Chapter 66 Bestfriend's Point of View

14.1K 235 0
                                    

Mark Angelo's Point of View

Naaalala ko noong mga araw na magkasama pa kami ni Mesaiyah, this streets are filled of our memories. Happiness, sadness and pain. Mahirap para sa akin na ngayong araw for the very first time. I ignore her at sinabihan siya ng mga stupidong salita.

Napakasakit para sa isang tulad ko na naging kaibigan siya sa napakahabang panahon na sabihan siya ng ganung mga salita pero kailangan eh. Kahit labag sa kalooban ko ang mga salitang 'yun. Sinabi ko pa rin dahil kailangan. Pinigilan ko ang aking luha na tumulo. Ayokong makita niya akong nagpapanggap lang. Ayokong makita niya akong..mahina ako at hindi ko siya ipinaglaban.

Flashback

"MAHAL KITA. MAHAL KITA. MAHAL KITA. MAHAL KITA HIGIT PA SA ATING PAGKAKAIBIGAN." kita ko ang paggalaw ng kanyang labi. Alam kong hindi man niya ipagsagawang mahal niya ako. Nararamdaman ko naman ang pagmamahal niya, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman 'yun. Mahal ko din siya. Oo, gusto ko siyang makasama habang buhay pero sa ngayon. I need to let her go.

Kahapon,nagpunta dito ang prince ng isang sikat na yakuza sa aming bahay kasama ang tatlo pang mga lalaki.

"Gusto ko..layuan mo na si Mesaiyah." napatingin ako sa kanyang mga mata na matatalim ang tingin na ibinibigay sakin.

"Binili ko na siya sa kanyang mga magulang kaya layuan mo na siya."

"Kayo. Kayo ang mga takas sa mental na nakasalubong namin." matapang na sagot ko sabay tinutukan niya ako sa ulo ng baril na sakto namang kadarating lang ni mama at papa galing sa trabaho at nang makita niya kami, gad siyang tumakbo sakin at niyakap ako.

"ANAK!!ANAK!!WAG!!WAG!!WAG NIYO ITONG..GAWIN SA KANYA!!ANO BANG KAILANGAN NIYO?!" naiiyak na sabi ni mama at kita ko ang takot sa kanyang sigaw.

"Ayaw niyang sumunod sa utos namin." singit ng isang nakasuot na bonnet na red.

"Bakit?ano bang utos niyo sa anak ko?" sagot ni papa.

"Gusto kong layuan na niya ang matalik niyang kaibigan. Magpakalayo-layo kayo..gusto ko umalis na kayo." sinipa niya samin ang malaking itim na bag na may lamang pera.

"Kung hindi kayo susunod sa utos namin.. Wala na kayong aabutang bukas pa." dagdag niya.

"Hindi. Hindi kami aalis dito." sagot ko at tig-iisa nila kaming tinutukan ng baril.

"S-sige..a-aalis..kami dito..wag niyo lang kaming..patayin." sagot ni mama na nanginginig ang boses habang umiiyak at yakap naman siya ni papa.

"Hindi tayo aalis mama."

"Angelo. Aalis tayo. Sumunod nalang tayo sa sinasabi nila para wala ng gulo."

"Pero ma..bestfriend ko ang lalayuan ko. Si Mesaiyah, napakahirap nun ma..intindihin niyo naman ako."

"Mag-uusap po kaming tatlo. Umalis na po muna kayo para makapaggawa ng desisyon. Alam kong napakahirap ng inuutos niyo kaya sana, iwanan niyo po muna kami." iniwan nga kami ng mga Yakuza clan matapos sabihin yun ni papa. Nakaupo kami sa light maroon couch ng aming living room..nasa magkabila kong tabi si mama at papa na ngayon ay pilit akong pinapasunod sa gusto nila.

"Angelo. Layuan mo na ang kaibigan mo." my mother said breaking the tension between us.

"Alam mo po ba ang sinasabi niyo? Tatanggap kayo ng pera sa mga masasamang tao?"

"Angelo para ito sa ikabubuti nating tatlo." sagot ni papa. Nakatungo lang ako at hindi ko mapigilang itikom ang aking mga palad sa sobrang galit.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon