Chapter 88 Her Mother

13.4K 263 22
                                    

Walang nakakaalam kung nasaan si Mesaiyah. Gustong hanapin ni Anhiro ito pero hindi niya alam kung paano, hindi na muling tumawag sa kanya ang lalaki o kaya'y magparamdam man lang at sabihin kung ano talaga ang ginawa ng mga ito kay Mesaiyah.

Kapag makita niyang muli ang lalaki ay hindi na siyang magdadalawang isip na patayin ito. Hindi niya kilala ang lalaki na 'yun pero alam niyang may galit ito sa kanya.

Bakit siya pa ang kinuha nila. Pwede namang ako nalang? Sabi niya sa kanyang sarili.

Nakaupo siya sa ilalim ng street light, isa ito sa mga ilaw na dinaanan nila noong sabay silang naglalakad ni Mesaiyah pauwi. His tears fell over and over again. Siguro, hindi titigil ang pagtulo ng kanyang luha hangga't hindi niya nakikita si Mesaiyah. Kahit sobrang yaman mo, marami kang pera, kayang-kaya mong bilhin ang lahat ng bagay pero kapag ang mahal mo na ang nawala, money is nothing because you couldn't buy the time that have been passed. 'Yung oras na wala kang nagawa para sa kanya, sobrang nakakapangsisi ng sarili.

Matapos ang pagkawala ni Mesaiyah. Namimiss na siya ng kanyang mga kaibigan na sana'y siya ay nasa tabi din ng kapatid na si Terra, inaalagaan at pinapalakas ang loob pero wala siya kaya lalo tuloy silang nalulungkot T__T

Is she become the victim of rape or she is murdered?

**

Nakahiga siya sa malambot at maputing kama. May tabon na kumot na hanggang dibdib at nakapikit ang mga mata. Sa gilid niya ay isang babaeng nakasuot ng puti, nakatitig sa mukha ng babaeng nakahiga. May pumasok na katulong sa kwarto at may iniabot sa babae na palangganang may tubig at may towel. Pinigaan niya ito at marahan na ipinunas sa mukha ng natutulog na babae.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nagising na siya, hindi niya maigalaw ang kanyang binti dahil sa sakit na nararamdaman. Sa paggising nito ay napatingin siya sa babaeng nasa tabi niya.

"S-sino ka?" Sa boses nito ay natatakot pa rin siya. Nakahawak siya sa kumot ng mahigpit at nanginginig ang mga ito.

"Wag kang matakot." sagot ng babae at lalapit sana ito pero biglang itinabon niya ang kumot sa kanyang mukha na para bang kakainin siya ng babae.

"Mesaiyah." wika ng babae sa malambing na boses. Hindi nagsasalita ang tinawag niya, nanginginig ang buong katawan nito. Balot na balot ang kanyang kalooban ng takot, mabilis ang tibok ng kanyang puso at tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Ako ang iyong ina." saglit na napatigil ang kanyang paghinga, para bang sa mga oras na iyon ay tumigil ang pag-ikot ng mundo nang marinig niya ang sinabi ng babae.

"Ang bila-bila na nasa may kaliwa mong dibdib ang patunay." dagdag ng babae. Pakiramdam niya ay bumalik na muli ang pagtakbo ng mundo, bumalik na rin ang normal niyang paghinga at normal na tibok ng puso.

Noong gabing pinutol na ng lalaki ang tawag mula kay Anhiro, kinuha niya muli ang kahoy at hinampas ng paulit-ulit ang binti ni Mesaiyah. Hindi niya malaman kung anong nararamdaman niya sa mga oras na yon' nagmamanhid ang binti niya na masakit. Sinipa muli siya ng lalaki para siya ay mapatihaya, pumatong ang lalaki sa kanya at pinaghahalikan ang kanyang leeg, sigaw siya ng sigaw habang patuloy na tumutulo ang kanyang luha. Ang pangalan ni Anhiro ang kanyang sinisigaw na nagbabakasakaling marinig niya ito. Kailangan niya ng tulong ni Anhiro, kailangan na kailangan niya si Anhiro. Pinunit ng lalaki ang pang-ilalim niyang suot, pinaghahalikan siya nito at nang umabot sa may dibdib. Ang bila-bila na nasa may kaliwa niyang dibdib ang nagpatigil sa lalaki.

"Shit!" He cursed. Napaurong siya sa kanyang nakita.

"That butterfly. Bakit meron siya niyan?" Wika ng isang lalaki.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan, siya ang matagal ng hinahanap ni Madam." sagot naman ng isang lalaking chinito ang mata.

Natatarantang kinuha ng lalaki ang cellphone niya sa sahig at mabilis na tinawagan ang madam.

"What's the matter?"

"M-madam..ang asawa ni a-anhiro..siya ang a-anak niyo." Nauutal niyang sabi.

"WHAT?" Napataas ang boses niya na halatang nagulat.

"May bila-bila siya sa kaliwang dibdib madam."

"Dalhin mo dito ang babae. Bilisan niyo."

"Opo." sagot nito at pinatay na ang tawag. Si mesaiyah ay wala ng kayang maglakad, masakit ang mga binti niya at wala na itong lakas. Aakayin sana siya ng lalaki pero natumba ito dahil nga sa binti niya kaya walang silang nagawa kundi buhatin ito at sa pagbuhat nila kay mesaiyah ay nahulog ang kanyang kwintas. Ang kwintas na binigay sa kanya ni Anhiro.

Makakalabas na sana sila ng bahay nang makita nila si Anhiro na binabasag ang bintana ng van, agad silang bumalik at sa likod ng abandunadong bahay dumaan. Nakahinga sila ng maluwag nang makasakay na sila sa kotse at nang natakasan nila si Anhiro samantalang ang babaeng sinasabi nilang madam ay hindi mapakali, nasa harap siya ng gate at hinihintay ang pagdating ng tauhan, pauli-uli siya ng lakad, magkahalong kaba at pagkasabik ang kanyang nararamdaman dahil sa wakas makikita na niya ito. Excited na siya sa kung ano ang itsura ng kanyang anak, hindi niya kasi ito nasilayang lumaki at magdalaga.

Nakarating na ang kanyang hinihintay, napakunot siya ng noo nang makita niya si Mesaiyah. Naaalala niya ito, siya ang kapatid ng babaeng nasagasaan niya, siya ang babaeng nagbanta sa buhay niya at hindi niya akalaing siya pala ang kanyang anak.

Walang malay si Mesaiyah, kaya agad na inutos ng babae na ipasok sa loob ang anak at inihiga sa kama ng kanyang kwarto. Napaiyak siya ng makita niya ng malapitan ang mukha ng anak. Hinaplos niya ng malalambot niyang kamay ang mukha ni Mesaiyah na lalo niyang ikinaiyak. Sabik siya sa anak subalit may malaki pa siyang kasalanan dito kaya hindi niya alam kung mapapatawad siya agad ni Mesaiyah dahil noong araw na naaksidente ang kapatid niya ay grabe ang kanyang galit dito at sinabihan pa nga siyang papatayin siya. She remember Terra, nakita niya si Terra na naglalaro sa likod-bahay nila noong iniwan niya si Mesaiyah sa pamilya nito.

"Patawad kung nagawa ko ito sa inyo anak. Patawad. Mesaiyah." hindi niya malilimutan ang pangalan ng anak dahil ang pangalan niya ay pangalan din nito kaya sa tuwing may tumatawag sa kanya sa pangalan niya ay naaalala niya ang kanyang anak na inabanduna.

Magdamag niyang binantayan ang anak hanggang sa magising ito at nang sinabi niyang siya ang ina ni Mesaiyah ay nanatiling nakatago sa kumot ang anak at tumutulo pa rin ang luha sa kanyang mga mata. Dapat masaya siya dahil nasa tabi na niya ang kanyang ina pero parang mas lalong nasaktan siya ng malaman niya ito.

"K-kailangan malaman ni mama at papa ang nangyari sa kapatid ko." wika ni mesaiyah at sinubukang bumangon mula sa kama pero hindi niya maigalaw ang binti.

"Ako nalang ang magsasabi." sagot naman ng kanyang ina. Tumayo na ito at bago lumabas ng kwarto ay nagpatawag siya ng dalawang tauhan para bantayan si Mesaiyah.

Umalis na ang babae at nagtungo sa bahay ng mama at papa ni Terra. Sinabi niyang nasa hospital ang kanilang anak na si Terra pero wala siyang binanggit na nasa kanya si Mesaiyah, hindi rin siya nagpakilala sa mga ito at bago umalis ay nagiwan siya ng almost 1 million na pera. Bayad niya sa pangangalaga kay Mesaiyah subalit hindi niya alam sinasaktan lang ng mga ito ang kanyang anak.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon