Chapter 70.5 I Don't Want To Exert More Effort

15.6K 278 1
                                    

Mesaiyah's Point of View

Ang ganda ng pakikitungo ko sa kanya tapos sinisigawan niya lang ako. Nakakainis. Tapos sa northpole kami pupunta! Argh! Eh malayo 'yun eh. Kaya ba naming puntahan ang lugar na yun as in ngayon na! Argh!

"Jayson, ang mommy mo. Nagagalit sakin. Pagalitan mo siya." Sabi niya. Ako pa ngayon? Eh siya nga!

"A-ah? Ha?" hindi ko siya tinitigilan ng masasamang tingin at grabe pang magsumbong sa bata. Karirin ba naman ang pagiging ama! F na F as in FEEL na FEEL.

"Mommy? Inaaway mo si daddy?"

"Inaaway? Ako ang inaaway niyang saksakan na yabang na 'yan. Tingnan mo oh! Tinitingnan ako ng masama."

"Ikaw naman pala daddy ang nagpapangaway eh."

"Hindi ako. Ang mommy mo ang nagpapangaway." sagot niya. Aish! Hindi talaga ito magpapatalo.

"SAAN BA TALAGA TAYO PUPUNTA?" napasigaw na tuloy ako ng wala sa oras dahil sa inis. Kanina pa ako naiinis sa kanya. Ewan! Basta! Naiinis ako sa kanya. Hindi mo ba alam kung nagmamagandang loob siya sakin o sadyang inaasar niya lang ako. Nakakapikon na! Tiningnan niya lang ako sa rearview mirror at pinark na ang kotse.

"Tara, Jayson!" lumabas na sila sa kotse samantalang iniwan nila ako sa loob. Aish! Kung hindi lang dahil sa bata..kanina pa kita iniwan dito!

Sumunod na din ako sa kanila at nakita kong pumasok sila sa isang italian restaurant kaya dun na din ako pumunta.

Now Playing with: Ours by Taylor Swift

Elevator buttons and morning air

Strangers silence makes me wanna take the stairs

If you were here we'd laugh about their vacant stares

But right now,my time is theirs

Seems like there's always someone who disapproves

They'll judge it like they know about me and you

And the verdict comes from those with nothing else to do

The jury's out,but my choice is you

So don't you worry your pretty little mind

People throw rocks at things that shine

And life makes love work hard

The stakes are high

The waters rough

But this LOVE is OURS

"Akala ko hindi kana susunod."

"Akala mo lang 'yun." mataray ko na sagot sabay upo sa upuan na katapat niya. Katabi niya si Jayson sa upuan.

"Ano pong order niyo?" sabi ng waiter na dumating.

"Lahat ng maindishes niyo. Ilagay niyo sa lamesa namin." sagot ni stranger. Ano daw? Lahat daw? OA talaga 'yan minsan. Nagaaksaya lang ng pera. Haaays. Wala namang reunion para bilhin niya lahat 'yun.

"Okay po." umalis na ang waiter at gulat ako na nakatingin sa kanya pero hindi niya lang ako pinansin. Wah! Wag niyo sabihing uubusin ko na naman lahat ng yun kagaya ng dati? Tapos siya isang pinggan lang ang kakainin tapos yung tira sakin. Hayae, may katulong naman ako sa pagkain ngayon. Si Jayson pero maliit lang ang tummy niya, mabilis siyang mabubusog. Maya-maya ay dumating na ang mga order niya. Take note, MARAMING order niya.

"Wow! Ang daming pagkain! Wow! Yam! Yam! Yam!" mangha na wika ni Jayson.

"Kumain kayo hanggang gusto niyo." Sabi niya. Ibig niya talagang sabihin, kami ang uubos na naman nito tapos siya hindi kakain? Wah!

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon