Chapter 2 Who are they?

36.2K 626 9
                                    

On Monday afternoon, magkasama kami ni angelo umuwi galing school at tahimik lang kami habang naglalakad pauwi.

"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" napatingin ako kay Angelo at ngumiti.

"Oo naman." sabi ko at humawak na sa kamay niya. Yung hawak na salitan ang mga daliri namin. Hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko at napatingin lang kami sa isa't-isa dahil meron kaming nakikitang apat na lalaki na naka black tapos nakashade pa. Makakasalubong namin sila ngayon. Ang yayabang maglakad. Parang mga gagngster. Parang nagsoslow motion ang tingin ko sa kanila. Hindi ko alam kung dadaan lang sila o sadyang kaming dalawa ang inaabangan ng mga to'.

"Wag kang matakot. Nasa tabi mo ako." bulong ni angelo.

Humarang silang apat sa dadaanan namin and one of the four men touched my face na nakasuot ng black bonnet at siya lang ang nabubukod sa apat na may suot nito.

"Sino ka para hawakan ang pisngi ko?" sigaw ko at tinapik ko yung kamay niya sa mukha ko.

"I am your husband." Sabi niya na hindi man lang nauutal.

"Huh? Nakawala ka ba sa mental hospital? Magpagamot!" sagot ko.

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo miss Mesaiyah or should I say misis, you don't know me." bulong sakin nung naka bonnet na lalaki.

"Let's go, saiyah. They didn't know what they're doing. Mga walang magawa sa buhay." sabi ni Angelo at hinigit na ako papalayo sa kanila.

"Bye. Til' we meet again my fiancé." sabi nung lalaki at ngumiti ng napakalaki silang lahat.

"Sino ba yung lalaki mga na yun especially yung humawak sa pisngi mo?"Angelo asked at umupo kami sa isang wooden bench style na malapit sa may puno ng manga na sa tabi lang ng kalsada.

"Ewan. Ikaw? Baka kilala mo sila?" Tanong ko.

"Weh? Pilosopohan tayo bestfriend? O baka naman boyfriend mo yun?"sagot ni Angelo.

"Boyfriend? Ha-ha-ha. Hindi no!"sagot ko. Gusto kong ikaw ang maging boyfriend ko. Sabi ko sa isip ko.

"Bakit sabi niya I am your husband. Fiancé na nga eh."

"Psh! Ewan nga dun. Takas nga yata talaga sa mental yun. Hayaan mo na."sagot ko. He just pinched my cheeks at niyakap ko naman siya.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko sila kilala. Ikaw lang ang kilala ko sa buong mundo." I said running my hand through his back.

"Talaga ha. Best friend forever tayo. Walang iwanan." Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at pinagdikit ang aming palad.

"Promise. Best friend forever. Walang iwanan." sagot ko.

Kung sino man kayong mga lalaki kayo, nakakatakot kayo. Feeling ko aatakihin ako sa puso kapag naaalala ko yung sinabi nung lalaki kanina. Nakakapagtaka lang. Hindi na tuloy ako makatulog ngayong gabi.

Terra's Point of View

I took a deep breath. Really deep. Good morning readers. I am Terra Kumiko, twenty-two years old. Ako ang ate ni Saiyah, tumigil ako sa pagpasok sa school kasi kinapos kami sa pera. Hindi kayang pag-aralin ng magulang ko ang dalawa kaya instead na ako ang mag-aral, si saiyah nalang pinag-aral ko kasi mahal ko yan eh. Mas maaasahan pati ang utak niya kesa sakin. Meron akong sasabihin sa inyo, si mesaiyah ay hindi ko tunay na kapatid. Ampon lang siya. Ako lang ang nakakaalam ng katotohanan at ang magulang ko.

FLASHBACK

Thirteen years ago, I was only six years old that time.

Isang araw, nung naglalaro ako sa likod-bahay namin merong babae na kahina-hinala. Lakad siya ng lakad sa may harap ng bahay namin. Meron siyang dalang bata, 2 years na yata ang gulang nito. Tiningnan ko siya at nung makita niya ako iniwan niya yung bata mag-isa sa bahay namin at tumitig siya sakin saying "TAKE CARE OF THIS CHILD, PLEASE." at umalis na. Siguro yung babae na yun ang ina ni saiyah. We are one of the richest family in our community that time kaya iniwan nung babae yung bata samin dahil alam niya may kaya kami sa buhay. Tinawag ko si mama na noon ay nagluluto ng hapunan namin.Tinuro ko sa kanya yung bata at kinuha ni mama ito.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon