Chapter 85 Madam Mesaiyah

14.8K 248 4
                                    

Mabilis na tumatakbo ang babae sa gilid ng highway. Maraming sasakyan ang nagdadaan, may mabagal ang takbo at meron ding mabilis, ang iba nama'y aporadong makarating agad sa patutunguhan. Nakasuot ng blue na jacket, puti ang pang ilalim na suot at naka jeans ito. Wala na ang isang pares ng kanyang sapatos, naiwan ito nang siya ay madapa. Kanina pa siya tumatakbo at hingal na hingal na siya, patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Kanina pa lumalabas sa mapuputla niyang labi ang pangalan ng kanyang kapatid. Kanina niya pa ito tinatawag...

"Ate terra. Ang ate ko. Ang ate ko. Asan siya?" Para siyang isang basag na tinig na walang ibang nakakarinig kundi siya lang. Isang napakahirap na tanong na walang ibang makasagot. Hindi niya rin alam kung anong nangyari sa kapatid, ang alam lang niya. Nasa hospital ito dahil sa babaeng tumawag sa kanya. Napahinto siya sa pagtakbo ng makita niya ang tumpok ng mga tao, may mga police at iniimbestigahan ito. Ang ibang tao naman ay gusto lang makiisyoso o makigulo. Pinunasan niya ang kanyang luha at nagtanong sa isang babae.

"A-ano pong nangyari diyan?" Nanginginig ang boses niya habang tinatanong ito.

"Nahimatay yung babae at aksidenteng may nakabangga sa kanya habang tumatawid sa kalsada."

"A-ahh. Sige po." Lalo siyang naiiyak. Bakit nahimatay ang ate ko? Sana ligtas siya. Wala siyang ibang magawa kundi ipanalangin na walang ibang mangyari sa kapatid. Muli siyang nagtatakbo papunta sa hospital na pinagdalhan ng kapatid samantalang ang walang kamalay-malay na Anhiro ay hindi napansin ang asawa na dumaan sa harap niya.

Galing siyang department store, ang totoo galing talaga siyang grocery store, siya ang namili ng mga sangkap na nakuha niyang recipe sa tv na lulutuin para sa dinner nila mamaya. Napadaan lang siya sa department store dahil may nakita siyang bubog na may eiffel tower sa loob at may mga kumikinang na stardust kapag aalugin mo. Snow globe kung tawagin. Naalala niya kasing pinalitan niya ang screen wallpaper ng cellphone niya ng eiffel tower dahil pangarap niyang makapunta dito at pangarap naman niyang dalhin siya dito. Kakapasok lang niya sa kotse nang dumaan sa harap niya si Mesaiyah, daplisang nagkabangga ang mga damit nila pero hindi nila napansin ang isa't-isa.

Nakarating na si Mesaiyah sa hospital, agad niyang tinanong ang kapatid niya at ito ay nasa emergency room ayon sa sinabi ng nurse. Sa gilid ng emergency room ay may tatlong upuan, may nakaupo na isang babae. Malaki ang puting sumbrero niya na suot na halos masakop na ang buo niyang mukha, mahaba ang kanyang buhok na may pagkakulay brown at kulot ang dulo, puti din ang suot na mahabang damit at sa postura ng babaeng nakaupo, hindi lang siya isang mayamang tao kundi isang maimpluwensyang tao. Sa gilid niya ay may dalawang lalaki na nakatayo, itim ang mga suot at may isa pang babaeng nakatayo, kinakausap siya.

"Call her again." isang napakalambing na boses ang inilabas sa bibig ng babae na bumalot sa buong hospital room.

"I called her every minute but she's not answering her phone." sagot ng babae na nakatayo. Natigil ang pag-uusap nila nang dumating si Mesaiyah sa pintuan ng emergency room. Pinupok-pok niya ang pintuan dahil hindi siya makapasok. Napaupo nalang siya sa isang gilid at doon umiyak.

Paano kung may mangyaring masama sa kapatid ko? Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Tanong niya sa sarili.

Lumapit ang babaeng nakatayo kanina na hawak ang cellphone ni Terra na siguro'y siya ang tumawag dito kaya nalaman niyang nasa hospital ang kanyang kapatid.

"Excuse me." sambit ng babae samantalang ang babaeng naka all white ay nanatiling nakaupo pa rin. Napatayo si Mesaiyah sabay punas ng luha sa kanyang pisngi.

"Ako ang tumawag sa'yo." hindi pa tapos magsalita ang babae ay agad niyang hinawakan ang balikat nito.

"Anong nangyari sa kapatid ko? Anong nangyari sa kanya? Sinong nakabangga sa kanya?"

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon