Chapter 42 Take His Command

16.5K 267 3
                                    

Mesaiyah's Point of View

For our final C.A.T in Mapeh ,natanggal ang aming leader na si noel at ang pinalit ay si stranger. Mabuti nga inalis na 'yun..masyadong mahirap kasi 'an magparusa eh..buti nga sa kanya. At dahil kakatransfer lang daw ni stranger. Kailangan niyang maging leader para mahabol niya ang grade namin.

"TAKE MY COMMAND!!!" ang lakas ng sigaw niya..parang..parang mas matapang pa siya kesa sa nauna naming leader.

"HARAP SA KANAN...HARAP!!" humarap kaming lahat sa kanan na parang mga sundalo na sabay-sabay.

"TUNGTONG KANAN..NA!!!"

"HARAP SA KALIWA..HARAP!!"

"PASULONGKAD...NA!!"

"Kaliwa,kaliwa,kaliwa,kanan,kaliwa,kaliwa,kaliwa,kaliwa,kanan, kaliwa."

"PUSH UP NOEL IN 100 TIMES!!!MALI ANG PAA MO!!NAUUNA ANG KANAN SA KALIWA!!"

"Pero?"

"PUSH UP IN 150 TIMES!!"

"Hah?"

"200 TIMES!!" Ayan. Ang dami mo pa kasing daldal..padagdag ng padagdag tuloy ang push up mo. Kung tutuusin mas kulang pa 'yan sa kanya kung pagsasama-samahin ang mga parusang binigay niya samin.

Pawis na pawis niyang natapos ang pagpupush up.

"MAGSIHANAY NA ANG LAHAT NG MAAYOS!!" ang cute lang ng boses niya. Slang siya magsalita..lalo na kapag sumisigaw. Ayy!Ano ba yang mga sinasabi ko.

OHMY!! O__________O Ako nalang pala ang hindi nakahanay. Be ready saiyah sa parusa mo. Huhuhu! Wala ang bestfriend mo para saluhin ang iyong parusa. Be ready. Be ready.

Napalunok ako ng laway. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lumapit siya sakin at tumingin ng seryoso.

"HAWAKAN MO ANG KAMAY KO NG ISANG ORAS!!!"

"Hah?"

"LIMANG ORAS!!"

"Hah? Hindi naman pwede 'yung sinasabi mo ah! Kahit itanong mo pa kay ma------"

"ISANG ARAW MONG HAHAWAKAN ANG KAMAY KO!!"

"Pero?"

"LIMANG ARAW!!!"

"Haaaaah???Injustice naman yan..wala namang----"

"Sumunod kana lang. Ang daya mo kung hindi ka susunod. 'Yan ang parusa sayo eh."

Napalunok ako muli ng laway. Tumingin ako sa kanya at OHMYGOD!! Ano ba 'to? Antanga ko. Bakit kasi sumagot pa ako sa kanya.

>/////////<

Siya nalang ang humawak sa kamay ko dahil hindi ko kayang hawakan ang kamay niya.

"AYIEEEEHHH!!!" panguulit ng mga kaklase ko.

"MAGPUSH UP KAYONG LAHAT NG 10 BESES!!!" agad siyang sinunod ng mga kaklase ko. I swear! Mas gugustuhin ko pang magpush up ng 200 na beses kesa hawakan ang malambot niyang kamay. Napaka awkward. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. May sine lang?

Nagcocommand pa rin siya sa mga kaklase ko habang hawak ang kamay ko at nang matapos na ito...hawak niya pa rin ang kamay ko.

Kailangan iparada? Nakakahiya talaga. Kahihiyan makasama ang lalaking 'to. Hanggang sa paguwi namin, magkahawak pa rin ang kamay namin kaya kaming dalawa ang hot topic ng mga estudyanteng nakakakita samin. Naglalandian daw kami. Pwe. Kung alam lang nila na nandidiri ako sa taong 'to.

"Hanggang kailan ba matatapos ang paghawak ng kamay ko sa'yo?" tanong ko.

"Limang araw." cold niyang sagot.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon