi inaalis ang tingin sa aking mga mata.

"Forever and always tayong dalawa diba? Kaya kahit mamatay tayo. Tayo pa ring dalawa." Sagot niya at hinawi ang buhok ko na humaharang sa aking mukha.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin at nagdikit ang aming mga labi. Napahiga ako at siya na ang nasa ibabaw ko at nagumpisa na siyang gumalaw.

"Take me to your heaven." I said between our kisses. And that treacherous music playing again. Well, I'm gonna do what his hands saying. Feel the flow.

And a new Prince will be born again.

**

///////////

Please I hope you can subscribe to my youtube channel: Sesshi1997 thank youuu :)))

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon