Chapter XV. Out of my league

8.5K 155 19
                                    

Gwen’s POV

11:30 nung tinawagan ako ni Mr. Cruz habang nasa coffee shop kami ni Francine, kaya naman nagpaalam muna ako kay Francine para kausapin si Mr. Cruz para sa mahalagang balita tungkol sa fund project.

“Good Morning Mr. Cruz.” Bati ko kay Mr. Cruz nung nakasalubong ko siya malapit sa opis niya.

“Good Morning too Ms. Martin, mamayang hapon na magsstart yung feeding program fund project natin, do you like to volunteer para makita mo na rin yung mga batang tutulungan ng company?” he asked

“Of course, I’m so happy to be helping those abandoned children, I’m also honored to partake in this kind of activity.” Masaya kong sabi

“May kinuha na rin tayong mga social workers, mamimeet nyo po sila mamaya Ms. Gwen.” He added

“Thank you po for the information Mr. Cruz! This is a dream come true to me.” I said.

“Walang anuman po, our company is doing great economically and socially.” He said while smiling.

Pagkatapos naming mag-usap ay dumerecho ako sa opis para tapusin ang mga dapat kong gawin, maraming nakatambak na dapat i-sign sa mesa ko kaya naman it’s very tiring for me. Pagkatapos kong gawin ang mga files ay napatingin ako sa wallpaper ng laptop ko, picture ni Vine nung natutulog siya (hindi nya alam na kinuhanan ko sya ng picture nun)ang nakawallpaper kaya bigla akong nalulungkot, ano nga ba ang dapat kong gawin eh ilang linggo nalang ikakasal na sya. Hindi pa rin siya matanggal sa isip ko.

Wala na kasing Vine na nag-aalok sakin na mag-coffee, wala ng Vine ang hahawakan ang kamay ko ng mahigpit, wala ng Vine ang lagi kong kausap sa lahat ng bagay, wala ng Vine ang baluktot kung magsalita ng tagalog. Hayy, nakakamiss siya sobra, she’s near but hindi na kami tulad ng dati.

Imbes na magmukmok maghapon ay nagdrive nalang ako papunta sa park na malapit sa bay kung saan gaganapin yung project naming feeding program. Ang daming bata ang nakapila kaya naman masaya akong tumutulong kasama ang mga social workers para matulungan ang mga batang nagugutom, ika nga sa isang kasabihan, I know I can’t do everything, but I believe that I can do anything to help in this society.

Makatapos kong tulungan ang mga social workers sa pag-aabot ng mga libreng pagkain na nakastyro eh may isang cute na bata ang lumapit sakin.

“Ate, anung pangalan mo?” sabi ng bata

“Ate Gwen yung pangalan ko, bakit mo po natanong?” natutuwa kong sabi sa bata

“Ate Gwen? Ang ganda ganda nyo po kasi eh.” Sabi ng bata habang hawak hawak niya yung meal na binigay ko.

“Naku bata ka pa marunong kana mambola ha! Hehe.” Sabay pisil ko sa chubby nyang pisngi.

“Di po ako marunong magsinungaling noh!” sagot ng bata

“Ganun..sige na nga, sabi mo eh, ikaw naman ang cute-cute mo.” Panggigigil ko sa bata    

“Ron-ron tara na laro na tayo!” sabi ng isang batang babae na kalaro nung batang kausap ko

“Sige po ate Gwen, alis na po ako. Salamat po ha! Balik po kayo dito ha!” sabi ng bata sabay takbo papunta sa kalaro niya

“Sige mag-ingat kayo.” Natutuwa kong sabi.

Natutuwa ako sa mga batang iyon, napakapilyo nila kaya naman pangako ko na next time eh babalik ako dito para magvolunteer.

Vine’s POV

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now