Chapter 18 One Year Contract With Kerk

23.2K 384 4
                                    

Terra Point of View

"B-bakit antagal naman yata nun?" reklamo ko.

"Pwede bang 5 months nalang?" dagdag ko pa.

"Ahh. Uhmm. Kapag 5 months..uhh..5 million palang ang nababayaran mo sakin kaya you better complete that one year para complete pay na yung debt ng parents mo sakin." haba ng explanation niya ha.
Pero tama siya na kailangan kompletuhin ko ang one year para complete pay na.

"Ahhhh."

"DEAL?" tanong niya.

"Ahmm..uhh..deal."I answer at bigla naman siyang umakbay sakin sabay thumbs up ng mga kaibigan niya at agad ko na inalis ang braso niya sa balikat ko.

"Girlfriend mo lang ako..that word girlfriend lang so walang hawak kamay, walang akbay, walang halik."

"Diba 'yun naman talaga ang ginagawa ng mag girlfriend at boyfriend?" he demanded.

"Hayaan mo na nga Kerk." singit naman ni Denstah at natameme lang siya.

"Tara dalhin na kita sa bahay."

"S-sa bahay? m-mo?" tanong ko at tumango siya.

"Diba bukod sa magiging girlfriend kita pagsisilbihan mo ako sa bahay." Ayy. Oo nga pala at dahil sa ayaw ko din namang umuwi sa bahay at ayaw ko pang makita ang pagmumukha ng mga magulang ko na gahaman sa pera at hindi ko pa din sila napapatawad sa ginawa nila sa kapatid ko at ngayon ako naman. Babayaran ko ang utang nila na wala silang kahirap-hirap kaya I end up like a dog na susunod sa kanya na kung ano man ang iutos niya sakin na kahit ayaw kong sumunod pero kailangan kasi siya ang amo ko. Sumakay na ako sa motor niya na mukhang mamahalin na kulay blue na katulad din sa kasamahan niya.

"Kita nalang tayo Razec at Denstah sa alam niyo na! Paaaw!" sabi niya na kunwari bumaril sa dalawa gamit ang kamay niya at inistart niya na yung motor. Sinuot naman niya sakin yung isa pa niyang helmet na halos mahalikan na ako sa pagsuot niya nito and I can feel his breath in my face.

*Broom..Brooom* at nang umandar na..OHMYGOD? Kukunin na yata ako ni lord. Shiz. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa kanyang balikat ng bigla siyang napatigil.

"Dito ka sa bewang ko humawak." at nilagay niya ang dalawa kong kamay sa bewang niya at pinatakbo niya na ulit ito ng mabilis.

"HOYY! B-BAGALAN MO NGA! M-MAMATAY NA AKO GANYAN PA RIN ANG PATAKBO M-MO!" nanginginig kong sigaw at binagalan niya nga pero mas mabagal pa sa pagong ang takbo. Nang-aasar lang.

"Bakit ang bagal?"

"Sabi mo bagalan diba? Kaya binagalan ko." sagot niya. Nang aasar talaga.

"Maglalakad na nga lang ako." bababa na sana ako sa motor niya ng bigla niyang patakbuhin ulit ng mabilis kaya napahawak ako ng mahigpit sa bewang niya. Highway to hell. Naiisip ko 'yung nangyayari sa final destination. Shiz. Nanlalamig ang kamay ko kaya napapikit nalang ako at maya-maya tumigil na kami sa isang bahay na napupuno ng kulay asul. Pangarap ko pa naman namin ng kapatid ko ang makasakay sa motor ng mahal namin pero wala na..sira na..sinira na niya yung pangarap ko. Ayos lang naman yung bahay niya.Wala masyadong kapit-bahay, nasa gitna na yata ito ng gubat.

"Nakakatakot naman dito.W-wala bang multo dito puro puno ang paligid."

"Merong multo dito."

"Huh? Saan?" tanong ko at hinahanap kung asan ang multo

"Katabi ko ang multo."

Psh! >________<

"Hehehe wala.Walang multo dito, aswang lang."

Nananakot pa. Hindi naman ako takot sa multo at sa kung ano ano pa basta may kasama lang ako. Pumasok na kami sa bahay niya, kung puro black ang nakikita ko sa bahay nila Anhiro, dito naman puro blue ang nakikita ko. Ang tahimik naman.Wala akong ibang naririnig.

"AAAHHHHHHHHHHH!!!"

Echo...
Echo...
Echo...

"Bakit ka sumigaw?" tanong niya habang nakatakip ang kamay niya sa kanyang tenga.

Uhh. Ang tahimik kasi. Wala ang mga magulang mo? Kapatid?"

"Nasa Japan sila."

"Ahh." yun nalang ang nasabi ko. Ayoko ng magtanong ng iba pa sa kanya. O__________O Teka? So ibig sabihin kaming dalawa lang dito? Tiningnan ko siya at ang laki ng ngiti niya.

"Kahit rapin kita, kahit magsisigaw ka, walang makakarinig dito sa'yo."
Nakakaloko niyang sabi.

"W-wag na wag mong gagawin yun..sakin. M-marunong akong magtaekwando..bubulbugin kita." Napatawa naman siya sa sinabi ko.

"Psh! As if naman gagawin ko yun sayo, takot ko lang sa asawa ng kapatid mo." at umakyat na siya sa taas. Two storey house ito kaya ayun para sakin malaki na ang bahay niya. Malaki ang bahay niya ng doble samin.

"Teka! Ayusin mo ang bathtub, maliligo ako." pahabol niyang sabi.

"OPO!" sagot ko.

"Teka! Kailangan may tawagan tayo..uhhhmm..BOSS! Itawag mo sakin BOSS!" nag eecho ang boses niya sa loob ng kanyang bahay.

"Y-YES! B-BOSS!" nagthumbs up siya sakin. Pumunta na ako sa bathroom niya. Hindi mali, hindi ko alam kung asan ang bathroom niya dito, saan nga ba? Nakalimutan niyang ituro sakin.

"BABE!NAKALIMUTAN KO!!DIRETSUHIN MO LANG YAN BABE THEN FACE LEFT AND THEN DUN NA ANG BATHROOM BABE!! I LOVE YOU BABE!!" -__________- kailangan ulit ulitin ang salitang babe? at may i love you pa. Psh! Habang papunta ako sa bathroom. May dala nga pala ako. Asan ang mga gamit ko?

"KEEEEERK!" I gave my best to shout, wala naman makakarinig eh. Hindi pa rin siya lumalabas sa sigaw ko.

"KEEEERKK!!!!" at last lumabas na din siya.

"Sino si Kerk babe?" Huh? Hindi Kerk ang pangalan niya?

"Huh? Ikaw, ikaw si Kerk."

"Huh? Wala akong kilalang Kerk?" sagot niya.

"Ha? Hindi ba? E ano ang pangalan mo?" tanong ko.

"Boss! Boss lang ang kilala ko." Shiz naman. Ayaw niyang tawagin siya sa pangalan, gusto niyang tawagin ko siya sa term of endearment. Psh! Arte din niya e no?

"Uhh. Boss! Asan yung mga gamit ko?" tanong ko. Napakamot siya sa ulo.

"Babalikan ko nalang bukas."

"BUKAS? Bakit bukas pa?"

"Eh kasi gabi na, ayaw kitang iwan mag-isa dito para kunin ang mga gamit mo kaya tomorrow nalang okay?"

"Pero wala akong susuotin?" I demanded.

"Problema ba yun babe? May damit naman ako dito?"

"Psh! Ayokong suotin ang damit mo, okay lang ako dito. Kunin mo na ang gamit ko."

"S-sige na nga, basta pagbalik ko ready na ang bathtub at pang dinner natin."

"Yes boss!" at umalis na siya. Narinig ko naman ang mabilis na pagpapatakbo niya ng motor and ilang minutes lang, take note minutes lang nakabalik na agad siya dala ang gamit ko kaya paaano ako makakapagready ng dinner kung sa pag ayos ko palang sa bathtub andiyan na siya. =__________=""

///////////

Please I hope you can subscribe to my youtube channel: Sesshi1997 thank youuu :)))

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon