Chapter 23 The Concerned Husband

23.1K 429 7
                                    

Prince Anhiro Point Of View

"Wag ka ng matakot. Andito lang ako." sabi ko pero mas lalo pa siyang umiyak. Did I say something weird? Imbis na mapatahan ko siya lalo pa siyang umiyak. Pano ba magpatigil sa pag-iyak ng babae?
What should I do? What should I do? Kapag tinitingnan ko siya lalo siyang umiiyak. Stupid anhiro stupid! Hindi ako marunong magpatigil sa pag-iyak ng babae. =__________=" damn!

Lumabas ako sa kwarto at saktong napadaan naman si manang.

"Ahmm..ahh..manang..ahmm..ahh..a-ano..ahh."

"Ano po yun Prince Anhiro?"

"Uhh..ano..uhh.." Pano ko ba to itatanong.

"Ano po?" pati si manang atat na sa sasabihin ko.

"Uhh..p-pano magpatigil sa pag-iyak ng babae?" Natawa lang si manang sa tanong ko. Nakakahiya -________-

"Simple lang Prince Anhiro.Yakapin mo siya."

"Haaah? Y-yakapin? S-sigurado ka?"

O_________o?

"Yes Prince!"

"Ahh..arigato manang." sabi ko at pumasok na ulit sa kwarto. Hindi ko alam kung tulog na siya pero aish! Susundin ko ba ang sinabi ni manang? Inu-uto niya lang ata ako eh.Torpe ka Anhiro torpe! yakapin lang naman eh, yakap lang. *gulp* kaya ko siyang yakapin. Kaya ko 'to. Kaya ko.

Unti-unti akong lumapit sa kanya pero sht! -______- kinakabahan ako. Argh! Bahala na nga siya diyan, tulog naman na eh kaya hindi na niya kailangan ang yakap ko.

Nakaupo ako sa couch habang nakatitig sa kanyang mukha.

Ang ganda niya talaga. Ang amo ng mukha, mahahaba ang pilik-mata, mapupula ang labi, itim na buhok, matangos na ilong. Erase.Erase. Bakit ko nga ba siya dinidiscribe?Bakla lang ang nagdidiscribe ng babae.Psh! Haaaay! Ano bang problema niya at bumalik pa siya sa bahay nila?

Kung hindi ko pa tinanong ang classmate niya,tuluyan pa siyang napahamak sa mga adik na lalaki na yun. Ibang klase talaga ang puso ng babae na 'yan. Ipinagbenta na siya lahat ng magulang niya,bumalik pa rin siya dun.

Naaawa na tuloy ako sa kanya. Alam kong kasalanan ko ang lahat, alam kong selfish ako pero tao lang din ako na nagmamahal pero in easy way ang ginamit ko para makuha ko siya. Yun ay ang bilhin siya sa pamamagitan ng pera. Alam ko naman na madali mong makukuha ang isang bagay kapag pinaikot mo sa palad ang pera,'yun na ang mundo ng tao ngayon eh.

Unti-unting dinadala ng mga paa ko ang sarili ko papalapit sa kanya upang siya'y yakapin. Takot pala siya sa mga taong nag aawayan sa harapan niya. Kaya ikaw stupid Anhiro, iwasan mo muna ang pakikipag away lalong lalo na sa harapan niya. Oo na konsensya, yayakapin ko na siya kaya manahimik kana. Torpe anhiro! Psh! Mas torpe ka kaya manahimik kana. Matutulog na ako. Halikan mo siya! Sht ano ba itong iniisip ko? Wala 'to.Wala.Wala.Damn Anhiro! Nababaliw kana. Hinampas ko yung ulo ko at bumalik na sa pagkakayakap sa kanya.

Mesaiyah Point of View


"kriiiiiiiiinggg...kriiiiiiiing...." Nagising ako sa pagring ng alarm clock sa tabi ko. Kailan pa ako nagka alarm clock? Sa tanan ng buhay ko, hindi pa ako binibilhan ng mga magulang ko ng alarm clock.

*mulat*kurap*kurap*mulat*

OHMYGOD!!! O__________O

"AAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" sinipa ko siya ng pagkalakas-lakas dahilan para mahulog siya sa kama. Agad kong tiningnan kung may suot pa ako.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon