Chapter 79 Makakagraduate Siya

14.2K 295 21
                                    

Mesaiyah's Point of View

Baliw talaga 'yung lalaki na yun! Ang yabang niya, bwisit! Kainis! Akbayan ba naman ako sa harap ng maraming tao, well. Makapagreact naman ako wagas, nangyari na 'yan kasi dati, 'yung maghapong hawak niya kamay ko >.< saklap diba? Pero wag ka't kinikilig. Hahaha! Ayoko ng all out, ayoko din yung nagtetrending, ayoko ng stand out , gusto ko 'yung tipong tahimik lang, simple pero masaya 'yun ang gusto ko na relasyon. Relasyon nga ba ang tamang term?

Sa cafeteria nalang ako nagpunta at doon nagpalipas ng inis.

Maraming estudyante ngayon dito, magbabakasyon na kaya't ang mga kwentuhan nila ay kung saan at ano ang gagawin nila sa bakasyon. Hinga ng malalim! Naalala ko pa si Angelo. First time kong magbabakasyon na hindi kasama siya. Dati laging sa favorite place namin kami pumupunta, minsan nagpipicnic kami doon, minsan naglalaro lang dun pero ganun pa man, tanggap ko ang katotohanan na hindi na mauulit 'yun.

Biglang namang pumasok sa isip ko si Maysel. Naku! Malamang, hinahanap ako ng babae na 'yun. Hindi nya siguro kasama si razec kaya ako ang hinahanap. Tatayo na sana ako para hanapin siya tutal wala din naman akong magawa nang biglang may humarang sa aking daan.

Si Dianne. Naaalala niyo pa ba ang babae na 'yan? Siya ang valedictorian namin. Siya rin yung nanakit sakin nung nagdaang araw, yung halos bumaon na ang kuko niya sa braso ko sa sobrang higpit ng hawak niya sakin. Ano naman kaya gagawin nito. Nakataas ang kilay at naka cross arms pa sa harap ko kasama ang mga kaibigan niya.

"LBM! Meaning Loser, Bitch at Mang-aagaw." mataray na sabi niya. Ano na naman kayang kasamaan ang gagawin nito kasama ang mga kaibigan niya? May dala pang basket na puno ng itlog at kamatis, isama mo pa ang arina. Magluluto lang? Kailan pa siya nagkainteres sa pagluluto.

"Bakit kaya may nakalusot na dito na babaeng may asawa na pala." dagdag niya na ikinakaba ng dibdib ko. Jusko! Alam na kaya nilang may asawa ako? Patay! Hindi ako makakagraduate. Pakshet naman oh! Bakit ngayon pa.

"Alam na ng lahat na may tinatago kang baho. Nasa ilalim ang kulo mo bitch." hindi lang 'yan, alam ko may mas masasakit pang salita siyang sasabihin sakin. Bahala na nga kung anong mangyari. Kung bugbugin at saabunutan nila ako then go. Wala na akong paki.

"Alam na ng principal na may asawa kana. Ang malas mo naman! Nakakaawa ka! Hindi ka makakagraduate."

"May masama ba ako na nagawa sa inyo?" tanong ko.

"Wala naman. May nag-utos lang." Nag-utos? Sino?

"Ang nag-utos sa inyo ang nagsabi din na may a-asawa na ako?" tanong ko ulit.

"Yes. You're right!" sagot ni Dianne.

"Guys! Lumapit kayo sakin!" tinawag niya ang iba pang estudyante sa cafeteria at nagsilapitan naman ang mga ito. Nakatungo lang ako at maya-maya'y biglang binato ako ng kamatis at kung ano-ano pang dala nila.

"Hindi kami papayag na gumraduate ka" -student 1

"Ang sabi sa rules and regulations ng school ay hindi pwedeng mag-aral dito ang may asawa na." -student 2

"Mahiya ka naman sa sarili mo. Malandi na higad." -student 3

"Bitch." makakaya ko ang sasabihin nila. Makakaya ko, mapapagod din sila kaya wag ka nalang lumaban basta kayanin mo nalang. Itagaos mo lang ang sinasabi nila sa tenga mo. Kaya mong iresist 'yan.

"May asawa na pala pero nag-aaral pa rin dito!"

"Napakaunfair mo!"

"Bitch!" Nagulat ako sa humawak ng kamay ko at inilayo ako sa mga taong bumabato sakin.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon