Special Chapter 3

14.9K 231 2
                                    

Maysel Point of View

Nakaupo ako ngayon sa damuhan sa ilalim ng mangga. May nakasapak sa tenga ko na earphone. Nakikinig ng kanta at napamulat ang pikit ko na mata nang may tumabi sakin. Si Razec yun, sino pa ba? Humarap ako sa kanya at kumanta.

"So, it's gonna be forever? Or it's gonna go down in flames. You can tell me when it's over...nah..nah..nah..nah..cause we're young and we're reckless. We'll take this way too far. It'll leave you breathless or with a nasty scar. Got a long list of ex-lovers. They'll tell you I'm insane. But I've got a blank space baby. And I'll write your name." Kanta ko at inuntog ko ang noo ko sa noo niya pero pinisi niya lang ang ilong ko.

"Ano naman 'yang kinakanta mo?" Tanong niya.

"Blank space ni Taylor Swift. Nakaka LSS kasi." Sagot ko at ibinigay sa kanya ang isang pares ng earphone. Parehas na kaming nakikinig ng blank space. Umusog ako ng konti sa tabi niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Parehas naman kaming nakatingin sa ulap.

Nasa loob kami ng school. Parehas kaming nag-aaral at parehas kami ng pinag-aaralan na eskwelahan ngunit magkaiba ang course. Ako ay Business Management, siya naman ay hotel and restaurant management.

"Bakit nag-iisa ka lang dito?" Tanong niya.

"Payy hindi dalawa kaya nag-iisa." sagot ko pero pinisi niya lang ang pisngi ko. Aw! Binelatan ko nalang siya.

"Tumayo kana nga diyan. May pupuntahan tayo." Siya habang inaalalayan akong tumayo. Pinagpag ko ang palda ko at kinuha yung libro.

"San naman tayo pupunta?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Sa bahay." Sagot niya.

OMG? Gagawin naba namin? Teka. Teka? Anong suot kong underwear ngayon? OMO! Florals? Tapos yung bra ko? Florals din? Wah! Sa banketa ko lang nabili yung mga yun!

I just clear my throat. Stupid Maysel! Sa tagal niyo na ni Razec ngayon ka pa nag-isip niyan. Ni isang beses hindi pa nga niya ikaw niyayaya.

At pumunta nga kami sa bahay niya gamit ang kanyang motor. Binuksan ko na yung pinto ng bahay niya. Grabe! Ang daming kalat! Lalaki ba ang nakatira dito?

"Ang daming kalat naman." Sabi ko habang inaalis ang aking sapatos at umupo sa couch.

"Magpapatulong ako sayong maglinis." Sagot niya at binuksan niya ang CD player na katabi ng TV. Umupo siya sa tabi ko habang ang kamay niya ay nakaakbay sakin.

"Dito kana lang tumira. Sa bahay ko." Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Loko! Gawin mo lang akong asawa mo. Ayoko nga atsaka parang ako na ang pumalit sa katayuan ni Mesaiyah kung dito man ako tumira." I demanded. Ang nakaakbay niyang kamay ay napalitan ng yakap. Gosh! Ano bang gagawin nito? Ang bilis ng tibok ng puso ko tapos parang naging statwa ako sa ginawa niya.

"Don't move. I just wanna kiss you." Sabi niya. At yun' hinalikan niya ako. A passionate slow sweet kiss between us. Kapag hinahalikan niya ako parang yung tibok ng puso ko titigil. Nasa leeg niya ang kamay ko habang nakahawak naman siya sa may likod ng ulo ko. Natigil ang paghalik niya matapos ang ilang minuto. Ngumiti siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Hindi naman kita pinipilit na dito tumira. I respect your decision pero..nasasawa na akong mag-isa dito." Kung sa bagay, madalang lang akong pumunta dito sa bahay niya. Siguro, once in two months.

"Sige. Dito ako titira pero ipagpaalam mo ako kay mama at papa." Sabi ko.

"'Yun lang naman pala eh." Sagot niya at hinalikan niya ako sa ilong. At tumayo na siya at nagsimula ng maglinis ng mga kalat. Tinulungan ko na din siya at pagkatapos naming maglinis ng buong bahay.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon