Chapter 81 Stay with him or leave?

14.6K 274 14
                                    

Mesaiyah's point of view

Umayos ako ng upo. Medyo nahihihilo pa ako. Shet! Ano bang nangyari? Nakainom ba ako? Pumasok sa loob ng kotse si Angelo. Naalala ko na. Tinabunan nung lalaki ang aking ilong ko tas nawalan na ako ng malay. Tiningnan niya ako sa rearview mirror at ngumiti.

"Pano mo nagawang kidnapin ako?" Tanong ko.

"This is for the sake of your protection Mesaiyah. I'm sorry." Sagot niya.

"Ano bang gusto mo?"

"Kaligtasan mo lang ang gusto ko." Sagot niya. Natahimik ako sa sinabi niya.

"Sana mapatawad mo ako sa mga pantataboy na ginawa ko sayo dati. Pinagsisisihan ko ang lahat ng 'yun." Hindi ako umimik.

"Patawad kung hindi kita ipinaglaban." Dagdag niya.

"Bakit ngayon pa?" Sabi ko. Nasa driver's seat siya at nakahawak sa manibela. Napatingin siya sakin.

"Huli na ba ako?"

"It's too late. Bakit ngayon ka lang dumating, kung kailan..."

"Mahal mo na siya." Dugtong niya sa sinasabi ko.

"Minahal kita Mesaiyah." Sa labas ng kotse lamang ako nakatingin. Ayaw ko siyang tingnan, maiiyak lang ako. Parang wala kaming pinagsamahan sa sitwasyon namin ngayon.

"Minahal din naman kita. My love for you is deep as the ocean pero ngayon, naglaho na siya katulad ng mga ala-ala natin."

Katahimikan.

"I must say the truth to you." Lumabas ulit siya ng kotse at lumabas din ako. Late night na at ang lamig sa labas lalo na kapag sumisimoy ang hangin kaya napayakap ako sa aking braso. Nakasandal siya sa kotse.

"Ang dahilan kung bakit kita iniwan ay..." ano bang sasabihin niya?

"P-pinagbantaan ako at ng pamilya ko ni Anhiro." Ngayon ay nakatingin na ako sa kanya.

"Kapag hindi ako lumayo sa'yo, papatayin niya ang mga magulang ko. I can't choose you between my parents." Humarap siya sakin.

"Now, tell me. Sasama ka pa rin ba sa mamamatay tao na 'yun?" Tanong niya.

"Meron na siyang fiance." dagdag niya. Kilala niya si kosuri?

"Ginawa ka lang niyang panakip-butas. Ginugulo mo lang ang relasyon nilang dalawa Mesaiyah." Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Matagal ko na itong alam pero bakit parang mas masakit na mismong bestfriend mo ang nagsasabi ng ganyan. Bestfriend ko pa ba talaga siya o kaaway na?

"Gusto ko ng umuwi." Sagot ko.

"Pumasok kana sa loob. Ihahatid na kita." Sumasakit ang lalamunan ko sa kakatiis ng pagbagsak ng luha. Dapat maging masaya na ako dahil bumalik na ang bestfriend ko pero hindi ako masaya sa nangyayari ngayon.

Pinaandar niya ang kotse. Hindi man lang siya nagtanong kung saan ako nakatira. Baka alam niya ang bahay ni Anhiro. Para akong ginuyumos na papel ngayon, hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Should I listen to my heart or should I ignore what my mind is saying? Ngayon alam ko na ang tunay na dahilan kung bakit iniwan ako ni Angelo. Masamang tao si Anhiro diba? Pero bakit hindi ko magawang magalit? There's a battle between my heart and mind. Gusto kong magalit pero pinipigilan ng puso ko. Siya pa rin ang pinipili nito.

Sa lalim ng iniisip ko, nagising ako sa katotohanan. Nasa kabihasnan na kami. Maraming sasakyan, maraming tao, maraming ilaw at naririnig ko ang pagdaan ng eroplano mula sa itaas. Binuksan niya ang pintuan ng backseat. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa loob ng airport. Anong ginagawa ko dito? Sumusunod lang ako sa daloy ng pangyayari. Hindi ko magawang tumigil at tanungin siya sa mga nangyayari. Stack ang sarili ko ngayon.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon