Chapter 33 Move On Starts With Acceptance

17.8K 292 2
                                    

Terra's Point of View

Maaga akong umalis sa bahay ni Kerk, nag iwan nalang ako ng note na aalis ako and almost a week na din ang nakakalipas bago ko siya naging boyfriend. Napagdesisyunan kong bisitahin ang kapatid ko sa bahay nila Anhiro, malamang hinihintay na nun ako. Matagal ko na kasing hindi siya nabibisita.

Later on, nakarating na din ako sa malaki nilang bahay. Kamusta na kaya ang kapatid ko? Kumatok ako sa pintuan.

"Sino yan?"

"Kapatid po ni Mesaiyah, bibisitahin ko po siya." Binuksan nang katulong ang pintuan.

"Pasok." Pinapasok na ako ng katulong sa bahay nila. Lunes ngayon at nagbabakasakali akong andito siya, baka kasi nasa school siya eh. Umupo ako sa living room at nagtingin-tingin ng mga pictures na nakadisplay. Hmmm. Sino kaya itong matanda na'to? Lolo kaya ni Anhiro? Siguro.

"ATE?" napatingin ako sa tumawag sakin na ate at ngumiti.

"ATE TERRA! BAKIT NGAYON KA LANG? ALAM MO BANG SOBRANG MISS NA KITA??HAH?" niyakap niya ako na mangiyak-ngiyak.

"Tahan na, andito na ako diba? Tumahan kana.Wala ka bang school ngayon?" tanong ko.

"Meron, binigyan kasi ako ng isang araw ng mga teachers ko para tapusin lahat ng mga activity na namiss ko."

"Ahhh. Si Anhiro?"

"Ewan ko nga ba dun, bigla-bigla nalang umaalis yun eh."

"Ahh." naupo kami sa couch.

"Alam mo ba ate, binigyan niya ako ng cellphone na magagamit."

"Wow,talaga? So,text text na tayo!"

"Yes,ate! Pero ate nung bumisita ako sa bahay natin. Bakit parang wala ka dun? Parang wala 'yung mga gamit mo?" tanong niya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung asan ako.

"Ahmm..ehh..may nabanggit ba sa'yong may malaki pang utang ang mga magulang natin sa isang lalaki?"

"Hah? Utang? Wala naman. Ang alam ko sa tuwing umuutang ang mga magulang natin sa'yo nila sinasabi."

"Oo nga, pero bakit 'yung utang sa kanya hindi ko alam." Bulong ni ate na parang nagtataka.

"May problema ba ate?"

"Ah..wala.wala.wala. wala." Nilapag nung katulong yung juice sa lamesa at agad akong uminom.

"Kamusta ka naman dito?" pagbabago ko ng usapan.

"Ayos lang naman. Buti nga pinayagan ako ni stranger na pumasok pa."

"Ah. Kahit papano pala may puso din siya."

"May puso nga pero ate, haaaay! Ang kulit niya tapos ang yabang tapos ang hilig magbasag ng gamit."

"Ahh. Sinasaktan ka pa ba niya?"

"Hindi naman ate."

"Kung ganun, okay kana dito?" huminga siya ng malalim at biglang lumungkot ang mukha.

"Kapag naaalala ko ang mga memories namin ni bestfriend, naiiyak nalang ako." Niyakap ko siya.

"Okay lang 'yun, makakalimutan mo din siya. Bigyan mo nalang ng chance si Anhiro na ipakilala niya ang sarili niya sa'yo." I said running my hands through her back.

"Sa katunayan ate..kaya niya ako binigyan ng cellphone..regalo niya 'yun sakin sa pagsisimula namin sa pagiging magkaibigan."

"Oh? Eh di mabuti 'yun, chance na 'yun para magkakilala kayo, kalimutan mo nalang si Angelo."

"Hindi 'yun ganun kadali ate."

"Okay,okay,move on starts with acceptance. Alam kong hindi mo pa tanggap ang lahat." hinawakan ko ang magkabila niyang braso at pinaharap sakin.

"Kapag tanggap mo ng wala na ang bestfriend mo, dun mo palang masasabi na move on kana, wag mong pilitin ang sarili mo na magmove on kusa 'yang malilimutan ng utak mo,okay? Isang araw gigising ka nalang na hindi kana umiiyak dahil kay Angelo. Isang araw kapag pinapakinggan mo ang kanta niyong dalawa, mapapangiti ka nalang sa ala-ala niyo." Tumango naman siya at hinalikan ko siya sa noo.

"Tatandaan ko ang sinabi mo ate."

"Sige. Kailangan ko ng umalis agad, may gagawin pa ako." sabi ko at tumayo na para umalis.

"Aalis kana agad? Dito kana muna." malungkot niyang sabi.

"Hindi pwede eh. Magtatrabaho pa ako.. Hahanapin na ako ni boss."

"Boss?" Tanong niya.

"I mean, nagtatrabaho ako sa isang bahay. Pumasok ako bilang katulong, p-pansamantala. Wag kang mag-alala Mesaiyah. Ayos lang ako doon."

"Psh! Basta dalaw ka ulit ha? Baka once in blue moon mo na naman ako dalawin."

"Sige. Dadalawin kita ulit. Promise. Bye! Lil' sis!!" kumaway ako sa kanya at sumakay na siya sa taxi papunta sa bahay ng hilaw kong boyfriend. Haaays. Paano ko ba sasabihin kay Mesaiyah na pinagbabayaran ko ang utang ng mga magulang namin.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon