Chapter 62 Inlove. It can't be.

14.2K 266 3
                                    

Mesaiyah's Point of View

Nakapost na sa bulletin board ang long list name of student na nakakuha ng kanya-kanya nilang grades at naka arrange ang mga ito from highest to lowest. Pang lima ako sa mga ito at ang na exalted pa rin na top one ay no other than dianne. Of course, losing me is a dream of her at ang pinapangarap niyang matalo ako ay natupad na and guess what? Ang pinagtataka ko lang, top four si stranger sa listahan na ito. Waaah! I can't believe talaga na top four siya.

Transfer lang siya pero top four agad? Samantalang natutulog lang naman yun sa klase ah! Umalis na ako sa nagkukumpulan na mga estudyante na tumitingin din ng pangalan nila. Tanggap ko ang pagiging top five ko. Ideserve that position but I can't accept the fact na top four si stranger. And speaking of stranger, masasalubong ko siya ngayon. Tumigil ako sandali at tiningnan siya from head to toe.

"Ano?" he asked in sarcastic way while his arms are crossed over his broad chest.

"Wala." cold ko na sagot at nilagpasan na siya pero nararamdaman ko ang pagsunod niya sakin.

"Kamusta?"

"Kamusta?" paguulit ko sa sinabi niya. Anong klaseng tanong yan? Nang-aasar na naman ba siya?

"Kamusta ang result?" Tanong niya. I stopped and face him.

"Well, hindi ako makapaniwalang top four ka." Sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay.

"Wag mo akong maliitin sa mga bagay na kaya kong gawin."

" Hindi kita minamaliit. Hindi lang talaga ako makapaniwala na top four ka at mas mataas pa sakin hah! E samantalang, natutulog ka lang naman sa klase." sagot ko at nagdiretso na sa paglalakad.

"One point lang naman ang agwat natin.." sagot niya and I just rolled my eyes to him.

"San ka pupunta?" tanong na naman niya.

"Pakialam mo ba." mataray na sagot ko ng walang harap-harap sa kanya at lumabas na sa school.

"Bakit ba tinatarayan mo ang tulad ko na gwapo, mayaman at isang prinsipe?" Napaubo ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Hindi man lang siya nabulunan sa sinabi niya hah! Taas ng self-confidence. Kung sa bagay, totoo naman 'yung sinabi niya. Gwapo siya, mayaman, isang prinsipe pero...ANOO? Ano 'yung sinabi ko? Waah! Bakit ba nagkakaganito na ako? Hindi naman ako ganito dati ah. Magtaray ka naman sa kanya saiyah. Dapat galit ka sa kanya. Dapat galit ka.

"Bakit ka ba sumusunod sakin ha?" tanong ko.

"Gusto ko din bumili ng shake." Tss! Gaya-gaya. Paano niya nalaman na bibili ako ng shake? Hindi ko nalang siya pinansin dahil kung papansinin ko pa siya ay hahaba na naman ang usapan namin. Hindi ko alam na sa kabila ng sinabi ko sa kanya kagabi na hindi kita kailangan ay nagagawa niya pa akong pansinin.

Tibay niya, marami nang beses ko na siyang pinagtabuyan pero andito pa rin siya. Tatawid na kami sa kabilang street kung saan andun ang tindahan ng shake. Kitang-kita ko ang paparating na lalaki na nakasakay sa motor, kasabay namin ni stranger tatawid sa pedestrian lane ang isang babae na naka eyeglasses at nauna-una siya ng konti samin at dahil sa bilis ng motor na parang hangin kung magpaandar, muntikan ng mabanggaan ang babae kaya napaupo nalang siya sa kalsada at natilapon ang kanyang salamin at ng makita ko siya. O_____O

"Kosuri?" agad akong nagtatakbo sa kanya kaso naunahan ako ni stranger. Itinulak niya ako na parang isang bato na nakaharang sa daan na kulang nalang sabihin niyang umalis ka nga! Napaupo ako mula sa pagkakatulak niya sakin at nakatingin lang ako sa kanila.

"Are you okay?" tanong ni Stranger at tumango lang si Kosuri. Parang isang concerned boyfriend si stranger ni Kosuri. Perfect sila para sa isa't-isa.

"Bakit ka ba nakaeyeglasses? Hindi kita nakilala." sabi ni stranger at inalalayan ito sa pagtayo.

"A-andito na kasi ang ate mo. Pwede bang wag mo sabihin sa kanyang andito ako?" Tumayo na din ako mula sa aking pagkakaupo. Okay lang ako. Salamat sa pagtatanong ha.

"Sige. San ka ba pupunta?" tanong niya.

"Maghahanap ng hotel na matutuluyan. Nasa bahay kasi siya ni kuya Denstah."

"Sasamahan na kita sa paghahanap."

"Salamat." Pumara ng sasakyan si stranger at doon sila sumakay samantalang iniwan nila ako dun ng wala lang. Di man lang talaga ako tinanong kung okay lang ba ako? Para akong invisible ah. Okay lang. Hindi ko siya kailangan, kaya ko na ang sarili ko ng ako lang. Papanindigan ko ang sinabi ko sa kanya kagabi na hindi ko siya kailangan.

Hindi nalang ako bumili ng shake at bumalik nalang ako sa school at natagpuan ko naman si Maysel na nasa orchidarium na nakangalumbaba. Pinuntahan ko siya at itinago ang gasgas sa aking siko. Alam kong uusisain niya ito kung bakit nagkaroon ako ng sugat kaya mabuti pang itago ko nalang ito sa kanya. No need to discuss what happen earlier so better I keep it from her. Napatayo siya sa kanyang inuupuan ng makita niya ako at nagsalubong ang maitim na maganda niyang kilay.

"San ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. By the way congrats nga pala dahil top five ka."

"Thanks. Ikaw pang ilan ka?"

"Pang ten lang eh. Pero okay na din 'yun. Teka? Saaan ka nga pala ulit nanggaling?" tanong niya.

"Diyan lang. Sa tabi-tabi."

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya at sinisilip ang mukha ko na nakatungo.

"Anong ganito ang mukha ko?"

"Bakit para kang nalugi?"

"Nalugi saan?"

"Para kang naiwanan. Umayos ka nga Mesaiyah! Para kang tanga."

"Anong tanga?"

"Aish! Sabihin mo sakin kung bakit ka nagkakaganyan." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Maysel pero matry ko ngang itanong ang nararamdaman ko. Baka sakaling alam niya ang sagot. Huminga ako ng sobrang lalim na parang mauubusan na ng hangin.

"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot.

"Inlove! You're inlove with him!!"

"Inlove? S-sure ka?W-walang halong biro?" nakakunot na noo na tanong ko.

"Oo. Inlove ka. Bakit? Kanino mo nararamdaman 'yan?"

"Ah. Eh. Nevermind." sagot ko na parang walang pakialam sa sinabi niya. Inlove. It can't be.

"Kay stranger ka inlove?"

"Hindi! Hindi!" agad kong sagot. Sa dinami-dami ba naman ng pangalan na sabihin niya kay stranger pa talaga.

"Bakit ka defensive?"

"Hindi ako defensive. Hindi ako sa kanya inlove."

"Bakit ayaw mong mainlove sa kanya? Gwapo siya, mayaman, mabait. Kung tutuusin nasa kanya na ang lahat. Wala ka ng ibang mahihiling pa kasi. Kompleto na siya. He's perfect inside and out." Ayoko ng marinig pa ang sunod niyang sasabihin kaya tumayo na ako pero nakita niya yata ang gasgas ko sa kabilang braso kaya pinigilan niya akong lumakad.

"Napano 'yang siko mo?" tanong niya na halatang nag-aalala siya sa nangyari sakin.

"Wala 'to." Sabi ko.

"Sinong may gawa niyan?"

"Wala nga. Malayo ito sa bituka kaya hayaan mo na. Punta na tayo sa room." sa pilitan ko siyang hinigit pabalik ng room para wala na siyang masabi at wala siyang nagawa kundi sumunod sakin.

"Oras na malaman ko kung sinong may gawa niyan. Sasapakin ko talaga ng maraming beses."

"Sabihin mo. Si kosuri ang may gawa niyan?" dagdag niya kaya napatigil ako at napaharap sa kanya. That's what friends are for. Kukulitin ka ng kukulitin hangga't hindi ka umaamin sa kanya.

"Hindi." Sagot ko na walang reaksyon.

"Sabihin mo na kung sino."

"Basta nga wala 'to." nakukulitan na sagot ko at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon