Chapter IV. Vine's Birthday

10.5K 192 4
  • Dedicated to Followers
                                    

After ng ilang oras ay dumating na si Vine, ang birthday girl na pinakamamahal ko,napakaganda niya sa red casual dress na suot niya, she looks so elegant, pagkarating na pagkarating pa lang niya sa function room ng house party niya ay nagsikantahan na kami ng mga bisita niya ng "Happy Birthday."

Ang tanging kinaiinisan ko lang ay ang mga lalaking nagbibigay sa kanya ng gifts na tila gustong manligaw kay Vine, namumula ko sa selos pero alam ko na wala akong karapatan magalit dahil kaibigan lang naman ako.

Nag-inuman kami nina Vine at ng mga staffs niya unti 2am then nagsiuwian din ang mga bisita after the party kaya kaming dalawa na lang ang natira sa bahay ni Vine bukod sa dalawa niyang kapatid na mga babae. Uuwi na sana ako kaso nga lang masyado akong nahihilo at di makatingin ng diretcho kaya sinabihan ako ni Vine na mag sleepover na lang ako sa kanila kaysa magdrive pa ng lasing, kaya pumayag naman ako.

Akala niya ay wala akong regalo para sa kanya pero nagulat siya nung pagpasok niya sa room niya ay may napakalaking banner na kulay pink na nagsasabing "HAPPY 23rd BIRTHDAY VINE, -LOVE GWEN" tapos nakita niya yung 23 kinds of presents na binili ko para sa kanya, simula sa favorite nyang CD Album, favorite perfume, favorite style ng dress, and lastly, yung pagrecord ko sa boses ko nung kinantahan ko siya ng favorite song niya na "True" ni Ryan Cabrera.

Napaluha sa tuwa si Vine at niyakap niya ako kahit medyo lasing siya. 

"Thank you Gwen! I love you friend!" sabay akap ni Vine from behind my back.

"Basta ikaw, I love you too and Happy Happy Birthday again!" niyakap ko siya ng mahigpit.

How I wish na sana kami na lang...Hayyy pero after that, she took a shower para matanggal ang hangover niya dahil maraming wine rin syang nainom. Kaya nahiga na lang ako sa kama niya at naidlip. Pagkatapos niyang maligo ay tinawag niya ko para abutin sa kanya ang towel dahil nakalimutan niya.

Nung pagkaabot ko ng towel niya ay kitang kita ko ang hubog ng kanyang katawan sa glass door ng shower room. Napakasexy niya pero pinipilit kong isipin na magkaibigan lang kami at wag ko dapat isipin ang mga bagay na yun hehe.

Humiga ulit ako dahil hilong hilo pa din ako sa alak na nainom ko.

"Gwen, favor naman please?" pakiusap ni Vine sakin

"Sure, ano yun?" tanong ko habang mabilis na bumangon sa pagkakahiga.

"Pakilagay naman ng moisturizer sa likod ko." utos niya

"Sure, sige." sabi ko habang unti unting nilagay ang moisturizing lotion sa likod niya.

Ibang init ang nararamdaman ko sa aking katawan, ewan ko kung dahil lang ito sa alak pero habang nilalagay ko ang lotion sa likod niya with my bare warm hands, I felt so hot. Napakabango niya and so mesmerizing but I'm trying hard not to make her notice how I feel.

After nun ay natulog na kami, magkatabi, nakaaadik ang amoy niya na parang nasa langit na ako tuwing kasama ko siya, ilang pulgada lamang ang pagitan namin sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin, halikan ng magdamag pero mas minabuti ko na lang matulog na lang dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin, Masaya ako na kasama ko siya at kuntento na ako sa kung anung meron man kami ngayon. 

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now