Chapter 44 She Need Help Not To Fall

16.4K 267 2
                                    

Mesaiyah's Point of View

Nakauwi kami sa bahay na hindi pa rin nagpapansinan ni stranger samantalang si manang ay takang-taka kung bakit tahimik kami.

"Bakit parang ang tahimik?" tanong ni manang na ngayon ay naghahain ng aming dinner.

"Payy hindi maingay kaya tahimik." sagot ko at napatingin sakin si stranger.

Sinabi ko naman sa kanya na kilala nila ang bestfriend ko na lagi kong kasama kaya ayan..nang dahil sa kanya naging hot issue na naman ako sa kanila. Hindi ko na nga alam kung pano pa ba' yan tatakasan.

Nauna akong natapos kumain sa kanya kaya agad akong nagdiretso sa kwarto para gumawa ulit ng assignment.

Ewan ko nga ba kay stranger kung gumagawa yan ng assignment...parang sa nakikita ko hindi eh. Kung sa bagay, kailan pa gumawa ng assignment ang tamad. Himala nalang kung mangyari 'yun.

Naramdaman ko ang pagpasok niya sa kwarto subalit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagsagot.

Sulat..

Sulat..

Sulat..

OHMY?! ANO NGAYON?

Agad akong tumayo at agad na naghanap ng calendar. Buti nalang meron sa kwarto niya.

Haaaaah?!Byernes na pala ngayon? kung ganun..

OH NO?!

Bukas na pala ako kakanta sa runaway house kasama si seth. Pano nga ba ako makakapunta dun? Hindi ko alam kung saan ang runaway house. Sumalampak ako sa study table niya. Nalimutan ko, andito nga pala siya sa kwarto. Baka isipin niya ang weird ko.

Si Maysel? Tama. Si Maysel ang isasama ko. Kinuha ko 'yung cellphone ko at aish! Pano ba gamitin 'to? Simula kasi nung niregalo niya sakin 'yan, hindi ko man lang pinagkukutingting.

"Anong problema mo?" tanong niya. Lumapit ako sa kanya at inabot ang cellphone.

"Pwede bang..tawagan mo si Maysel." kinuha naman niya yung cellphone at dinial na yung number ni Maysel.

Calling maysel..

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try your call later.

Nahh! May cellphone nga patay naman.

Pano na ako makakapunta sa runaway house?

"Sorry." natahimik ang utak ko sa sinabi niya at napatingin sa kanya.

"Hindi ko na hahawakan ang kamay mo." dagdag niya at napaupo ako sa couch kung saan nakaupo din siya. Teka? Parang nangyari na'to? Dejavu?

"Hindi ko na alam kung pano sila tatakasan." sagot ko sabay huminga ng malalim.

"Aayusin ko ang gulo na ginawa ko sa'yo." sabi niya pero tumingin lang ako sa kanya na parang nagtatanong.

"Alam mo ba kung saan ang runaway house?" tanong ko napatingin siya sakin na parang gulat na gulat. Nagbabaka sakali akong alam niya.

"Bakit?" he asked.

"Secret." sagot ko.

"Secret din kung asan ang runaway house." Sagot niya

"Errr? Kakanta ako dun."

"HAAAAH?! Kakanta ka? S-sa runaway house?"

"Oo. Bakit? May problema ba kung kumanta ako dun?"

"Wala." cold niyang sagot. Ayan na naman siya sa pagiging cold. Nakakatakot siya pag ganyan parang nakakapatay ang pagiging cold niya. Bigla siyang tumayo at hinigit ang braso ko.

"Hoy! Bitawan mo nga ako. San ba tayo pupunta? Hoy!" sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa braso.

"Sumama kana lang." sagot niya at patuloy niya pa rin akong hinigit.

"Teka? Napipikon kana sakin kaya ima-massacre mo ako?" Pinitik naman niya ang kamay ko.

"Sa tingin mo gagawin ko sa'yo 'yun?"

"Oo."

"Paano ko gagawin sa'yo y'un e mahal kita."

Napalunok ako ng laway. Natahimik ang bunganga ko ng dahil sa kanya..parang..parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"'Yun lang pala ang katapat mo para matahimik ka."

Napalunok muli ako ng laway. Sinong hindi matatahimik e napakaseryoso niyang sinabi 'yun. Pataas kami ng pataas ng pataas and pataas all over again. Asan na kami? Parang nasa bubong na kami ng bahay nila eh. Tumingin ako sa langit at kitang-kita ko ang bilog na buwan at mga stars sa taas. Agad kong hinanap ang orion at hindi naman ako nabigo na makita ito.

May maliit na bahay sila sa ibabaw ng bubong nila at naupo kami sa tabi nito. Parang attic na may higaan at isang upuan. Napayakap ako sa aking tuhod dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Wala akong ibang naririnig kundi ang paghampas ng dahon sa isa't-isa na tanging bumabasag sa aming katahimikan.

"Nakikita mo ba ang gumagalaw na ilaw na 'yun?" turo niya.

"Oo." tipid kong sagot.

"'Yun ang runaway house."

"Haah? 'Yun 'yung runaway house?" Tumango lang siya at naging tahimik na naman kami. Nakatingin lang ako sa mga stars na kumikislap-kislap sa langit ng bigla niyang isuot sakin ang sumbrero ng damit ko. Tumingin lang ako sa kanya na nagtatanong.

"Ahh..eh. Mahamog na kasi..baka magkasakit ka."sabi niya.

"Ako? Magkakasakit? Nah. Hindi ako magkakasakit."

"Anong sa tingin mo. Robot ka at hindi ka magkakasakit?"

"Wala akong sinabing robot ako." natawa lang siya sa sagot ko.

"Bakit mo nga ba ako dinala dito?" tanong ko.

"Kapag kasi hindi ko alam ang gagawin. Dito ako nagpupunta." hindi ko alam pero natawa nalang ako sa sagot niya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

"Hah?! Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Hahahahahaha ikaw? Dito nagpupunta? Hahahaha hindi ko alam ang isang tulad mo marunong din palang mag emo."

"Emo? Ano 'yun?"

"Hah? Hindi mo alam ang emo. E parang araw-araw mo yatang ginagawa yun."

"Hah?!"

"Emo. 'Yung laging senti ka, laging madrama, laging malungkot, laging broken parang ganun."

"Hah?! Emo ba ang tawag dun."

"Uhuh."

"Ano naman ang tawag sa lagi kang inaaway?"

"Ahmm. Awan. Bakit mo ba sakin tinatanong 'yan hah?"

"Eh kasi ikaw lang ang kausap ko." Kung sa bagay, may point siya.Ako nga lang ang kausap niya kaya kanino pa siya magtatanong. Sa mga bituin try niya magtanong.

"Pasok na tayo sa loob. Lumalamig na masyado." sabi niya at tumayo na siya at lumakad na pabalik sa kwarto. Hindi muna ako sumunod sa kanya kundi nagtahan muna ako sandali dito.

Mr. moon is shining brightly in the night sky at ang orion na lagi kong hinahanap. Ngayon, mas nakakausap ko na kayo ng malapitan dahil nasa taas ako ng bubong nila. Hindi ako makapagsalita nang sabihin niyang mahal niya ako. Tulungan niyo naman akong wag maniwala sa kanyang sinabi..please? Ang puso ko ay para lang kay angelo kaya wag niyo pong hayaan na mahulog ako sa kanya.

P.S (Pahabol na Sabi)

Sana matakasan ko na ang mga problema alo na kay stranger. Haaayy!

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon