Chapter 31 The Husband's Gift

20.2K 330 2
                                    

Mesaiyah's Point of View

Dinala niya ako sa hagdan na i think 50 steps bago ka makarating sa dulo at umupo kami sa kalagitnaan nito habang inaabot naman niya sakin ang cellphone na hiningi niya dun sa saleslady.

"Geez! Ano naman ang gagawin ko diyan?"

"Try mo nga ulit kainin, binibigay ko na nga sa'yo 'yan." Pilit niyang inaabot yung cellphone sakin.

"At bakit ko naman tatanggapin 'yan?"

"Eh kasi binibigay ko, regalo ko 'yan sa'yo sa pagsisimula natin bilang magkaibigan."

"Haaah?"

"Kunin mo na nga."

"Ayoko nga, nakaw mo lang yan no? ni hindi mo nga 'yan binayaran, ninakaw mo lang 'yan nang harap-harapan." Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Ano ka ba? Sa'yo na kasi, hindi ko yan ninakaw, hiningi ko yan."

"Ehh, nakaw na din 'yun."

"Hindi nga sabi yan nakaw..ilang beses ka bang pinanganak ng nanay mo at ang kulit mo." Wow. Nahiya ako sa hindi makulit hah.

"Wala kang cellphone kaya nireregaluhan kita, gusto ko may communication tayo para malaman ko kung asan ka."

"Err? Hindi ko tatangapin yan kasi nakaw 'yan."

"Hingi ko nga yan hindi nakaw, ano bang pinagkaiba ng nakaw sa hingi hah?"

"Err? Ewan, bakit ako ang tinatanong mo?"

"Kapag hindi mo yan tinanggap, ipagsisigawan kong asawa kita." Bigla ko nalang hinablot ang cellphone sa kanya. Linggo pa naman ngayon at andaming tao na namamasyal.

"Kukunin mo din naman pala eh."

"Takot ko lang na ipagsigawan mo nga." at isa pa, alam ko namang mayaman siya kaya tinanggap ko na, baka siya din ang nagmamay-ari ng store na 'yun.

"Isasave ko muna yung number ko diyan." kinuha niya yung cellphone at sinave yung number niya.

"Oh, ayan. Mine ang pangalan ko diyan." Sabi niya.

"Huh? Mine? Huh? Nick name mo 'yun?"

"Hindi,teka hindi ko pa alam number mo..magtext ka nga sakin."

Tinext ko naman siya.

MESAIYAH: baliw yung katabi ko.

SEND!

Nagtunog yung cellphone niya, parehas pala kami ng cellphone.

"MINE. Mine din ang pangalan mo dito."

"Huh? Ano bang mine?"

"Akin. Ikaw ay akin at Ako ay sa'yo." Paliwanag niya.

"Wow hah. Kasing talino mo na si Einstein sa imbento mo. Ayoko ngang tawagin kang mine, ano ako baliw?"

"Oo. Baliw na baliw ka sakin." Sabi niya at nahiya naman ako.

"Aish! Ewan sa'yong baluga ka." Tatayo na sana ako para iwan siya ng biglang tumunog ang tiyan ko.

-_______-" bakit ngayon pa?

"Parehas na tayong nagugutom kaya kumain muna tayo." Dinig niya 'yun? Hinawakan niya ulit ako sa braso. Parang mawawala lang ako eh? Andito kami sa isang italian restaurant, dito kami kumain dati ni Anthea.

Now Playing: When You Look Me In The Eyes

OHMY! ang ganda naman nung song na nagplay.

If the heart is always searching can you ever find a home

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon