Chapter 38 The Cold Stranger

17.6K 285 3
                                    

Mesaiyah's Point of View

Maaga akong pumasok sa school dahil maagang pinapapasa ng mga teachers ko ang activities na ginawa ko. Hindi na din ako nagpahatid sa kanya kasi umalis ako ng bahay ay tulog pa siya.

"Ma'am, ipapasa ko na po yung activity na ginawa ko."

"Sige. Ilagay mo lang diyan." inilagay ko sa tabi Mrs. Valencia ang mga activity ko, aalis na sana ako nang bigla niya akong tawagin.

"Mesaiyah!"

"Bakit po?"

"Magaling ka bang kumanta?"

"Hah? Ah,eh,m-medyo lang po."

"Naghahanap kasi ang anak ko ng kapartner para sa banda niya. Kung available ka. Pwede bang ikaw nalang maging partner niya?"

"Ah. Eh. Itatry ko po. Hindi po ako masyadong magaling kumanta eh."

"Okay. If available ka lang pero kung hindi..okay lang."

"Saan po ba sila kumakanta?" tanong ko.

"Sa runaway house. Parang trabaho na kasi niya ang pagkanta kaya yun..sumusweldo din kahit papaano."

"Ah. Pag-iisipan ko po ma'am."

"Sige."

Umalis na ako sa faculty room at nagdiretso sa room. Parang gusto kong sumali sa banda. Para na rin magkapera ako. Ayokong umasa sa pera ni stranger kaya kailangan kong kumilos ng akin lang pero...runaway house? San 'yun? Karinig ko lang ng word na 'yun? Hindi pamilyar sakin ang lugar na yun ah!

Umupo na ako sa aking upuan at ipinatong ang ulo sa aking desk tutal wala pa naman ang teacher namin. Wala pang ilang minute sa pagkakatulog ay parang may tumutusok ng likod ko..hindi ko nalang pinansin at natulog nalang ulit. Ano bang problema ng taong 'to? Tumingala ako para tingnan yun at halos matumba ako sa aking upuan ng makita ko kung sino siya.

"Papatayin mo ba ako sa takot? Hah? Umayos ka nga, Maysel."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! GRABE ANG ITSURA MO SAIYAH! PAREHAS NA PAREHAS KAYO NG EXPRESSION NI RAZEC! HAHAHAHAHAHA." Pano naman nasama si razec dito? Umayos na ako ng aking upo. Mukha kasi siyang white lady. Ewan ko ba kung anong trip nito.

"Bakit ka ba nakaganyan?" tanong ko.

"Wala lang...hahahaha..alam mo bang nakapunta na ako sa bahay ni Razec."

"Pano ka naman nakapunta dun?"

"Ano. Pumunta ako sa runaway house tapos sinundan siya..kasama pa nga niya yung tatlong gwapo atsaka yung lalaki na mas gwapo pa sa kanila."

"Runaway house? San yun? Pwede mo ba akong dalhin dun?"

"Ano ka ba..mga VIP lang ang pumupunta dun. Kailangan mo munang makakuha ng VIP card sa may-ari ng runaway house."

"Mahal ba 'yung card na 'yun?"

"Hindi naman masyado. Kung kilala mo naman ang may-ari nun pwede kang pumunta dun kahit kailan." pagpapaliwanag niya. Talaga? Parang maganda ang runaway house na yun ah! Pero bakit runaway?

"Hindi kaya...mga takas sa bilangguan ang mga andun?" imbis na sumagot ng maayos binatukan lang ako ni maysel. Ano bang mali sa sinabi ko?

"Hindi mo ba alam na ang mga tao na andun, mga galing pa sa iba't-ibang lugar, mayayaman sila, hindi sila galing sa bilangguan kundi may tinatakasan sila."

"Anong tinatakasan nila?" tanong ko.

"Siguro problema, lovelife etc etc. Bakit gusto mong pumunta dun hah? hah?" nangalumbaba siya sa harap ko.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon