Chapter 77 Her Confess

14.6K 484 10
                                    

Mesaiyah's Point of View

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya habang nakangiti sakin. Nakangiti din ako na sumagot sa kanya habang tumutulo ang luha ko.

"Bakit ako umiiyak? Kasi...kasi..iniwan mo akong mag-isa." halos hindi na maintindihan ang sinasabi ko dahil sa pag-iyak ko.

"Sabi ng puso ko balikan kita. Sabi naman ng isip ko, hindi kita kayang iwan. Sinunod ko ang sinasabi ng isip at puso ko dahil 'yun ang totoo."

"Alam mo, ang sakit ng ginawa mo sakin. Para akong naliligaw na bila-bila. Sobrang naiinis ako sa'yo. Akala ko kasi tuluyan mo na akong iiwan. Akala ko mag-iisa na naman ako, pero heto ka. Nasa harap ko, hindi ko nga alam kung panaginip lang ito o pangarap ko lang pero..."

"Wag ka ng umiyak." dugtong niya sa sinasabi ko at pinunasan ng kanyang kamay ang luha ko.

"Siguro, mahal mo na ako kaya natatakot kang iwan kita." Ang nakatungo kong ulo ay biglang napatingin sa kanya. Nabitawan ko ang aking dalang gamit at wala na akong ibang maisip na sabihin sa kanya, naubos na eh. Basta ang alam ko lang, sabihin na sa kanya ang totoo kong nararamdaman.

Oo, takot akong iwan niya ako, takot na akong mag-isa, takot akong harapin ang mundo ng mag-isa at mas lalong takot ako na mawala pa siya sakin. Salamat sa pagkakataong ibinigay sakin at alam ko, hinding-hindi ako magsisisi sa aking pag-amin.

"You respect and love me. 'Yun ang nakita ko sa'yo dahilan kung bakit mahal na mahal na mahal na mahal kita. Magkasama tayo sa isang kwarto pero nirespeto mo ako. Hindi ko naman hinihingi ang pagmamahal mo eh pero pinakita mo sakin, kung ano ba ang ibig sabihin ng pag-ibig at habang tumatagal, narerealize kong kailangan pala kita dahil mahal kita." Sabi ko at nakatingin lang siya saki. Ngumiti siya dahil sa sinabi ko.

"Hindi na kita iiwan." Lumapit siya sakin at mahigpit na yumakap sa akin habang iyak nang iyak ako.

"Nahihiya ako sa mga pangrereject na ginagawa ko sa'yo pero iniintindi mo pa rin ako. Andiyan ka pa rin sa tabi ko pero kagabi 'yung sinabi mo sakin na sumusuko kana, sobra akong natakot."

"Sht! Nasasaktan na pala kita, hindi ko sinasadya mine. Wag ka ng umiyak, hindi na kita iiwan Di na ako magsasabi ng mga salitang nakakasakit sa'yo." Sabi niya habang yakap ako at hinalikan ako sa noo.

"Jerk ka talaga, alam mo 'yun? Sabi ng puso ko mahal kita, sabi ng isip ko itulak kita palayo. Naiinis ako sa'yo kasi bakit pagdating sa'yo mas lalong nahihirapang magkasundoo ang puso at isip ko. Gusto kong mamuo ang galit ko sa'yo, sa buo kong pagkatao pero napakahina ko. MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA 'YUN ANG TOTOO DAHIL 'YUN ANG SINASABI NG PUSO KO!" hinahampas ko ang dibdib niya habang nakakulong ako sa kanyang mga bisig. Naging emosyonal ako sa harap niya sa takot na baka ako'y kanyang iwan ulit.

"Makinig ka sakin. Hindi na ako aalis, hindi na kita iiwan kaya tumigil kana sa pag-iyak. Pumapangit ka kapag ikaw ay umiiyak eh." pinunasan niya muli ng kanyang mga kamay ang aking luha at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Wag ka ng matakot. Dito lang ako sa tabi mo. Diba magkasabay tayong naglakad sa ilalim ng bilog ng buwan? Ang kasabihan, infinity daw 'yun kaya wag kang mag-alala. Lagi lang akong nasa tabi mo at hindi ka iiwan. Tandaan mo yan." napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang alamat na 'yun, na kapag magkasama kayong naglalakad sa ilalim ng buwan, magkakasama kayo habang buhay. Pero napakaromantic infairness.

"Siguro, sobrang saya mo dahil umamin na akong mahal kita." ngumiti lang siya sakin.

"Nahulog kana sa pinakamalalim na bangin. Poprotektahan kita laban sa mga buwaya. Ano man ang mangyari. Kaya kong mamatay para sa'yo." humalik siya muli sa noo ko. 'Yung feeling na, kahit wala ng tubig sa mga mata ko ay gusto kong maiyak dahil sa sinabi niya. Para akong prinsesang nasa gitna ng panganib pero may isang kawal ang andiyan na handang mamatay para sakin. Sa fairytale lang nangyayari yun diba pero bakit parang nasa mundo ako ng fairytale ngayon?

After that dramatic confession, nakahinga na ako ng maluwag. Wala ng buntong hininga, wala ng iyak kundi saya. Kasiyahan na ang bumabalot sa pagkatao ko ngayon. Iba ang feeling na kasama ko siya ngayon unlike the other months na wala akong pakialam sa kanya. 'Yung makita ko lang pagmumukha niya, naiinis na agad ako pero ngayon, sasabihin kong kontento na ako sa pag-amin na nagawa ko. Kontento na akong kasama siya, kontento na akong nasa tabi ko siya at hindi na niya ako iiwan pero hindi ko maitanong sa kanya ang mga salitang "bakit hindi ka sumama kay Kosuri? Bakit iniwan mo siya?" but still..kontento na akong bumalik siya sakin kaya hindi nalang ako magtatanong bago pa ako masaktang muli.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Nakaamin na ba talaga ako? Kasama ko ba siya talaga ngayon? It feels like it was just my illusion but no, I'm not dreaming. Totoo ang lahat. 'Yung pakiramdam na hindi ako makapaniwalang lumilipad ako sa saya at 'yung pakiramdam na dati pinipilit lang niya ako na mahalin siya, ngayon mahal ko na siya ng kusa, 'yung dating okay lang na mawala siya, ngayon sobra na akong takot na mawala siya, 'yung dating halos isumpa ko na siya sa galit at 'yung ngayong gustong-gusto ko na siya. Totoo ngang, The more you, hate the more you love.

Ang pag-amin ay isang pagkakataon na ibinigay sa akin, parang isa itong tinik na nakatusok sa puso ko na mabubunot lang kapag kung aamin ako and that's what happened to me. Wala na ang kung ano mang nakatusok sa puso ko noong oras na umamin ako sa kanya.

"Umuwi na tayo. Nag-aalala na malamang si ate Anthea." sabi niya at kaninang nakaupo ako sa bench ay hinila niya ako at hinawakan ang aking kamay. Siya na ang nagdala ng gamit ko.

"Walang sinuman ang makakapaghiwalay satin." dagdag niya at mahigpit na hinawakan ang kamay k. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanya. Ganito pala ang feeling kapag kinikilig, parang tumatalon yung puso mo ♥

Naglalakad kami sa ilalim ng malalaking punong nakahilera. Malapit na kami sa kanilang bahay at mula sa malayo, nakikita ko si Anthea kasama ang iba pang kaibigan ni stranger.

"Look at them! Para silang lalanggamin sa sobrang kasweetan." papalapit na kami sa kanila at hindi ko maitsurahan ang pagmumukha nila Kerk, Razec at Denstah. Parang kinikilig na natatakot na ewan. Ang weird.

"Prince! Kamusta?" paunang bati ni Kerk habang nakatawa.

"Nagtanong ka pa, malamang pati utot niyan kinikilig." sagot naman ni Razec at nagtawanan ang lahat.

"Tumahimik nga kayong dalawa!" saway naman sa kanila ni Denstah.

"Si Prince Anhiro at Princess Mesaiyah, parang mga nakakain ng sili sa sobrang pula." pahabol ni Razec.

"Aish! Gusto mo mabugbog?" humiwalay na sa pagkakahawak ng kamay sakin si Anhiro at sinugod si Razec.

"Joke lang! Nagjojoke lang ako!" natatawa na may pagmamakaawa na sigaw ni Razec. Kawawa na naman ito.

"Bugbugin niyo nga yang baliw na yan!" utos niya at sinunod naman ito ni Kerk at Denstah. Tatabi palang sana ako kay Anthea nang bigla niya akong yakapin.

"Sinabi ko na nga ba. Malakas talaga ang tama ng kapatid ko sa'yo. Nakakaiba ang karisma mo gurl!" humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin.

"Alam kong hindi ka niya kayang iwan." dagdag niya.

"Papanindigan niya ang ginawa niya sa'yo.Poprotektahan ka niya at ipaglalaban." dagdag ulit nito.

"Prince. Bakit mo nga ba iniwan si Kosuri?" ang hingal na hingal galing sa pagtakbo na Razec ay tumigil sa harap ni Anhiro at tinanong ang tanong na kanina ko pa gustong itanong sa kanya.

"Bakit mo ba tinatanong yan sa kanya hah?!" galit na sigaw ni Anthea at nakitulong na din ito sa paghabol kay Razec. Nakakatuwa ang pagkakaibigan nila. Ang saya-saya nila.

"Ayoko na! Suko na ako! Sumusuko na ako!" nahuli na nila si Razec at hindi naman nila ito binugbog..kiniliti lang nila. Tumingin ako kay Anhiro at ngumiti. His brown eyes are now smiling. Mahal ko siya, mahal ko ang lahat sa kanya.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon