Chapter 20 His Kiss

23.6K 373 1
                                    

Mesaiyah Point of View

W-wala akong masabi sa kanya kundi napatungo nalang ako. Hindi ko akalaing hahalikan niya ako sa noo. First time kong may humalik sa aking noo at siya 'yun.

"See you later. Susunduin kita sa classroom mo." sabi niya at umalis na. Naiwan akong nakatungo pa din at hindi na siya tiningnan sa pag alis niya.

"Boyfriend mo siya?" Napatingala ako sa nagtanong, kaklase ko pala.

"H-hindi ko siya boyfriend.""

"Weh? Hinalikan ka kaya niya sa noo." Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na asawa ko siya. Bawal kasi ang mag-aral dito na may asawa at kapag nalaman yun ng principal, malamang mapapaalis ka.

"Ahh. Eh. Ewan." 'yun nalang nasagot ko at nagsimula ng lumakad papunta sa room.

"Kung hindi mo siya boyfriend..uhmmm? Asawa?" Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, ang daldal naman neto.

"H-hindi. Bakit ko naman siya magiging asawa?"

"Wala lang. Hindi mo kasi siya boyfriend o asawa..imposible namang tatay mo yun diba? Pero by the way antagal mong nawala. Si Angelo asan? Malapit na kayong idrop ng mga teachers natin." Buti naman binago na niya ang usapan. Nakahinga-hinga din ako ng maluwag.

"Hindi na babalik dito si angelo. Sa italy na siya mag-aaral."

"Haaaaah? O_____O sa Italy?" Tumango ako.

"Kailan pa siya dun?" dagdag niya.

"Matagal na..a month ago na rin."
Nakita kong bigla lumungkot ang mukha niya.

"Sayang, crush ko pa mandin si angelo. Sayang umalis na siya. Hinahanap nga kayo ng mga teachers dito, parang bula daw kayo na bigla nalang nawala minsan nga naisip nila na nag live in na kayong dalawa." Natawa lang ako sa sinabi niya. Crush niya pala si Angelo parang kung titingnan lang..sinabutahe kaming lahat ni angelo. Andami niyang iniwan sa ere.

"Bakit ba antagal mong nawala? Si angelo, bakit dun na siya nag-aral?"

"Ewan.basta.basta.Wag mo muna banggitin sa akin ang pangalan ni Angelo. Marami pa akong requirements na dapat habulin." Iniwan ko na siya na malungkot ang mukha at nagtatanong. Siya si Maysel, classmate and seatmate ko sa loob ng dalawang taon. Alam niyang magbest friend kami ni angelo, minsan pa nga napagkakamalan pa kaming magkasintahan ng mga teachers dito.The other says bagay daw kami ganito, ganyan but for now wala na akong maririnig sa kanila kasi hindi ko na kasama si angelo pero aaminin kong namimiss ko na ang pang-aasar na sinasabi nila samin.

Nakarating ako sa room na nag aattendance ang teacher namin at saktong dating ko ay saktong tawag ng pangalan ko.

"Mesaiyah kumiko?"

"Present sir!" Lahat ng mata ng mga kaklase ko ay napunta sakin,'yung iba ay gulat yung iba naman ay masayang nakabalik na ako pero meron din namang malungkot dahil hindi ko kasama ang inaasahan nilang dapat kasama ko.

"Miss Saiyah!" gulat pa na sabi ni sir.

"Akala namin hindi kana papasok. Idadrop ko na sana ikaw." Umupo na ako sa aking upuan na matagal ko nang hindi nauupuan. Namiss ko ang makinis na desk na'to. Pasalamat din pala ako kay stranger husband kasi pinapasok niya ako ngayon kung hindi tuluyan na akong idadrop ni sir.

"Asan si Angelo?" My teacher added wearing his eyeglasses standing in front of us beside the faded maroon table. Medyo matanda na rin yan si sir at marami na siyang puting buhok parang lalo siyang tumanda since last time ko siyang nakita. May problema siguro yan si sir.
At speaking of Angelo, I know sakin nila ito hahanapin dahil ako lang naman kaibigan nun dito sa school kaya wala nalang akong nagawa kundi sagutin ang tanong niya.

"Ahmmm..sa italy na po ni Angelo ipagpapatuloy ang pag-aaral niya."

"HAAAAAAAH?" Nagulat lahat ng mga kaklase ko.

"Wala po bang inabot na letter siya sa inyo?" He shook his head. Kung ganun ako lang pala ang may alam na sa italy siya mag-aaral.
Kung sa bagay, sinabotahe nga niya kami diba kaya malamang hindi na niya kailangan magpaalam pero pwede din naman isabotahe niya kami na may pagpapaalam na personal diba, bakit hindi man lang niya yun magawa. Naiiyak tuloy ako sa tuwing sasabihin kong umalis na siya.

"How about you? San ka nanggaling?"

"Uhmmm..uhhh..uhh..."

Wala akong maisip na dahilan kung bakit nawala din ako.
Kailangan kapani-paniwala ang dahilan kung bakit matagal akong nawala katulad ni Angelo pero hindi ko naman pwedeng sabihin na nawala ako kasi nag asawa na ako. Hindi pwede yun.

"Uhmmm, family problem lang po..'yun lang."

"Ahh..okay. Kailangan mong makabawi ngayong grading. Gumawa ka ng mga activities and assignment na pinagawa ko sa kanila, malapit ng bumagsak ang grades mo. Sayang running for honors ka pa naman."

"O-opo." sagot ko at nagklase na siya. Taimtim akong nakikinig sa kanya ng bigla akong kalbitin ni Maysel at nagtanong.

"Babalik pa ba si Angelo?" bulong niya.

"Seven years after."

"ANOOOO?" napatabon siya ng bibig. Oopps! Napalakas ang sabi niya kaya nakatingin na sa kanya si sir. Binaba niya yung kanyang salamin na hanggang ilong lang.

"May problema miss Maysel?"

"Ha? W-wala po. Nakagat lang po ng langgam ang daliri ko. Aray! Ouch!Ouch!" Si maysel yung magaling magpalusot kaya bumalik na ulit sa pagtuturo si sir.

"Seven years siya dun? Antagal naman." bulong ulit niya.

"Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganun katagal siya magtitigil dun basta ang alam ko lang dun siya mag-aaral but according to him may bussiness problem ang magulang niya."

"Ahh. Sayang talaga hindi ako umamin sa kanya na crush ko siya. Wag kang magseselos ha? Crush ko lang naman siya eh." Natawa lang ako sa sinabi niya at ibinalik na ang atensyon kay sir na nagtuturo sa unahan.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon