Chapter 64 Her Secret

13.7K 262 3
                                    

Prince Anhiro Point of View

Nagising ako dahil sa sakit ng katawan na aking nararamdaman. Matagal na akong natutulog sa retarded jerk sht na couch na 'yan. Kung wala lang sanang couch dito sa loob ng kwarto ko e di sana magkatabi kaming natutulog sa kama.

Aish! Diretso akong pumasok sa bathroom habang hinihimas ang likod ko na masakit at nagulat nalang ako ng nasa loob pala si seyah.

"Pasaan ka?" tanong ko habang lumalapit papunta sa sink kung saan andun din siya at nagtataka lang ako kung bakit nakaayos siya. Mukhang may lakad ata ang babae na'to ah!

"Wala ka nang pakialam." sagot niya at umalis na ng wala man lang paalam sakin. Agad akong sumunod sa kanya papuntang labas.

"Hindi ka magpapaalam sakin?"

"Hindi na kailangan. Ang mga tulad mong manggagamit ay hindi na kailangang pagpaalaman pa." Ano bang nakain nito at masungit ngayon? Baka meron lang siyang dalaw ngayon kaya masungit.

"Makikipagdate ka kaya ka nakabihis ng maayos?"

"OO!! MAKIKIPAGDATE AKO KAYA WAG MO AKONG PAKIALAMAN!! KUNG GUSTO MO..M-MAKIPAGDATE KA DIN KAY KOSURI MO!!!!" nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw sakin at umalis na.

Aish! Anong bang problema nito? Bahala ka sa buhay mo! Makipagdate ka kung gusto mo! 'Yan naman ang gusto mo eh. Maghanap ka ng kailangan mo! Alam ko namang hindi mo ako kailangan!

Tama na nga. Masyado ka ng nagdadrama Anhiro, mamahalin ka din niya. Malalaman din niya sa sarili niyang mahal ka niya. Lumakad nalang ako pabalik ng aking kwarto.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa study table saglit kong tiningnan ang drawer ng studay table ko at nakita ko ang cellphone na binigay ko sa kanya. Ang babae talaga na 'yan! Ano bang silbi ng cellphone na'to sa kanya? Basura lang ba ito sa kanya?

Itatapon ko na sana ang cellphone na binigay ko sa kanya ng makita ko ang wallpaper nito. Pinagmasdan ko ng mabuti ang picture niya na nakalagay dito. May pagkahawig talaga siya kay ate Anthea. Mala brown na kulay ng kanyang mata, chinita, matangos na ilong, mahahabang pilik-mata, macheekbone na pisngi, mapupulang labi, mala anghel ang kanyang mukha. Hindi ko alam pero kung ano-ano pa ang tiningnan ko sa kanyang cellphone.

Pumunta ako sa gallery at nakita ko ang iba pa niyang picture. karamihan ang picture niya ay nasa mataas siya na lugar, kung saan makikita mo ang buong bayan. Nag click ako ng isang picture niya at tiningnan ang details. Ito ang favorite place namin ng bestfriend ko. Favorite place nila ng bestfriend niya? Saan ito?

Sa haba ng taon na sinusundan ko siya. Hindi ko ito alam. Kailangan kong malaman kung saan ang lugar na 'yan. Tiningnan ko naman ang cellphone ko na nakalimutan ko, may nagtext pala.

KOSURI: Pwede ba tayong lumabas ngayon?

Hindi ko nalang siya nireplayan at hinanap ko ang number ni razec at tinawagan siya.

Sa gilid ng mga mata

Tinitingnan kita

Kahit saglit lang

Matanaw ang yung mukha

Nakakainis ka kahit walang ginagawa

Para akong natunaw

Please naman wag ka sanang manukso

Natutuwa lang ako sa katulad mo.

Ano bang klaseng ringback yan? Ang baduy!

"Yes? Prince? Kailangan mo ng tulong?" he said in the other line.

"Hanapin mo ang favorite place ni seyah."

"Hah?! San ko hahanapi-----" Totoot. Totoot. Pinatay ko na agad dahil marami pa 'yang itatanong sakin..

Humiga ako sa kama habang nakangiting tinitingnan ang mga picture niya. Kinuha ko 'yung cellphone ko at naisipang ipasa sa kanya ang picture ko at 'yun nalang ang ginawa kong wallpaper sa cellphone niya samantalang picture naman niya ang wallpaper ng cellphone ko. Pinagdikit ko ang cellphone namin.

"Mamahalin mo din akong babae ka!" Kung ano-ano pa ang pinagtitingnan ko sa cellphone niya pati phonebook niya at nagulat nalang ako ng makita ko kung ano ang pangalan ko sa phonebook niya.

"Ugly duckling." Ugly duckling? Parehas sila ng tawag sakin ni ate. Ugly duckling. Aish! Pinalitan ko nalang ito ng Prince. Sunod ko naman na tiningnan ay ang notes niya.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing lumalapit siya sakin biglang bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing sinasabihan niya akong mahal kita, hindi ako makapagsalita. Ano bang ibig sabihin ng nararamdaman ko?

I pressed the home botton and turn off her cellphone. Agad ko itong ibinalik sa drawer kung saan ito nakalagay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa aking nabasa. Anong ibig sabihin ng mga nabasa ko? Ako ba ang tinutukoy niya? Hindi ko alam pero grabeng laki ng ngiti ang nasa mukha ko ngayon.

Kung pwede lang magpaparty ako, nagawa ko na. Sht! Ang bakla mo Anhiro. Tumigil ka nga. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama at tanging ceiling lang ng aking kwarto ang nakakakitang masaya ako ngayon. She didn't know how grateful I am today after reading her secret. Tumayo na ako at dumiretso sa kusina para kumain.

"Prince, sino pong nginingitian mo?" natauhan ako sa pagtanong sakin ni manang.

"Wala. Andito na ba si seyah?!"

"Wala pa po." Antagal naman umuwi ng babae na 'yan. Masyado na yatang inenjoy ang perang binigay ko sa kanya. I mean pinabigay ko kay Denstah. Baka naman talaga nakipagdate siya? Nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa, kinuha ko ito at tiningnan ang nagtext.

KOSURI: Pwede ka bang pumunta sa hotel ko ngayon? I can't cook because I accidentally hurt my finger. I'll wait you here.

Agad kong kinuha ang aking motor at mabilis na pinatakbo ito papunta sa hotel ni kosuri. Kapag alam kong nasasaktan siya parang katulad pa rin dati na nasasaktan din ako.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon