Chapter 13 If I Give You A Chance

23.2K 436 4
                                    

Mesaiyah Point of View

Psh! Bakit ba kasi pinatugtog pa niya 'yun? Nakita niya tuloy akong umiiyak. Nakasandal ako sa pintuan ng bathroom niya at pinupunasan ang aking luha.

Makaligo na nga lang para naman mabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Diba kapag nasa bathroom syempre maghuhubad ka para maayos kang makapagligo, kaya yun ang ginawa ko.

"Hoyy! Seyah! Ano bang binabalak mo?! Hey! Seyah sumagot ka! Ano bang ginagawa mo diya-----n."

O_________O OMG!

"AHHHHHHH!!! MANYAK! LUMABAS KA!! BASTOS! WAHHHHH!!" tinabunan naman ng kamay niya ang kanyang mukha pero nakasilip pa rin T_______T! Buti nalang may nakasabit na tuwalya dito.

"Hahaha! Akala ko kasi..hindi ka naliligo..hahaha akala ko.."

"TSE!! TAWA PA! ANO PANG HINIHINTAY MO!! LUMABAS KANA MANYAK! MANYAK! MANYAAAK!" kinuha ko ang sabon, shampoo, tabo at kung ano pang pwedeng itapon sa kanya pati na tubig ay tinapon ko sa kanya Grrr!

"Naisip ko lang na sumabay kaya ako sayong maligo tutal basa na din naman ako." he said running his finger through his hair at nagpacool sakin.

"ANOOOO? SUMABAY KA YOUR FACE!! LUMABAS KANA NGA MANYAK!"

=________="ginagalit niya talaga ako.

"LAYAS!! LAYAS!! BASTOS!" pinagbabato ko sa kanya ang mahagilap kong mga gamit pati na ang mga sipilyo niya, mouth wash etc.

"A-ARAY!! LALABAS NA NGA! MAMAYA BUONG CR PA ANG IBATO MO SAKIN! HAHAHA ANG SEXY MO PALA!" sabi niya atsaka lumabas na.

"SECOND LOOK!! MAG LOCK KA NG BATHROOM SA SUSUNOD!" and he slammed the door again. Nag-iinit na ang mukha ko ng dahil sa kanya. May second look pa siyang nalalaman.

TANGA! TANGA! Bakit ngayon ko lang naisip na hindi nga pala uso sa kanya ang kumatok ng pintuan. Huhuhuhuhu! Hindi na virgin ang HOMYSEXYBODY KO! May nakakita na! Aish! Grrr! Argh! Bakit ba kasi nakalimutan kong ilock ang pintuan -________-!

Nagpatuloy na ako sa pagligo at nagpalit na..teka teka? erase. erase. Pano ako makakapagpalit e wala nga pala akong dalang damit? OHMY! Makikita na naman niya yung katawan ko! Sumilip ako ng konti sa pintuan para icheck kung andun siya..

O______o! Andun nga siya pero wala siyang suot na damit, short lang ang suot niya. Urgh! Sinarado ko na ulit yung pintuan ng bathroom. Binuhusan ko nga pala siya ng tubig kanina pero bakit hindi pa din siya nagpapalit? Tumingin ulit ako sa labas and still andun pa rin siya nasa couch niya nakaupo habang may kinukutingting sa cellphone niya. Nakatalikod naman siya at hindi naman niya ako makikita, basta magdahan-dahan lang.

Lakad ng dahan-dahan ng biglang tumingin siya sakin at napatakbo ako pabalik ng cr.

"Ang sexy talaga ng asawa ko! Hahahahaha."

"Pwede ba manyak! Tigilan mo na ang kamanyakan mo! Bumili kana lang ng magmamanyak sa'yo! Wag ako!" Tsss! How can I get myself a dress for being like this...naked?

"Lumabas kana diyan. Wala naman akong gagawing masama sayo. Rerespituhin kita remember?"sabi niya at tumalikod na ulit sakin

Kung naalala niya yung rerespituhin thingy? It means...naaalala pa niya yung PIPILITIN KITANG MAHALIN thingy?

Nakapagpalit na din ako sa wakas pero nananatili pa rin siyang topless.

=_______="

"W-wala kang balak na magpalit?" tanong ko. Ohmy! First time kong makita siyang na nakatopless pero hindi eh, nung unang araw na pagiging mag asawa namin nagtopless siya sa harapan ko tapos nung nag away kami...topless lang din siya pero ngayon..feeling ko talaga first time ito.

"Are you drooling with this body?" natauhan lang ako sa sinabi niya at hinipo ang gilid ng labi ko.

"What the? wala naman ahh."

"Hahahaha! You're drooling so meaning ready kanang gawin natin yung----" I cut him off before he continue what he was saying. Binato ko sa mukha niya yung hawak kong tuwalya.

"Find a girl who wants to play with you!! Don't me!" Napaenglish tuloy ako ng wala sa oras. Naspeechless lang siguro dahil sa topless niyang katawan. A -ano daw yung sinabi ko?

"Diba bilang asawa kailangan mong kunan ako ng damit at suotan?"

"Haah? Huh? A-ano ka bata para suotan ng damit? haah?"

"Asawa nga kita diba?"

"E-eh. Ano ngayon? H-hindi ko gustong maging asawa mo." Kumuha din ako ng damit niya at hinagis ulit sa kanyang mukha for the second times, nope for the many times siguro. Ayoko nga siyang suotan. Psh!

Matapos siyang magsuot ng damit, bumalik na naman kami sa pagiging tahimik and this time naka off na ang kanyang cd player kaya mas lalong tumahimik sa pagitan naming dalawa. Nakaupo kami parehas sa end side ng couch niya, yakap-yakap ko ang tuhod ko na para bang nilalamig samantalang hindi ko madiscribe kung anong klase ang upo niya, basta parang upong pangmayabang ganun. SPELL AWKWARD!

"Ang selfish mo." hindi ko alam pero bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun. Pero tumingin lang siya sakin. Hindi yata narinig sinabi ko.

"Ang gwapo mo sana kaso bingi ka!"

"Talaga?Gwapo ako? Tsk tsk. Iba na talaga karisma ko sa mga babae." Psh! uto-uto, hindi man lang nagets yung sinabi ko.

"Ang bestfriend ko." hinga ng malalim.

"Bibigyan mo ba ako na pagkakataong hanapin siya?" dagdag ko. Nakatingin lang siya sakin at lumapit saking tabi.

"If I give you a chance, mamahalin mo na ba ako?" SPEECHLESS! Lumapit siya sakin, ang lapit na ng mukha niya na halos mahalikan na ako. *gulp* bakit ganito siya makatingin?

"If I give you a chance, mamahalin mo na ba ako?" inulit niya yung sinabi niya and still...

SPEECHLESS!

///////////

Please I hope you can subscribe to my youtube channel: Sesshi1997 thank youuu :)))

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon