Chapter 21 His crazy Handsome Friends

22.4K 391 4
                                    

Natapos na ang klase at break time na namin. Niligpit ko na ang libro at notebook ko at nilagay sa ilalim ng desk. Sasakbitin ko na sana yung bag ko ng marinig ko ang mga nagsisigawan na babae. Itinuloy ko na ang pagsakbit ng bag ko at lumabas na ng room ng tumambad sakin ang lalaki na nakalean sa pader with hands in his pocket habang nakikipagtawanan sa mga babae na nasa harap niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na papunta sa cafeteria. Hindi ko na naririnig ang mga sigawan nila pero naramdaman ko naman ang pagtabi niya sakin na dahilan kung bakit naging masama ang tingin ng mga babae sakin.

Anytime they want pwede na akong mamatay sa tingin nila.

Tinabon ko nalang ang kamay ko sa aking mukha, kung kutsilyo lang ang tingin nila malamang kanina pa ako patay.

"L-lumayo ka nga sakin. H-hindi kita kilala!" maang-maangan ko para naman kahit papaano maging maayos na ang tingin nila sakin.

"Ha? Ano bang sinasabi mong hindi kita kilala?" tanong niya.

"Psh! Sino ka? Stalker ba kita ha?" Nag ingayan naman yung mga nasa paligid namin.

"Stalker niya? Buti pa siya may stalker." sambit ng isang babae at tumango lang ako.

"Ako lang naman ang asa-------tgkmtgj." bigla kong tinabunan ang bibig niya.

"W-wag mo ngang sabihin yan."

"Hindi mo kasi ako kilala kaya ipaaalala ko sayo."

"Tsss!" dumiretso na ako sa cafeteria at kumuha na ng pagkain at umupo na sa may vacant table. Bigla namang may apat na lalaking umupo sa harap ko. Umiwas lang ako sa kanila at humarap sa kabilang side pero humarap pa rin sila sakin.Ang kulit!

"Ano bang kailangan niyo? Ha?" naiinis na tanong ko.

"Aalis din agad kami. I just want to introduce my friends to you." sagot ni stranger.

"Dalian mo hangga't buhay pa ako, mamaya maghanda na kayo ng ambulansya. Magtatransform into knife na ang mga tingin ng mga estudyante sakin." Ipinakilala na niya sakin yung mga kaibigan niya from his left to right.

"Si kerk, Razec and Denstah." He said. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.

"Nice to meet you." they said in chorus at nilahad ang kamay nila sakin.Tig iisang tinapik naman ito ni stranger husband.

"Tama na ang napakilala ko kayo sa kanya."

"Akala mo naman aagawin. Asawa mo na kaya siya." Sabi ni Kerk.

O______O! Ang madaldal na kerk. Lahat napatingin yung mga tao samin.

"Uhh..asawa ni..uhh..asawa ni uhh si uhh..yun na yun! Hahaha." palusot niya sabay kindat sa mga babae at nagtilian naman sila.

"May pakindat-kindat ka pang nalalaman...kapag nalaman yan ng girlfriend mo, patay ka dun!" sabat ni Razec daw ba 'yun, 'yung katabi ni Kerk at yung isa ay si Denstah.

"Psh! Wala naman yun pakialam sakin. Hayaan mo na." Paaak! binatukan siya ni stranger.

"ouch! Bakit ba?" sabi ni kerk habang hinihimas ang batok niya.

"Sino nga ba ang girlfriend mo Kerk? Kung ako sa girlfriend mo, magseselos talaga ako." singit ko sabay inom ng cola. Napatingin si kerk kay stranger. =_______=" Anong itsura ni kerk?

"Uhmm..ahhh.."Bigla niyang kinuha yung pizza na kinakain ko kahit na may pagkain pa siya. Anong problema ng mga 'to?

"Si Terra ang girlfriend niya." sagot ni stranger at nabulunan ako sa aking kinakain.

"Si ate? Si ate Terra?" tanong ko.

"ARAY!?" nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ni stranger.

"Gusto mo mamatay? Ha?" Hindi nalang siya pinansin ni kerk.

"Ahh..hindi..hindi si ate mo yun..ahh..kapangalan niya lang."

"Akala ko si ate Terra na." sagot ko sabay bigay ng tray ko sa kanya.

Wala ng laman eh, siya na ang nakaubos. Paaak! Binatukan ulit ni stranger si kerk. Hindi naman siya mahilig mamatok eh no?

"Inubos mo na yung pagkain niya. Sa kanya kaya yan, antakaw mo." Sabi ni stranger.

"Ahh..ehh..oo nga hahaha I bet that's mine." Sagot ni Kerk na kumakamot sa ulo.

"Gago ka kerk!" singit naman ni Razec.

"Gago ka din!" sagot niya.

"Mas gago ka!" –Razec

"Hari ka ng gago!" –kerk

"Gusto niyo mamatay?" sabat ni stranger.

"Tatahimik na nga." sabi nilang dalawa. Nahiya naman kaming tatlo sa ingay nilang dalawa.

"Nahiya naman kami sa inyo." nabasa yata ni Denstah ang iniisip ko. Tumayo na ako dahil magtatime na rin para sa next class ko. Napatayo din silang apat.

"Saan ka pupunta?" tanong ni stranger.

"Obvious ba? Eh di sa room.Wag na wag niyo akong susundan." sagot ko.

"Teka?" sabi ni stranger at napaharap ako sa kanila.

"Uhmm. Kapag may kailangan ka tapos wala ako..lumapit ka lang sa tatlong ugok na'to..tutulungan ka nila." he said but I just rolled my eyes and turn my back at them. Ibang klase din ang mga kaibigan niya. Hindi mo ba alam kung malakas ang sapak sa utak o talagang ganun lang silang magkakaibigan.

"Gago ka talaga kerk!"

"Gago ka din Razec!"

"Gago kayong dalawa!" si denstah 'yun.

"Papatayin ko na kayo!" alam kong si stranger 'yan

-____________- Haaaays.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon