Chapter 10 Sorry

22.6K 435 3
                                    

Mesaiyah Point of View

Nang umalis na si ate terra sa bahay na'to. Dumiretso ako sa kwarto ng asawa ko. Mahirap mang tanggapin pero kahit pagbalik-baliktarin ang mundo, bilog pa rin ito at asawa ko siya. Asawa ko siya.

Binuksan ko ang malaki niyang bintana na nababalutan ng itim na kurtina.

FLASHBACK

Pumasok sa kwarto ni ate ang estranghero kong asawa at pilit akong pinapatulog sa tabi niya pero ayoko kaya hinigit niya ang aking braso at hinawakan ng sobrang higpit na halos maputol na.

"A-ARAY! NASASAKTAN AKO! A-ARAY! ATEE!" Sigaw ko na halos mangiyak ngiyak.

"ILANG BESES KO BANG DAPAT SABIHIN SAYO NA SA KWARTO KO IKAW MATULOG!"

"Anhiro bitawan mo siya. Nasasaktan ang kapatid ko sa ginagawa mo!" Pagpigil ni ate.

"WALA KANG PAKIALAM!" Sigaw niya kay ate

"AYOKO NGANG SUMAMA SAYO!!" I yelled at lumapat sa pisngi ko ang kanyang kamay. Nanglaban ako sa kanya subalit sinaktan at sinipa niya lang ako pabalik ng kanyang kwarto. Nang nasa kwarto na niya kami agad niyang nilock ang pinto at pinatay ang ilaw. Tinulak niya ako sa kama. Amoy alak siya or else nagtitake siya ng drugs.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko at hinubad niya ang itim niyang t-shirt at lumapit siya sakin pero lumalayo ako.

"A-NONG GINAGAWA MO?" halos hindi maintindihan na sigaw ko dahil sa aking iyak. Pinunit niya ang damit ko at inihiga niya ako sa kama habang hawak ang magkabila kong braso. Hinahalikan niya ako pero patuloy ko siyang tinutulak papalayo. I didn't stop crying

"ASAWA NA KITA NGAYON. PARTE KANA NG PAMILYA NAMIN KAYA KUNG ANONG GUSTO KO GAGAWIN MO!! FCK!!"

"GANUN? BINAYARAN MO AKO...binili mo ako para may magpaligaya sayo? Para maging katulong mo? Para..maging alipin mo?"

"FCK! Ang gusto ko lang naman mahalin mo ako katulad ng pagmamahal mo sa bestfriend mo. Mahirap bang gawin yun? SHT." Lumayo na siya sakin at sumandal sa pader.

"Hindi kita mamahalin. Hindi kita kayang mahalin." sinuntok niya ng malakas ang pader at dumaloy ang dugo sa kanyang kamay. Tinumba niya lahat ng mga gamit niya at umupo sa isang tabi at hawak-hawak niya ang kanyang ulo habang nakatungo. I didn't stop crying.

Later on, tumayo siya at tinanong ulit ako.

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Anong gusto mo? Ibibigay ko sayo...bahay, kotse, lupa, pera...lahat lahat ng nasa akin ibibigay ko sayo mahalin mo lang ako!"

"Sinira mo ang buhay ko! Sinira mo ang pangarap ko! Sinira mo ang pagsasama ng bestfriend ko, nang dahil sayo nagkaletse-letse ang buhay ko..tapos ngayon sasabihin mo mahalin kita? Wag ka nang umasa kasi kahit kelan hindi kita mamahalin." sagot ko habang umiiyak. Nakatingin lang ako sa kanya habang sinusuntok muli ang pader na halos masira ito at andami na niyang dugo sa kanyang kamay. Naaawa na ako sa kanya kaya tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ang kanyang likod para tumigil na siya sa pagsuntok ng pader.

"Tumigil kana...ayokong may nakikitang nasasaktan ng dahil sakin..tumigil kana please..."

I didn't stop crying.

"Pipilitin ko ang sarili ko na mahalin ka..please tumigil kana." Tumigil naman siya sa pagsuntok sa pader at humarap siya sakin para yakapin ako.

"Hinding-hindi na mauulit ang nangyari kanina. Rerespetuhin na kita." Sagot niya at unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sakin pero umiwas ako. Umupo ako sa kama at binigyan niya ako ng kanyang damit para masuot. Kumuha naman ako ng first aid kit sa cabinet niya at ginamot ang kanyang sugat.

"Ouch!"

"It's your fault kaya wag kang magreklamo." natahimik lang siya sa sinabi ko.

"Ayoko sa mga may bisyo." dagdag ko pa at pagkatapos ng gamutan scene namin ay natulog na ako samantalang siya na mismo ang naglatag ng carpet sa sahig para doon siya matulog.

When the next morning came, sinabi sakin ni ate na umalis na ako dito at takasan sila pero binalewala ko lang ang sinabi niya at nagyakapan kami sa isa't-isa sa huling pagkakataon.

"Ano na ang gagawin mo ngayon?"

"Wala na akong magagawa kundi turuan ang sarili ko na mahalin ang lalaki na 'yun."

"Sabihin mo sa mga magulang natin na sana mabulunan sila sa kayamanang tinatamasa nila ngayon kahit dalhin pa nila sa kamatayan yun."

"Mahal ko ang mga magulang ko pero ngayon, pinagdarasal ko na sana mamatay na sila."

END OF FLASHBACK

Nakatayo pa rin ako sa malaki niyang bintana at huminga ng malalim. Napatingin naman ako sa nagbukas ng pinto. Hindi talaga uso sa kanya ang kumatok ng pintuan. Tiningnan ko lang siya sandali at umiwas din agad.

"I didn't mean to do that last night." Hindi ko nalang siya pinansin at nakatingin pa din ako sa langit. The sun light strike through my face and the bird are singing freely buti pa sila malaya. Ang hirap makulong sa ganitong sitwasyon.

"Uhh. Sorry. I'm very sorry. Now this time, do whatever you want. Punch me in my face, torture me, slap me over and over."

"Gusto mo talagang mapatawad kita? Ayoko na muna kitang makita." Pagkatapos ng drama namin kagabi naging ganito na ang sitwasyon.

He turned his back at me and walk toward the door and slam it. Huminga ako ng malalim at napahiga nalang sa kanyang kama.

///////////

Please I hope you can subscribe to my youtube channel: Sesshi1997 thank youuu :)))

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon