Chapter 22 Forgotten Memories

21.5K 395 2
                                    

                Uwian na namin ngayon at naglalakad ako papunta sa bahay ni mama at papa. Gusto ko lang sila bisitahin sandali, gusto kong tingnan ang ginagawa nila, kung kamusta na ba ang buhay nila sa perang ipinagbenta nila sakin, kung nakakakain ba sila ng maayos o hindi. Gusto kong tingnan kung masaya sila o hindi pero kahit ganun, kailangan kong tanggapin na kahit wala ako sa kanila, masaya sila dahil sa pera.

Sa kabila ng lahat,may utang na loob pa rin ako sa kanila kasi sila ang kumopkup at nag-alaga sa akin kaya gusto kong magpasalamat sa kanila kahit sa maliit na paraan lang. Kakamustahin ko na din si ate Terra, baka nasa bahay pa siya.

Nasa tapat na ako ng dati naming bahay.Wala akong naririnig na maingay, wala din akong nakikitang tao kaya alam kong wala si mama at papa. Pumasok ako sa loob ng bahay namin. Bawat sulok na madadaanan ko ay hinihipo ko at dinadamdam ang amoy ng bahay nato. Sobrang miss ko na ito. Haaaays.

Sunod ko na pinuntahan ang kwarto namin dati ni ate subalit pagpasok ko ay mahawan pa rin. Hindi umuwi si ate? I told to myself. Ang ayos ng kwarto namin ay ganun pa din sa ayos ng umalis kami ni ate dito.

Pumunta ako sa drawer ko kung saan andito pa din ang memoirs ko at ng bestfriend ko.Tinaktak ko lahat ito sa kama at isa isang pinangtingnan. Kinuha ko ang bracelet na binigay niya sakin nung nag foundation day kami.This bracelet haaaays! A fresh memory. Ang sarap lang isipin.

FLASHBACK

"Bili na kayo! bili, bili na! Bili na kayo ng bracelet! Free name pa! Tig 10 lang ito kaya bumili na kayo! bili na!" Katatapos lang namin manuod ng twilight breaking dawn part 2 galing sa movie booth ng mapadaan kami sa nagtitinda ng bracelet.

"Tara dito tayo!" yaya niya at hinigit ako sa nagtitinda.

"Ano po sa inyo ma'am? Sir? Bili na po ten pesos lang! Free name po, pwedeng couple bracelet, single o pwede din para sa crush mo."

"Ahmm. Couple bracelet ang samin." Sabi ni Angelo.

"Anong gusto niyo pong kulay?"

"Ikaw? Anong gusto mo?" tanong niya sakin.

"Violet nalang po." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Kumuha yung tindera ng couple bracelet na violet.

"Ano pong pangalan mo sir?"

"Mark Angelo." at sinulat na nung babae ang pangalan ni angelo sa isang bracelet.

"Kayo po ma'am?"

"Mesaiyah ang pangalan ko." at sinulat na nung tindera ang pangalan ko sa isa pang bracelet.

"Bagay na bagay po ang pangalan niyong dalawa. Magkasintahan kayo? Ayy, obvious naman diba?Hahaha."

"Magbestfriend lang po kami. Hindi magkasintahan." sabi ko at tumingin kay Angelo pero ngumiti lang siya sakin.

"Ha? Ganun ba? Akala ko kasi magkasintahan kayo. Sorry ha."

"Okay lang po 'yun, eto po ang bayad." inabot na ni angelo ang bayad at binigay na samin ang bracelet.

"Akin 'yang pangalan mo." sabi niya at kinuha ang bracelet na may pangalan ko. Kaya ngayon, ang nasa akin na bracelet ay may pangalan niya.

END OF FLASHBACK

Agad kong pinunasan ang luha ko at agad ding niligpit ang mga memoirs namin at nilagay sa bag ko. Nararamdaman ko kasing may paparating, malamang si papa at mama yun. Agad akong lumabas sa kwarto at sa backdoor nalang dumaan para hindi nila ako makita. Tumago ako sa may pader at tiningnan ang dumating.

Wala pa ding pinagbago si papa. Naglalasing pa rin siya tapos si mama naman wala kaya malamang nasa casino yun. Akala ko magbabago na sila, ipinagbenta na nga nila ako tapos hindi pa rin sila nagbabago.

Akala ko kapag pinagbenta na nila ako, magbabago na sila pero akala ko lang yun, umasa akong magbabagong buhay na sila. Hindi pala. I turned my back and started to walk leaving that house. Naalala kong susunduin nga pala ako ni stranger, eh sa nalimutan ko. Ang problema nga lang hindi ko alam ang papunta sa kanila, wala din naman akong cellphone para itext siya.

Halos papalubog na ang araw ng makaalis ako sa dati naming bahay. Napagpasyahan kong bumalik sa school na nagbabakasakaling andun pa naghihintay si stranger.

On the way na ako sa paglalakad sa school ng may humarang na limang lalaki sakin. Hindi ito 'yung mga kaibigan ni stranger. Hindi ko lang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad pero biglang may humipo ng buhok ko dahilan para mapatigil ako at humarap sa kanya kaya napapalibutan na ako ngayon ng mga lalaki.

"L-lumayo ka sakin." nanginginig ko na sabi. Ayoko pa naman ng ganito. May phobia ako sa ganitong mga nangyayari. Balot na ng pawis ang kamay ko na nilalamig at nanginginig. K-kailangan ko ng tulong. Nahihirapan akong huminga.

"Miss..ngayon lang, sumama kana samin." wika ng isang lalaki.

"A-ayokong s-sumama sa inyo." naiiyak na ako. Kailangan ko ng tulong.

Hahawakan na naman sana nung lalaki ang buhok ng biglang may dumating na nakamotor. Agad siyang bumaba at hinigit ako papalayo sa mga ito.

Itinabi niya ako at siya ang nakipaglaban sa mga lalaki. Nanginginig ang buong katawan ko at pinagpapawisan ng malamig. Ayokong makakita ng mga nag aaway kaya napaiyak nalang ako sa takot. Lumapit siya sakin ng matapos na siyang makipaglaban sa mga lalaking humarang sakin kanina.

"Okay ka lang ba?" tanong niya pero hindi ako makapagsalita dahil naglalapat ang ngipin ko sa takot. Inalalayan niya akong sumakay sa motor at wala nalang akong nagawa kundi kumapit ng mahigpit sa kanyang bewang. Nang makarating na kami sa bahay, binuhat niya ako at agad na dinala sa kwarto niya.

"Ano pong nangyari sir?"

"Manang, kumuha ka ng towel na may malamig na tubig."

"Opo." Ibinaba niya ako sa kama at pinunasan ang noo ko ng malamig na tubig.

"Wag ka ng matakot andito lang ako." sabi niya kaya't napaiyak nalang ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayong gabi.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon