Chapter LIV. Couldn't ask for more

6.4K 98 5
                                    

Gwen's POV

Isang linggo ang lumipas at dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko. Sa tulong ng mga kasamahan ko sa Charity ay naumpisahan namin ang programa sa paaralan ng maayos. Natutuwa akong makitang maraming natutulungan ang kawang gawa ng kumpanya namin.

"Students, meet Miss Gwen Martin, siya ang CEO ng Bluefront Corporation at ang sponsor ng YFC Charity program." pag-announce ng punong guro sa stage

"Good Morning Miss Gwen." sabay-sabay na bati sakin ng mga estudyanteng naroroon.

Habang tahimik na nanunuod ng intermission number ng mga kabataan ay di ako mapakali dahil ilang oras na ang lumipas ay di ko pa rin nakikita si Erika.

Nung matapos ang programa at pamimigay ng mga kagamitan ng mga bata at muli kong nakausap ang principal ukol sa scholarship na ipapamahagi ko sa mga estudyanteng maghahighschool na at walang pang-aral ang mga magulang.

Pauwi na sana ako nang di ko inaasahang makakasalubong ko si Erika. Ang laki na ng ipinagbago niya. Mas bagay sakanya ang unipormeng suot niya bilang guro.

Nahalata kong nagulat siya nung nakita niya ako... Nahihiya man akong kausapin siya ay di ko rin natiis at nilapitan ko din siya upang kamustahin.

"Kamusta ka na?" kinakabahan kong sabi

"Okay lang naman, ikaw ba? anu nga palang ginagawa mo dito?" tanong niya sakin habang nakakunot ang mga noo

"Ah okay lang din, katatapos lang ng program." sabi ko

"Ahh so ikaw pala yung sponsor ng YFC program?" gulat niyang tanong

"Oo ako nga." sagot ko habang tinititigan siya

"Akala ko nasa US ka na." sabi ni Erika habang naglalakad kami palabas ng gate

"Hindi na natuloy, matagal na kaming wala ni Vine." sabi ko

"Sorry to hear that." sabi niya

"Thanks, masaya ako at napagpatuloy mo na ang pagiging teacher mo." nakangiti kong sabi

"Salamat, ah sige mauna na ako." pagpapaalam niya

"Ah wait, ihahatid na kita." sabi ko saka siya hinawakan sa braso

"No, okay lang...mag-cocommute na lang ako." sabi niya saka nagmadaling umalis.

Agad akong tumakbo papunta sa sasakyan saka nagdrive para sundan siya ngunit di ko na siya naabutan. Kahit na sandali ko lang siyang nakausap ay di matanggal ang ngiti ko sa mga labi hanggang sa nakauwi na ako ng bahay. Naintindihan ko kung bakit ganun ang ikinikilos niya sakin hanggang ngayon pero alam kong kahit papano ay may puwang pa rin ako sa puso nya.

-

Erika's POV

Aaminin kong nung muli kong nakita si Gwen ay lalong bumalik ang dating naramdaman ko para sa kanya. Bakit kaya sa dinami-dami pa ng lugar ay dito ko pa siya muling nakita. Kung alam niya lang kung gaano ko siya kagustong kausapin. Itago ko man ang nararamdaman ko ay siya at siya pa rin ang minamahal ko. Pagdating ng bahay ay tila napansin nina tatay na masaya ako. Panay tanong nila kung anung nangyari at mukhang kanina pa akong kinikilig. Pagkatapos kong kumain ay masaya akong humiga sa kama. Di ko na ring namalayang nakaidlip na ako sa sobrang pagid kanina.

-

Alas sais ng umaga nang nagising ako upang makapasok ng maaga sa trabaho. Habang nagtuturo ay do ko inaasahang makikita ko muli si Gwen na nakangiting tinititigan ako habang nakatayo sa labas ng class room. Maya-maya pa lang ay umalis na siya kaya naman muli kong ibinaling ang atensyon ko sa pagtuturo.

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz