Chapter 87 She Is Missing

13.9K 247 7
                                    

Sampung tao ang nakaharap sa matanda, pantay na nakahilera at may tig-iisang dalang baril at ang bawat laman na bala nito ay may labing-lima. Ito ang pagsubok na kailangang lagpasan ni mesaiyah, kailangan niyang makailag sa bawat bala na pakakawalan ng mga tauhan ng matanda. Nakakabingi ang katahimikan, andoon din sina Razec, Denstah, Kerk at Anthea, kabilang sila sa mga taong nakahilera, kabilang sila sa mga taong pahihirapan si Mesaiyah samantalang si Anhiro, nakatungo lang na tanging patak ng kanyang luha sa lupa ang naririnig, mahigpit niyang hawak ang kwintas na ibinigay niya kay mesaiyah, mahigpit na nakatikom ang kanyang kamay, nagagalit ang mga kamao niya na para bang gusto niyang manapok. Ito na ang araw na kailangang patunayan ni Mesaiyah ang kanyang sarili sa harap ng lolo ni Anhiro subalit...darating kaya siya?

Kagabi, walang tigil pa rin siya sa pagtakbo hanggang sa may makita siyang van. Napansin niya itong sasakyan na papaalis noong siya ay papasok ng hospital at naisip niyang baka dito nila isinakay si Mesaiyah, pinupok-pok niya ang bintana ng van, nilibot niya ito at may nakita siyang umiilaw. Kumuha siya ng bato para mabasag ang bintana at nang mabasag niya ito, cellphone ni Mesaiyah ang kanyang nakita. Kinuha niya ito at agad siyang nagtatakbo papunta sa lugar kung saan malapit na nakapark ang sasakyan.

Nakita niya ang abandunadong bahay, sinipa niya ang pintuan para mabuksan ito subalit wala siyang nakitang Mesaiyah, nilibot niya ito subalit walang palatandaan na andito si Mesaiyah. Pinunasan niya ng kamay ang pisngi dahil sa kanina pang tumutulo na luha, napaupo siya sa maliit na upuan at sa itsura nito'y marupok na. Isinandal niya ang ulo sa pader habang inuuntog-untog ito at nang tumingin siya sa lupa, nakita niya ang kwintas na ibinigay niya kay Mesaiyah.

His heart torn into million pieces when he saw the necklace he gave to her. Andito nga si Mesaiyah, pero bakit wala siyang maramdamang presensya nito? Muli ay nilibot niya ang abandunadong bahay at nagbabaka sakaling baka andito ang asawa pero bigo pa rin siyang makita ito.

Hindi niya alam kung nasaan si Mesaiyah, nasa kanya ang cellphone nito kaya hindi niya malocate kung nasaang lugar ito samantalang simula nung tumawag ang lalaki ay hindi na muli itong tumawag sa kanya. Ano kayang nangyari kay Mesaiyah? Pinagsamantalahan kaya ito ng mga lalaki at pinatay?

Kaya ngayon, hindi niya magawang tingnan sa mata ang kanyang lolo. Siya mismo ay hindi niya alam kung darating pa ito, limang oras na silang lahat naghihintay kaya ang matanda ay naiinip na dahil ni anino ni mesaiyah ay wala silang nakikita.

"Hindi niya kayang mamatay para sa'yo." sambit ng matanda habang tumatayo mula sa kanyang kinauupuan. Tumalikod na ito kay Anhiro.

"Next month. Ikakasal na kayo ni Kosuri, you deserve her not that poor girl. She can't even die for you Anhiro, don't be too stupid, iba ang kilala kong Anhiro. Hindi nagpapakatanga sa babae." damn! All he can say in his mind. Nagagalit siya sa sinabi ng lolo, gusto niya itong sapakin dahil sa sinabi.

"Be ready. We will go back to Japan immediately." Dagdag pa nito at tuluyan ng umalis. Ang galit na naiipon sa kanyang dibdib ay gusto ng lumabas kaya hinigit niya ang isang tauhan at sinapak ito. Sunod-sunod niya itong sinapak kahit umabot na sa puntong duguan na rin ang kanyang kamay.

"Lumaban ka!! Puta!! Duwag!!" Hinayaan lang siya ni Anthea at ng mga kaibigan niya. Alam ng mga ito na gusto niya lang ilabas ang kanyang galit.

"Sapakin mo ako duwag." Dagdag ni Anhiro subalit hindi magawa ng tauhan dahil natatakot siya. Tumingin muna ang tauhan kay Anthea, patnubay kung susundin ang sinabi ng kanyang prinsipe at hinayaan niya lang ito na saktan ang kanyang kapatid.

Putok na ang kanyang labi, may dugo na lumalabas sa kanyang bibig, may mga pasa siya sa pisngi at putok na rin ang kanyang kilay. Ipinatigil na ni Anthea ang ginagawa ng tauhan, lumapit siya sa kapatid at niyakap habang nakalumpasay ito sa lupa. Mas masakit pa ang nararanasan niya ngayon kesa nung makita niyang niloloko siya ni Kosuri, sobrang sakit ng nararamdaman niya. Parang paulit-ulit na binabayo ang kanyang dibdib samantalang pati ang kaibigan niya ay umiiyak na din.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon