Chapter 45 Bubble Butt

15.7K 260 1
                                    

Terra's Point of View

Hindi ako makapaniwalang hinalikan niya ako. Hindi talaga ako makapaniwala as in. Argh! Hindi man lang siya marunong magpaalam. Agad-agad siyang susugod. I'm not belong to those crazy girls na gustong-gusto siya. Aish!

Naglilinis ako ngayon ng sahig ng bahay niya at ito'y aking pinupunasan. Napatigil ako sandali at hinawakan ang aking labi. Infairness, ang lambot ng labi niya tapos ang pula pa tapos. Aish! Kung ano-ano na naman ang iniisip mo Terra. Umayos ka nga!

"Good morning! Can you give me a cup of hug coffee with a sweet kiss." Wow hah! Porket nahalikan na niya ako. Kakaririn na niya talaga.

"Pagtimpla lang ng kape hindi mo magawa. Kulang nalang gawin mo akong alila o kaya totohanin mo ng alila ako. Nahiya ka pa. Lahat nalang ginagawa ko para sa'yo, paglaba ng damit mo, paglilinis ng bahay, pagkuha nga lang ng tubig na iinomin mo sa akin mo pa iniuutos eh tapos ngayon pagtimpla lang ng kape hindi mo pa magawa? Maawa ka naman sakin. Ang payat-payat ko na nga tapos lagi mo pa akong inuutusan. Pano na ang buhay ko niyan?"

"Nahalikan lang kita. Ang dami mo na agad sinabi." Sabi niya.

"Haah?! Eh bakit? Totoo naman 'yung mga sinabi ko ah." Sabi ko.

"Masarap ba ang halik ko?"

"A-anoo??"

"Sabi ko..masarap ba ang halik ko?" Inulit pa niya talaga.

"E-ewan. Bakit mo ba sakin tinatanong 'yan?"

"Parang..ikaw lang kasi ang naiibahan sa halik ko." A-ah? Haah?! Aish!

"E-ewan. Oo,ang iba! Lasang tuyot na isda!" sabi ko sabay hagis sa kanya ng pamunasan. Headshot!

"Ano?Tuyot na isda?? Hoy! 'Yung kape ko! Lasang apple kaya ang labi ko! 'yung mouthwash na gamit ko galling pa sa France! " sigaw niya.

Kinuha ko nalang yung walis tambo at sa living room nalang naglinis. Aish! Ang kapal talaga ng mukha niya. Kung sa bagay, wala namang manipis na mukha diba? Ayy! Umayos ka nga Terra. Hindi mo na naman ginagamit ang utak mo.

Aish! He stole my kiss. Hindi man lang siya nagpaalam sakin.Hindi man lang humingi ng permiso.

*Ting!

Alam ko na! Sa bawat hawak niya sa kamay ko. Bawat halik niya sa labi ko at kung ano pa ang gawin niya sakin(maliban nalang sa totoot hahaha) dapat bawas 'yun sa utang ng mga magulang ko sa kanya.Tama!

Nagtatakbo ako papunta sa kusina at nakita ko siyang nakapatong ang dalawang paa sa lamesa habang umiinom ng kape. Marunong naman pala siya gumawa, ako pa ang uutusan.

"Hoy!" tawag ko pero hindi siya tumitingin.

"Hooy! Ano ba tumingin ka nga sakin?" hindi pa rin siya tumitingin.

Alam ko na ito.

"Boss!"

"Babe?" sinabi ko na nga ba hindi siya titingin hangga't hindi ko siya tatawagin na boss.

"Pwede mo na..akong h-halikan at hawakan ang kamay..basta may bawas ang mga 'yun sa utang ng mga magulang ko. Kapag hahalikan mo ako,100 thousand. Kapag hawak sa kamay naman, 50 thousand."

"HAh?! Hindi pwede 'yun."

"Bakit?" tanong ko.

"Eh ginagawa naman talaga yun ng mag girlfriend at boyfriend diba?"

"Eh di break na tayo." sabi ko.

"Hah?! Kung makikipagbreak ka. Babalik sa ten million ang utang ng mga magulang mo sakin kahit na may nasimulan kana."

"Hah?! Ganun ba 'yun? Ang complicated naman." bumalik na ako sa living room na malungkot. Haaay! Kailangan mo talagang magpakahirap Terra para mabayaran ang utang ng mga gahaman mong mga magulang. Naisip ko lang. Kamusta na kaya sila? Halos mangiyak-ngiyak na akong nagwawalis sa living room nila. Bigla ko nalang kasi namiss si mama at papa.

Nakita ko naman si Kerk na nagtatatakbo papunta dito sa living room at binuksan ang TV.

"Sakto! It's time for Bubble Butt!!" masayang sigaw niya. Huh?!Anong problema nito?

"Sayaw tayo!" aya niya sakin.

"H-hindi ako marunong sumayaw."

"Okay lang 'yan. Para naman maexcercise ang puwet natin."

"Huh?" Tama nga siya. Puwet lang ang ginagalaw niya.

Now playing: Bubble Butt by Jason Derulo

Bubble butt,

Bubble,Bubble,Bubble,Bubble Butt

Bubble butt,

Bubble,Bubble,Bubble,Bubble Butt

Tumayo na din ako at sumunod sa step na ginagawa niya.

"Hahahaha ang cute naman nito!" masayang sabi ko. Enjoy na enjoy kaming dalawa sa pagsasayaw ng bubble butt at bumagsak kami sa faded blue leather couch ng living room niya dahil sa pagod.

Ngayon nalang ulit ako sumayaw. Last time na sumayaw ako, nung nag-aaral pa ako sa college.

"Masayang sumayaw diba?" sabi niya.

"Round 2 tayo?" tanong niya at tumayo ako at sumigaw.

"YEAH!!SAYAW PA TAYOO!!HOOOH!!"

Sumayaw na ulit kaming dalawa sa next song na nagplay sa mtv. Buti nalang wala siyang kapit-bahay..kung hindi baka nareklamo na kami sa sobrang ingay. 

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon