Chapter 70 The Responsible Parents

14.6K 279 1
                                    

Anhiro Point of View

Natapos na kaming magsimba, hawak namin ang magkabilang kamay ni batang maliit dahil baka mawala daw siya sabi ng napaka caring niyang ina dahil nga maram daw tao dito at nang makalabas na kami sa simbahan. Pnagtitinginan at pinag-uusapan kami ng mga tao.

"Maganda 'yung babae, gwapo ang lalaki. Bakit hindi nila kamukha ang bata?"

"Perfect family sila."

"Bakit mukhang mga teenager palang sila? Ang aga naman nilang gumawa."

"Magulang na agad sila?"

"Grabe na talaga ang panahon ngayon, kebabata pa. May anak na agad."

"Naku! Tama ka diyan mare. Alam mo ba 'yung pamangkin ko, 14 years old palang may asawa na."

"Perfect Match." What kind of people are them? Galing lang sila ng simbahan. Ang mga bibig nila mga walang patutunguhan pero kahit na may negative na reactions sila samin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing nakikita ko ang batang hawak namin.

Galit ako sa kanya kanina dahil akala ko sisirain niya ang date namin pero ang bata pala na'to ang kokompleto saming dalawa. May napansin lang ako. Bakit hindi makatingin sakin ng diretso si seyah kapag ngumingiti ako? Evil grin. Alam ko na kung bakit..

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.

"Nmumula ka na naman."

"Huh?! H-hindi naman ah! Jayson, namumula ba ako?"

"Opo ate. Namumula ka."

"Hah?! Ah. Eh. Sa tingin mo. Bakit ako namumula?"

"Bobo. Ikaw lang makakasagot sa tanong mo." singit ko sabay pasok sa kotse ko.

"Aish! Saksakan ka talaga ng yabang!" Inis niyang sabi at pumasok na din sila ng kotse.

Kapag tinitingnan ko siya sa rearview mirror, iniirapan niya ako. Psh! Nagpunta na kaming mall at dumiretso sa bilihan ng mga damit ng bata. Si seyah ang namimili ng damit para sa anak namin, kailangan kong karirin na anak nga siya namin dahil..uhm..well, of course. Gusto ko din naman magkaroon ng anak, sa tamang panahon.

"Eto..bagay sa kanya!" iaabot ko sa kanya ang damit na napili ko kaso nilagpasan lang nila ako.

"Baduy 'yung napili niya. Marami pa naman diyan, maghanap tayo ng iba." Kanina pa sila ikot ng ikot dito at kanina pa ako nahihilo sa kanila.

Aish! Ang pride talaga ng babae na'to. Hindi sabihin sakin kung galit siya! Pati yung bata pinapagod niya para lang iwasan ako.

"Miss. 'Yung babae at maliit na bata na 'yun. Pwede bang bigyan mo sila ng damit na pwedeng sukatin."

"Ho?" nakikinig ba ang babae na ito? Eh parang sa gwapo kong mukha nakatingin.

"I don't want to say it again. Get lost!"

"Ah. Opo sir." lumapit na siya sa tinuro kong babae at bata at ginuide sila papunta sa dressing room. Aish! Ano kayang klaseng saleslady yan. Makakita lang ng gwapo. Tulala na! Hay! Mga babae talaga. Natapos na silang pumili ng kanilang mga damit at babayaran ko na nga, nagrereklamo pa ang isa.

"Lahat ito? Ang bibilhin mo? Bakit masyado naman atang marami? Bawasan kaya natin."

"What the? Okay na 'yan. Okay ng marami kang damit pati na ang bata."

"Pero."

"Hindi naman sa'yong pera kaya wag ka ng magreklamo."

"Babawasan ko'to. Sandali la—"

"Ano ba? SABI KO OKAY LANG NA MARAMI 'YAN!"

"Hah?! Sinisigawan mo ba ako?"

"ANG KULIT MO KASI!!" sinadya kong sigawan siya para manahimik na puro kasi reklamo, nakakairita na!

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon