Chapter 61 My Heart

13.2K 243 2
                                    

Mesaiyah's Point of View

Tatayo na din sana ako para sundan siya nang makita kong papalapit sa kanya si Kosuri na ang mukha ay nagtataka. Nakita na naman niya kaming magkasama.

"M-magkasama na naman kayo?" Nakakunot ang noo niya na tanong pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Ahmm. Eh. Nakita ko kasi siyang nakaupo mag-isa sa bench kaya nilapitan ko. Papaalis na din naman ako eh."

"Ikaw? Anhiro?"

"Hindi siya aalis. Ahm. Sige, maiwan ko muna kayong dalawa." singit ko at nagsimula ng lumakad papalayo sa kanila..

Sana naman makapag-usap sila ng masinsinan pero kung sa bagay, may point si stranger sa sinabi niya kanina. Bakit nga ba gusto kong bigyan niya ng chance si Kosuri samantalang ang chance na 'yun hindi niya maibigay sakin. Pero humihingi sakin si Kosuri ng tulong, hindi ko pwedeng tanggihan ang humihingi ng tulong. Siguro naman sapat na ang naitulong ko sa kanya ngayon.

Nagpunta nalang ako sa runaway house, nagbabakasakaling andun na ang manager namin at makasweldo na ako.

"Andiyan na ba si manager Denstah?" tanong ko sa guard na nagbabantay sa opisina ng manager namin.

"Wala pa po. Mamaya pa po siya dadating kasama ang girlfriend niya."

"Ahh. Mga anong oras kuya?"

"Mga 10 pm pa po siguro."

"Sige kuya, thank you."

"Teka po? Ikaw po ba si Mesaiyah?" napaharap ako kay kuya.

"Opo." pagkasagot ko, bigla siyang yumuko sakin.. Anong problema nito ni kuya? Hindi ko nalang siya pinansin kundi nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Hindi kami kakanta ngayon dahil hindi ngayon ang schedule namin. Kokonti ang tao sa runaway house at napakatahimik. Bilang lang ang taong nakikita ko ngayon, hindi mausok, hindi maingay, walang mga babaeng halos pang FHM na ang suot, walang mga naghahalikan at sa mga oras na ito. Nakikita ko na ang tunay na kagandahan sa loob ng runaway house.

Narealize ko tuloy na may kwenta pala ang may-ari nito, may kwenta siya kung kokonti lang ang tao pero wala siyang kwenta kapag maraming tao. Anudaw?

Nagpatuloy nalang ako sa aking paglalakad mula sa aking pagkakatigil dahil sa pagmamasid nitong bahay nang maaninaw ko mula sa malayo si Seth. He was standing in the dark end corner of the house together with a girl at sinampal siya nito na kahit ako ay ramdam ko ang sakit. Ouch!

Nagtatakbo papalabas ng runaway house ang babae habang umiiyak. Teka? Teka? Is that Dianne? Yung SC president namin?

Nakita ko naman si Seth na nakatayo pa rin at hindi gumagalaw mula sa pagkakasampal ni Dianne sa kanya kanina. Lalapit na sana ako sa kanya ng makita ko si Mrs. Valencia, 'yung mama niya? Her hand was running in his son's back. Nakikita ko ang pagtulo ng luha ni Seth sa kanyang mga mata.

"You did great!" rinig ko na sabi ni Mrs. valencia sa kanyang anak.

Tiningnan lang ako ni Seth at ng mama niya nang malagpasan nila ako. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makalabas na ng runaway house.

Hindi ko na siguro kailangan pang mangialam sa kanila no? Hindi ko na kailangang alamin ang dahilan kung bakit siya sinampal ni Dianne. Pagkalabas nila ay sumunod na din ako at saktong may dumaan na kotse kaya dun na ako sumakay.

Nakarating na ako sa bahay nila stranger, papasok na sana ako ng makita ko si Kosuri na nasa living room kaya agad akong tumago sa halamanan nila.

Hindi niya ako pwedeng makita. Gumapang ako papunta sa backyard nila stranger at dun ko nalang naisipan na magtahan hangga't hindi pa umaalis si kosuri.

"Hoy! Hoy! Hoy!" napatayo ako bigla dahil sa nagsalita. Akala ko multo na, hindi pala. He was standing in front of me and I can feel his soft breath bouncing on my face. Wala akong masyadong nakikita, napakadilim at tanging naririnig ko lang ay ang huni ng mga hayop tuwing gabi.

Nakatulog pala ako dahil sa paghihintay na makaalis si Kosuri sa bahay nila stranger at ngayon lang ako nagising.

My heart. My heart beats fast like there was a hammer inside. Waaah!! Ano 'tong nararamdaman ko? Kanina pa ito!

"Bakit dito mo naisipang matulog?" nakatitig lang ako sa kanya at gustuhin ko man ang magsalita. Walang lumalabas sa aking bibig. Kinulong niya ako sa magkabila niyang braso dahilan sa pagsandal ko sa pader.

"Bakit ba tinutulak mo ako kay Kosuri?" tanong niya. Jusko. Paano ako makakasagot kung ang lapit ng mukha niya sakin.

Napalunok nalang ako ng laway and still mabilis pa din ang pagtibok ng puso ko.

"Wag mo akong itulak sa kanya kung ayaw mong mawala ako sa'yo."

"Okay lang, kahit mawala ka sakin. Hindi naman kita kailangan." sagot ko at napababa ang kanyang mga braso at itinungo ang ulo. Naglakad na siya papalayo sakin.

"Pumasok ka na sa loob, kanina ka pa natutulog diyan." pahabol niyang sabi. Nakatigil pa rin ako sa pagkakasandal sa pader at huminga ng malalim. Tama ba ang sinabi ko? Hindi ko siya kailangan? Lumakad na din ako papasok sa loob ng kanilang bahay.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon