Chapter 54 The Lunch Break

16.1K 260 5
                                    

Mesaiyah's Point of View

Pinasakay niya din ako sa kanyang motor. Pinagpagod niya lang ako sa paghahabol sa kanya.

Nasa school na kami at magkasabay kaming naglalakad sa hallway, buti nalang wala ang mga student council officer sa gate. Diretso lang ang tingin niya sa daan habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon at as always..nakasuot siya ng bonnet na black at ako naman..sinisilip ang kanyang mukha na nakatungo.

Tumitingin din siya sakin pero saglit lang. Napatigil kami parehas sa paglalakad dahil sa mga estudyante na humarang samin. Ito na ang mga student council officer.

"Cutting class o late?" tanong ng SC president ng school.

"Late..kaming pumasok." sagot ko at tumungo.

"Ahh. O-okay lang..k-kahit malate kayo. Tara na guys. A-alis na tayo." nauutal na sabi nung president. Bakit nagka ganun 'yun?

Kilala ko siya pero hindi kami masyadong close, lagi kasi naming nakakalaban ni Angelo 'yan sa mga contest, quiz at sa kung ano-ano pa ang nangyayari sa school at ngayon, alam kong NAPAKASAYA na niya kasi bumaba ang grades ko at wala na si Angelo kaya siya na ang top one.

"Bakit biglang nautal sa pagsasalita 'yun? Himala! okay lang daw na malate tayo?"

"Pasalamat ka." sagot ni stranger at nauna na siyang maglakad.

"Kanino ako magpapasalamat?" tanong ko.

"Sa..akin."

"Bakit ako magpapasalamat sa'yo?" hindi niya sinagot ang tanong ko.Aish! Ang labo naman ng sinabi niya. Dahan-dahan akong pumasok sa classroom at umupo sa aking upuan samantalang diretsong natulog si stranger.

"Bakit ka nalate Mesaiyah?" alam ko namang tatanungin 'yan ng teacher ko eh. Tumayo na ako para sagutin ang tanong niya. Teka? Eh bakit ako lang ang nag eexplain? Samantalang siya natutulog lang e siya naman talaga ang may kagagawan ng lahat kung bakit kami nalate. Wow! Wag niya sabihing..nasa isip niya ako kaya siya natutulog? Waaah!

Nakatingin lahat ng mga kaklase ko sakin at naghihintay ng sagot. Oo nga pala, nakalimutan ko na ang mag explain. Geez! Kung ano-ano na naman iniisip mo Mesaiyah! Umayos ka nga!

"NNalate po..ako kasi..b-brown out kagabi..h-hindi po ako nakatulog ng maayos."

"Paano kong habang buhay ng brown out? Habang buhay kana ring late?" Masyadong exag naman si sir. Hindi nalang ako sumagot at umupo na sa aking upuan. Tumingin ako kay stranger at natutulog pa rin. Wala man lang pakialam. Hindi man lang niya ako tinulungan na magexplain. Psh!

Natapos na ang last subject namin sa umaga at lunch break na..lalabas na sana ako ng makita ko si Kosuri sa labas ng room kaya lumapit ako.

"Oy! Kosuri. Andiyan ka pala." sabi ni Razec at hihipuin niya sana ang pisngi ni Kosuri kaso naunahan niya ito at pinilipit ang kamay. Amazona pala siya o kaya talagang magaling siyang mamilipit ng kamay. Magpaturo kaya ako sa kanya ng ganun para wala ng makalapit sakin na stranger na lalaki kasama na si stranger husband.

"Bakit ka naparito?" tanong ko at may tinaas siyang mga paper bag.

"Sabay tayong apat kumain ng lunch..pero..asan si Anhiro?" tanong niya. Hinanap ko siya pero asan nga ba siya? Lumabas naman si Maysel ng room.

"Owws! Hi!" sabi ni Maysel na nakatingin kay Kosuri.

"Hi." walang tono nitong sagot kundi straight to the point lang.

"Nakita mo ba si stranger?" bulong ko kay Maysel.

"Natutulog pa rin." sagot niya sabay tingin kay Kosuri na nagtatanong na anong ginagawa mo dito?

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon